You are on page 1of 2

SOCIAL MEDIA: Makabagong Paraan ng Pahayagan at Instrumento nga ba ng

Kapulisan?

Sa paglipas ng panahon, kasabay ng pag-unlad ng mga tao ang pag-


usbong ng mga makabagong teknolohiya. Hindi alintana sa kasalukuyan ang
dumarami muling kaso ng mga krimen katulad na lamang ng kidnapping na
nagiging talamak na naman sa ngayon, pagnanakaw at iba pa. Sapagkat
nabubuhay na tayo sa modernong panahon ang pamamaraan ng pagkalap ng
mga balita ay hindi na lamang nalilimitahan sa radyo, pahayagan at telebisyon
kundi mababatid na rin maging sa iba’t ibang social media platforms na mayroon
sa hinaharap. Hindi mapasusubalian na sa lahat ng dako sa mundo ay
maraming krimeng nagaganap. Sa paghahatid ng mga balita sa tulong ng social
media, ating natutunghayan ang mga krimeng gawa ng mga masasamang tao.
Ano nga ba ang social media? At ano ang ambag ng social media sa pagbibigay
kaalaman sa mga krimen na nangyayari sa ating bansa o sa ibat ibang panig ng
mundo? Paano maiiwasan ito? Iyan ang malaking katanungan at hinahangad
ng mga tao.

Ang social media ay platform para sa pagbabahagi ng mga kuwento,


salaysay, at mga larawan, pati na rin mga makatotohanang balita at datos na
umaakit sa madla. Nagbabahagi rin ang social media sa mga pinakamalaking
isyu na kinakaharap ng mundo ngayon mula sa mga direktang naapektuhan.
Malaki ang naitutulong ng social media sa paglaganap ng impormasyon. Ito ang
daan sa paghahatid ng kaalaman sa mga tao.

Maraming iba’t ibang uri ng krimen tulad ng pagpatay, pagnanakaw,


panghahalay, pagkidnap, panloloko sa kapwa tulad ng scam, at marami pang
iba. Sa karagdagan, malaki ang nagagawa ng social media dahil ito ay
tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan ng mga tao na kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi, at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa
isang virtual na komunidad at network. Subalit may masama ring dulot ang
social media sa tao, hindi maikakaila na sa pag-usbong ng teknolohiya ay
kaakibat nito ang dalawang posibleng epekto at ito ang maganda at hindi
magandang epekto. May mga larawan na siyang nagpapakita at mga videos na
maaring magparinig at magpakita ng mga panoorin na maaaring magdulot ng
hindi mabuting ehemplo at maaaring tangkilikin o gayahin ng mga manonood
nito na kung saan maaari ding mauwi sa hindi magandang kaganapan. Lalo na
sa kasalukuyang panahon, sa pamamagitan ng social media, nabatid ng lahat
na laganap ang pagkidnap sa mga kabataang babae at maging sa mga
kalalakihan.
Sa paggamit ng social media, may mga isyu o pangyayari na hindi
inaasahan. Napapabilang dito ang mga sekswal na pang-aabuso at maging ang
cyberbullying na nagaganap sa online. Ang mga nabanggit ay ang mga hindi
magandang dulot ng social media. Sa kabilang banda, hindi masasabing puro
masama ang maaari nitong maging epekto kung ang social media ay nagiging
paraan upang ang mga krimen ay maiwasan at maipabatid sa kinauukulan
maging sa simpleng mamamayan. Sa kasalukuyan ito ay nagiging malaki at
importanteng kasangkapan para sa mga awtoridad sa kanilang mga
isinasagawang pag-iimbestiga sa iba’t ibang uri ng mga kriminalidad. Sa
katunayan, ito ay mabisang paraan upang ipabatid ang mga krimen na
nagaganap sa isang partikular na lugar at maghatid ng mga babala upang ang
mga krimen at posibleng maging biktima ng krimen ay maiwasan. Sinasabi rin
ng mga eksperto ang potential na kakayahan na maitutulong ng social media sa
mga awtoridad para mapigilan o maiwasan ang maaaring umusbong na krimen.
Halimbawa na lamang ang pagiging transparent ng mga kapulisan sa mga taong
sangkot sa isang krimen tulad na lamang ng nakawan na sa paraang ito ay
ipinapakalat nila sa pamamagitan ng social media ang ilang mga detalye sa kaso
at impormasyon ng nasasangkot na siyang nagbibigay ng kaalaman sa bawat
tao at mas mapadali ang paghahanap dahil sa maaaring maipabatid sa kanila
ng isang simpleng mamamayan ang maaaring kinaroroonan dahil sa mga datos
na inilahad at maging silbing alerto din o kahandaan ng mga iba’t ibang lugar.

Merong mabuti at masamang naidudulot ang social media sa mga tao.


Nagiging daan ang social media upang magpahayag ng sariling opinyon o
saloobin at maging ng mga balita at datos na umaakit sa atensyon ng madla.
Bukod sa pagpapahayag ay nagsisilbing instrumento rin ito para mapalaganap
ang mga impormasyon tungkol sa nangyayari sa kapaligiran. Malaking ambag
ang naisasagawa nito sa mga awtoridad sa pagsupil ng krimen sa paraang
mabilis makapagpahayag ng balita o impormasyon na makakatulong sa
kapulisan at sa pag-alerto sa sambayanan.

You might also like