You are on page 1of 3

Rhea Mae R.

Marasigan March 31, 2022


GED0105- Sec18 Summative Assessment 1
Ang Epekto ng Internet sa Pampulitikang Pakikilahok

Hinggil sa kaalaman ng lahat na malaki ang pagbabagong naidulot ng makabagong teknolohiya sa


larangan ng pulitika nang ito ay umusbong sa ating bansa. Sa pamamagitan ng internet, nagkaroon ng pagkakataon
ang mga tao upang ipahayag ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng social media. Nagsilbi itong midyum ng
komunikasyon at espasyo ng pangkalahatan kung saan maaaring makita ang saloobin ng bawat mamamayan.
Ayon kay Ramota (2013) dapat ding pagtuunan ng pansin ang pagkakataong naibabahagi ng internet sa mga
ordinaryong mamamayan lalo na sa mga progresibong indibidwal at organisasyon na suriin at hamunin ang
kasalukuyang sistema. Patuloy ang pagdaluyong ng makabagong teknolohiya at ang paglipat sa cloud computing
na higit na mura at pinadali para sa lahat. Ngunit alam din ng nakararami na hindi lahat ng mamamayan ay may
access sa internet, lalo naman sa makabagong teknolohiya. Maraming indibidwal ang nais na magbigay ng
impormasyon, ideya, maghatid ng reporma, magprotesta at iba pang gawain na kinakailangan ng access. Ang
paggamit ng internet ay naging paraan ng gobyerno upang mas mapadali ang pagbibigay kaalaman sa bawat
mamamayan sa bansa, ginamit rin nila ito sa pagbibigay mabilis at agarang serbisyong pampubliko. Naging
midyum ang internet sa pagkakaroon ng mga pandaigdigang kilusang masa na sabayang nagsasagawa ng sama-
samang pagkilos sa kani-kaniyang teritoryo. (Ramota, 2013) Subalit sa lahat ng magandang naidulot ng internet,
ay may kaakibat din itong hindi magandang epekto sa tinatawag nilang cyberspace na ayon sa Technopedia (2020)
ay electronic medium na ginagamit upang mapadali ang online na komunikasyon.Tatalakayin sa sanaysay na ito
ang gampanin ng cyberspace, partikular na ang internet sa pulitikal na aspeto ng Pilipinas, kung paano nagiging
bahagi ang bawat mamamayan sa pakikilahok, pamamahala at pagpoprotesta sa pulitika sa gamit ng makabagong
teknolohiya.
Ang cyberspace ay napaka-maginhawang lugar kung saan ang mga tao ay maaaring magbahagi ng
impormasyon at balita tungkol sa mga bagay bagay. Isa sa binibigyang pansin ng artikulong ito ang mga
pampulitikang agenda na ginawa ng ilang pulitiko tungkol sa paraan ng paglalahad nila ng kanilang mga adhikain
at plataporma. Maaari rin itong maging daan ng kaalaman sa paraang ang impormasyong ipinakakalat ng ibang
tao ay nakapagbibigay ng makabuluhang impormasyon sa kanila kapwa. Pero hindi lahat ng impormasyon na
nakikita sa social media na pinapakalat ng madla ay totoo. Ang makabagong teknolohiyang ito ay masasabing
maginhawa lamang sa may mga taong may kakayahang makagamit kung kaya’t iilan lamang ang may
kapangyarihang ibahagi ang kanilang nalalaman. Ayon kay Ramota (2013), binibigyang-kapangyarihan ng
internet ang indibidwal at mga grupo sa pamamagitan ng pagiging bahagi sa isang pandaigdigang komunidad,
ang world wide web, kung saan maaari silang maging aktibong kabahagi sa halip na ordinaryo at pasibong
tagatanggap. Higit ding pinadali ng internet ang access sa mga midyum ng komunikasyon at impormasyon at
nagbigay ng bagong puwang para mapakinggan ang iba't ibang pananaw. Dahil sa pangyayaring ito, nagkaroon
ng pagbabago sa bawat indibidwal dahil sa karagdagang kaalaman at kasanayan. Dahil sa lumalawak na saklaw
ng internet, lumalawak din ang mga taong nagkakaroon ng kamalayan sa kung anong nangyayari sa kanilang
kapaligiran at mula doon, maaari silang maging parte ng mga kilusan na may pinaglalaban. Malaki ang naging
impluwensya ng internet sa mga non-governmental organizations (NGO) at iba pang mga lokal na kilusan dahil
naipapahayag nila ang kanilang interes, saloobin, ideya, makapag bahagi ng kaalaman, kamtin ang mga parehong
layunin, makapaghapag ng mga panukala sa estado, at papanagutin ang mga opisyal ng estado (Ramota, 2013).
Sa ganitong paraan, hindi lamang nakamit ng mga nasa kilusang ito ang kanilang pakay, kundi ay naresolbahan
din ang mga problema ng karamihan. Ayon kay Ramota (2013), sa pamamagitan ng internet, naging posible ang
konsepto ng pagkakaroon ng mga pandaigdigang kilusang masa na sabayang nagsasagawa ng sama-samang
pagkilos sa kani-kaniyang teritoryo. Kagaya lamang sa pangangampanya na nangyayari ngayon, ang bawat
indibidwal ay may free will na magsagawa ng rally at kilusan para sa kani-kanilang piniling kandidato, karamihan
ay nagpapaskil ng mga anunsyo tungkol dito sa pamamagitan ng mga publication materials upang ma-enganyo
ang ibang mamamayan na sumali. Sa panahon ngayon, halos lahat ay may kanya kanya ng gadyet dahil mas
madaling makasagap ng impormasyon dito, ngunit sabi ng may akda, sa panahon 2013 ay hindi epekto ang mga
nabuong pagkilos kung ito ay sa internet lamang magaganap. we should draw the line between cyberspace and
physical world, hindi lahat ng bagay na makikita sa internet ay magagawa at natatapos lamang doon. Kailangan
pa rin ng pagkilos sa pisikal na mundo dahil mas praktikal ito.
Dahil limpak limpak na impormasyon ang maaari mong makita sa internet, naging paraan din ito upang
maging batayan sa mga diskusyong politikal. Nagsilbing midyum ang internet sa interaktibong
pakikipagtalastasan gamit ang iba’t-ibang social media apps kagaya ng Facebook, Twitter, Skype, Youtube at
marami pang iba. Dito, nagkaroon ng ideya ang mga dalubhasa na na tingnan ang internet at ang potensyal nito
na bumuo at palawakin ang isang "pampublikong espasyo" sa tradisyon ni Habermas - isang "shared space" o
maraming shared spaces kung saan nagaganap ang malaya at tuloy-tuloy na palitan ng impormasyon at mga ideya
at nagbubunga ng politikal na kaisahan (Ramota, 2013). Nabanggit rin na sa panunungkulan ng mga nakalipas na
presidenteng Arroyo at Aquino ay nagamit na ang internet sa paglalahad ng kanilang mga plataporma sa
pamamagitan ng mga blogs. Ayon sa isang artikulo mula sa Pressbooks (2014), inilarawan ni Jürge Habermas
ang pampublikong larangan ay nakikita bilang isang domain ng buhay panlipunan kung saan maaaring mabuo
ang pampublikong opinyon. Giit pa niya, ang mga pahayagan ay ang susi sa pagbuo ng isang malay at
makatwirang publiko. Tinutukoy na ang espasyo na ito ay lugar kung saan malayang nagkakaroon ng
pagtatalakay, pagdedebate, pagsusuri sa mga pampublikong usapin, kabilang na ang pagkakaroon ng mga
talakayan kung saan may pagkapantay-pantay ang bawat indibidwal sa kabila ng kanilang panlipunang antas. Sa
kabila ng mabuting epekto ng internet sa komunikasyon, mainit na isyu parin ang malaking bilang ng
mamamayang Pilipino na walang access dito. Nananatiling exclusion at disempowerment ang pangunahing
katangian ng politikal at sosyo-ekonomikong pamumuhay sa mga papaunlad na bansa (Ramota, 2013) na siya
namang may kaugnayan sa pagkakaroon ng tinatawag na “digital divide” na nagsisilbing balangkas na ginagamit
sa pagsusuri ng epekto ng internet sa antas ng demokrasya. Kung kaya ay limitado lamang ang mamamayan na
may kamalayan sa kanilang kapaligiran taliwas sa sitwasyon ngayon kung saan halos lahat ay may mga
pinagkukunan ng mga balita. Maaaring may kinalaman ito sa pagiging mainit na usapin ng implementasyon ng
Cybercrime Law at kung paano ito naging mitsa ng malawakang protesta ng mga mamamayan online at offline.
Ang pag gamit ng blogs at social media bilang outlet ng impormasyon ay naging sikat sapagkat ito ay madaling
maaccess at madaling i-edit kahit sa mga taong wala masyadong kamalayan sa paggamit ng internet. May opsyon
ding makapag-iwan ng komento at saloobin at pahintulot na ibahagi sa iba na nagbibigay daan sa interactive na
komunikasyon. Habang ang Internet ay patuloy na lumalawak at pumapasok sa buhay sibiko, nawawalan ng
kontrol ang mga awtoridad sa pag-access at pamamahagi ng impormasyon sa mga ordinaryong tao. Ang
pagpapakalat ng impormasyon, at pag-access dito ng marami, ay may magandang epekto na nagdudulot hindi
lamang ng mas mataas na kamalayan kundi pati na rin sa political competence ng mga mamamayan.Ang
kahalagahan ng mga blog at iba pang anyo ng social media sa isang demokratikong lipunan ay ipinakita sa
pamamagitan ng kung paano nila binabago ang pamantayan ng paggawa ng balita at ang mga gawi ng publiko sa
pagbabasa, panonood o pakikinig at pagsusuri ng mga balita. Pinapalawak ng internet ang access ng mga
mamamayan sa alternatibo, maliliit o hindi mainstream na organisasyon ng balita na sumisira sa monopolyo ng
mga higanteng media conglomerates sa daloy at pagsusuri ng impormasyon. Ang ganitong mga internet platform
ay nag-aalok sa mga mambabasa at maging sa mga mamamahayag ng pagkakataon na palalimin ang mga paksang
hindi pa napag-uusapan sa mga kumpanya ng media.
Ang wika ay importante sa pangkomunikasyon, mapa online man o offline. Ayon kay Uchi (2017) ang
wika ay nagsisilbing instrumento ng pagkontrol sa kamay ng mga makapangyarihan, at instrumento naman ng
pakikibagay o pag-iwas at pagtutol sa parte ng mga biktima ng kapangyarihan. Ang instrumentong ito ang
nagbibigay daan upang magkaroon ng pagkakaunawaan. Ang wika sa perspektibong politikal ay sumasalamin sa
interes, motibo, pagpapahalaga, prinsipyo, commitment at perswasyon; at dahil magkakaiba ang wika na nasa
Pilipinas, nagkakaroon ng tunggalian ang mga kapangyarihan (Cabotage et al., 2017). Maraming wika at
dayalekto ang mayroon sa Pilipinas, ngunit ang mga batas ay nakasaad pa rin sa wikang Ingles – na hindi naman
naiintindihan ng nakararami. Sa isang seminar ng isang tanyag na linggwista at propesor na si Dr. Pamela
Constantino,na mas madalas gamitin ang Pambansang Wika sa mga usaping politikal gaya ng pangangampanya
tuwing eleksyon at talumpati ng Pangulo sa mga mahahalagang okasyon. (Santos, 2009). Sa gantong pamamaraan
ay mas mauunawaan ng mga mamamayan ang nais ipabatid ng mga nangangampanya.
Noon pa man na unang umusbong ang makabagong teknolohiya at social media ay ang mga pulitiko,
pamahalaan, at mga mamamayan ng bansa ay sinunggaban ang pagkakataon nito upang mapadali ang
komunikasyon sa mga virtual na pamamaraan gayundin upang mapadali ang pagsisiwalat ng impormasyon.
Masasabing epektibo ang paggamit ng social media sa pangangampanya lalo na sa panahon ngayon. Marami man
ang mga nasisilabasan na maling impormasyon tungkol sa bawat kandidato, ay nagkakaroon din ng kamalayan
ang ibang mamamayan. Dahil sa napapanahong may pandemya, mas talamak ang paggamit ng social media sa
pakikipagkomunikasyon sa ating pamilya, mga kaibigan, at kapwa. Mas napapadali ang pagpapakalat ng mga
relatibong impormasyon hindi lamang sa politika kundi sa pangkalahatan. Lahat ay nagkakaroon ng boses upang
magsalita kung ano ang nais nilang sabihin na may kaakibat ng mga ebidensya na maaaring nagmula rin sa
internet. Naglipana ang mga blogs, vlogs, websites, articles, interviews dahil lahat ng tao ay may pinaglalaban ay
may boses na dapat pakinggan. Masasabing iba ang gampanin ng cyberspace kumpara noon sa ngayon dahil sa
mas pinalawak na makabagong teknolohiya at antas ng bawat indibidwal. Gayunpaman, ang mga panganib at
problemang nauugnay sa internet ay hindi dapat maging hadlang para sa mga aktibista at mga kilusan upang
mapakinabangan ang kanilang paggamit ng internet para sa katarungang panlipunan at pagbabago at iba pang
mga anyo ng mga plataporma, at sa huli ay matupad ang kanilang mga obligasyon na magbago. Ang cyberspace
ay isang mahalagang bahagi ng mga kampanyang pampulitika at pang-promosyon upang kumbinsihin ang mga
mamamayan, suriing mabuti ang mga bagay, tukuyun ang mga problema ng mga tao, at hamunin ang mga nasa
kapangyarihan.

Sanggunian:

● Cabotage, M., Co, K., Esguerra, M., Lim, R., Ordillano, M., & Salazar, M. (2017, March 26). Wika at
Batas, Gobyerno, Politika [Slides]. Academia.
https://www.academia.edu/32048181/Wika_at_Batas_Gobyerno_Politika
● M. (2014, February 28). Habermas’ Public Sphere – Media Studies 101. Pressbooks. Retrieved March 30,
2022, from https://opentextbc.ca/mediastudies101/chapter/habermas-public-sphere/
● Ramota, C.M.L. (2013). Ang Internet Bilang Espasyong Pulitikal sa Pilipinas: Pakikilahok, Pamamahala,
at Protesta sa Cyberspace / Internet as a Political Space in the Philippines: Participation, Governance,
and Protest in the Cyberspace: Vol. 25, Issue No.2 p.93-113. De La Salle University.
● Techopedia. (2020, September 30). Cyberspace. Techopedia.Com.
https://www.techopedia.com/definition/2493/cyberspace#:%7E:text=Cyberspace%20refers%20to%20th
e%20virtual,used%20to%20facilitate%20online%20communication
● Santos, T. U. (2009, May 4). Pulitika ng wika, wika ng pulitika. The Varsitarian.
https://varsitarian.net/filipino/20081117/pulitika_ng_wika_wika_ng_pulitika
● Uchi, M. (2017, March 19). Ang wikang filipino sa politika at batas. Slideshare.
https://www.slideshare.net/MaribelUchi1/ang-wikang-filipino-sa-politika-at-batas

You might also like