You are on page 1of 2

I.

(Unang Tindig ) LAKANDIWA 1

Nagbibigkis
sa damdamin, makatao't
SIPAG BA
O
makabayan.

Ako ang lakandiwang nagbuhat pa sa Bulacan,


Buong galang na sa inyo'y bumabati't
nagpupugay,
Taglay ko ang pag-asang, naway maging
matagumpay,
Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi'y
Balagtasan.

II.

Paksang aking ilalatag, patiwari'y mahalaga,


Pagkat nasasangkot dito'y bayan nating
sinisinta,
Sa pag-unlad nitong bayan, puhuna'y ano
baga,
Ang SIPAG ba o TALINO, alin ang mas
mahalaga?

(Ikalawang Tindig )
SIPAG 2
Tuwing may magagalak na halalan sa ating
bayan,
Sinusuri mga kandidato, may nagawang
kabutihan,
Ang natapos na kurso, ay hindi na inaalam,
Kakayahan nya't sipag, tanging pinag-uusapan.

Kaya't inyong lakandiwa, ngayo'y muling nagaanyaya,


Ng mga mambibigkas ng mahusa'y at kilala,
Ang hiling ko'y, salubungin ng palakpak ang
dalawa,
Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.

Aanhin mo ang talino kung di naman


nagagamit,
Ng mga taong umaasa, lalo't silay nagigipit,
Matalinong naturingan, tamad naman walang
bait,
Nawawalan ng bansag, kaluluwa ang kapalit.

(Unang Tindig )
SIPAG 1
Kapag baya'y umuunlad, ang papuri ko'y
pinupukol,
Sa gobyerno at mga tao, na sama-sama't
tulong-tulong,
Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati'y ano
ngayon?
Wala na ngang trabaho, kabuhaya'y urongsulong.

(Ikalawang Tindig ) TALINO 2


Nalimutan ng katalo ko, ang mga bayaning
namatay,
Na nagtanggol sa ting bayan, ng laya ay
makamtan,
Nang dahil sa talino, kalayaan ay nakamtan,
Kaya ngayon tayo ay di alipin ng dayuhan.

Kasipaga'y puhunan nating lahat sa gawain,


Maliit man o malaki, mahirap man ang
gampanin.
Kung ang ating kasipagan, itatabi't
magmamaliw,
Pilipinas year 2020, malagim ang sasapitin.
(Unang Tindig ) TALINO1
Akong aba'y inyong lingkod, isinilang na
mahirap,
At ni walang kayamanan, maaaring mailantad,
Pamana ng magulang ko, ay talinong
hinahangad,
Pamanang magtatanghal, sandata sa pagunlad.
Sa gobyerno at lipunan, mga tao'y may
puhunan,
Na kanilang tataglayin, habang sila'y
nabubuhay,
Ang talino ang nagbubuklod, sa pambansang
kalayaan,

(Ikalawang Tindig ) LAKANDIWA 2


Sa paghahayag ng katwiran ng dalawang
magtatalo,
Labis akong humanga kung sino ang papanigan
ko,
Subalit ito pa lang ang simula ng engkwento,
Kayat ipagpatuloy na hanggang may isang
sumuko.

Iba nga'y naging presidente ang ibay


kongresman,
Lahat sila ang talino ay di natin matatawaran,
Mga batas na pinatupad nila sa ating bayan,
Pinuhunan ay talino , kaya ngayon tayoy may
kaayusan.
III.

(Ikatlong Tindig )
SIPAG 3
Sa dami ng matatalinong namumuno sa ating
bansa,
Ibat ibang pagpapasya at maging paniniwala,
Utos dito utos doon, sila'y di gumagawa,
Kaya't laging nababalang kapakanan naming
dukha.
Samantalang kung masipag itong mga punong
halal,
Sa problema at kalamidad, sila'y laging
naririyan,
Hindi na kailangang tawagin sila kung saan,

Pagkat pagtulong nila'y kakambal ng


kasipagan.
(Ikatlong Tindig ) TALINO 3
Tila yata nalimutan nitong aking katunggali,
Sa pagtulong ay talino ang gamit na palagi,
Pag may kalamidad, manloloko'y nariyan
palagi,
Kayat anong mahalaga, talino'y ipagbunyi.
Matataas na gusali, super market at shopping
mall,
Fly overs, sky ways, at ibat ibang
komunikasyon,
Lahat ng yan ay nagawa, bunga ng ating
dunong,
Kayat bayan ay umunlad, ang biyayay tuluytuloy.
SIPAG 1: SIPAG PA RIN ANG KAILANGAN!
TALINO 1: TALINO ANG PUHUNAN!
SIPAG 2: Matalino nga tamad naman!
TALINO 2: Masipag nga wala namang alam!
SIPAG 3: Sipag!
TALINO3: Talino!

(Ikatlong Tindig ) LAKANDIWA 3


Saglit munang pinipigil ng inyong lakandiwa,
Pagtatalo nitong dalwang, mahuhusay na
makata,
Pagkat tila nag-iinit, at di na masawata,
Lahat ng katwiran, nakatatak sa ting diwa,
Ang talino ay wika, kayamanang handog ng
Diyos,
Lagi nating nagagamit, sa mabubuting gawa't
loob,
Kasipagan at talino, pasaning walang tuos,
Kaya't dapat ng magsanib, pag-isahing luboslubos.
Ang talino'y syang utak sa balangkas ng
paggawa,
Ang sipag namay syang bisig sa planong
binabadya,
Kung ang isa'y mawawala, walang silbing
magagawa,
Kaya't parehong mahalaga. PANALO SILANG
KAPWA!

You might also like