You are on page 1of 3

Balagtasan

SIPAG O TALINO

Lakandiwa: Alin ang mabisang puhunan ng tao? Sa pagpapaunlad ng


bayan?
Sipag: sipag
Talino: talino
Lakandiwa: Ako nga palang lakandiwang nangbuhat pa sa Bulacan. Buong
galang na sa inyo'y bumabati't nagpupugay. Taglay ko din ang pag-asang,
naway maging matagumpay. Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi'y
balagtasan. Paksang aking ilalatag, patiwari'y mahalaga. Pagkat nasasangkot
dito'y Bayan nating sinisinta.Sa pag-unlad nitong bayan, puhuna'y ano baga,
Ang SIPAG ba o TALINO ,alin ang mas mahalaga.? Kaya't inyong
lakandiwa,ngayo'y muling nag-aanyaya ng dalwang mambibigkas ng
mahusa'y at kilala. Ang hiling ko'y , salubungin ng palakpak ang dalawa.
Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.
Sipag: Kapag baya'y umunlad. Ang papko'y pinupukol. Sa gobyerno at mga
tao, sama-sama't tulong-tulong. Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati'y
ano ngaun? Wala na ngang trabaho. Kabuhaya'y urong-sulong. Kasipaga'y
puhunan nating lahat sa gawain, maliit man o malaki. Mahirap man ang
gampanin. Kung ang ating kasipagan, itatabi't magmamaliw. Pilipinas year
2000, di natin masalapi.
Talino: Akong aba'y inyong lingkod, isinilang na mahirap, at ni walang
kayamanan, maaaring mailantad. Pamana ng magulang ko, ay talinong
hinahangad, pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-unlad. Sa gobyerno
at lipunan, mga tao'y may puhunan na kanilang tataglayin, habang sila'y
nabubuha'y. Ang talino ang nagbubuklod, sa pambansang kalayaan,
nagbibigkis sa damdamin, makayao't makabayan.
Lakandiwa: Matapos maihayag ang panig ng magtatalo, ngayo'y aming
ihahanda sa lawak ng pagtatalo. Bawat isa'y magpapalaong sa impormasyon
at sa mga issue. Kaya't inyong timbangin upang inyong mapagsino.
Sipag: tuwing mayroong magagalak na halalan sa ating bayan, sinusuri mga
kandidata, may nagawang kabutihan, ang anong natapos na kurso, ay di na
inaalam. Kakayahan nya't sipag, tangaing pinag-uusapan, aanhin mo ang
talino kung di naman nagagamit, mga tao'y umaasa, lalo't silay nagigipit.
Matalinong naturingan, tamad naman walang bait. Nawawalan ng bansag,
kaluluwa ang kapalit.
Talino: nalimutan ng kantaro'y, mga bayaning namatay, na nagtanggol
sating bayan , ng laya ay makamtan. Ngunit dahil sa talino, taglay nila nung
araw, ngayon tayong lahat alipin pa ng dayuhan. Iba nga'y naging
presedente o kongresman. Lahat sila ang talino ay di natin matawaran. Mga
batas na pinatupad sa ating bayan, pinuhunan ay talino , kaya't sila'y naging
gabay.
Sipag: Sa dami ng matalino, namumumuno sa ating bansa, Ibat-ibang
pagpapasya at maging paniniwala. Utos dito utos doon, sila'y di gumagawa,
kaya't laging nababalang kapakanan naming dukha. Samantalang kung
masipag itong mga punong halal, sa problema at kalamidad, sila'y laging
naririyan, hindi na kailangang tawagin sila kung saan, pagkat pagtulong
nila'y kambal ng kasipagan.
Talino: Tila yata nalimutan nitong aking katunggali, sa pagtulong ay talino
ang gamit palagi, pag maroong kalamidad, manlloko'y andiyan palagi, kay'yt
anong mahalaga, Talino'y ipagbunyi. Matataas na gusali, Super market,
pubric at mall, fly overs,sky ways, at ibat-ibang kominikasyon. Lahat ng yan
ay nagawan, talino'y naging puhon, kayat bayan ay umunlad, angt biyaya;y
tuloy-tuloy.
Sipag: SIPAG ANG KAILANGAN !!
Talino: TALINO ANG PUHUNAN !!
Sipag: matalino nga tamad naman!
Talino: ang taong tamad ginagamit ang talino para sumipag.
Sipag: sipag.!
Talino: talino.!
Lakandiwa: Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa. Pagtatalo nitong
dalwa, mahuhusay na makata, pagkat tila nag-iinit, at di masawata. Lahat ng
katwiran, nakatatak sating diwa, ang talino ay wika, kayamanang handog ng
Dyos, lagi nating nagagamit, sa mabubuting gawa't loob. Kasipagan at talino,
pasaning walang toos, kaya't dapat ng magsanib, pag-isahing lubos-lubos.
Ang talino'y syang utak sa balangkas na paggawa. Ang sipag namay syang
bisig sa planong binabadya. Kung ang isa'y mawawala, walang silbing
magagawa. Kaya't kapwa mahalaga. PANALO SILANG KAPWA!!

You might also like