You are on page 1of 6

Pandibisyong Patimpalak sa Balagtasan

(CNHS, Hulyo 21, 2018)


Conference Hall 8:AM

Paksa: Dapat Ba o Hindi Dapat Hayaan ang mga Batang Gumamit ng Internet?

Lakandiwa/Lakambini:
Bago pasimulan, tungkuling sa aki’y iniatang,
Bumabati’t pumupugay ako sa inyong tanan;
Magkatunggali sa bigkasan, ngayo’y ating matyagan,
Nang matantong lubusan, sinong may tapang sa pingkian.

Ang paksang napili’y mahalaga’t kapaki-pakinabang,


Pagtataluna’y: Dapat ba o Hindi Dapat Hayaang
Mga Batang Gumamit ng Internet sa kasalukuyan
Sino nga kayang mas higit sa dalawang maglalaban?

Elektroniko’y mabisang ugnayan sa pagkatuto


Anumang nais maisiwalat, opinyon o prinsipyo
Takdang aralin o pananaliksik agad mabuo
Balita, trabaho, sensya, medisina agad abot mo

Ngunit kalidad ng edukasyo’y nakababahala


Bata sa paaralan unti-unti nang humihina
Ano bang nangyayari? Pano na kaya itong bansa?
Sinong sisisihin INTERNET ba o si Ma’am talaga?

Tahanan o lipunan, simbahan o mass media kaya?


Saan nagkulang?Kanino ibubunton ang problema?
Ahensiya’y nagtuturuan na kung sino ang may sala?
Ikaw, ako, tayo o bayan kaya ang nagpabaya?

Mga katanungang ito’y, balagtasan ang kasagutan


Pakakurui’t pakatimbangin kanilang katwiran
Huwag kang iidlip o kukurap sagupaa’y bantayan
Madlang bayan tagisan ng talino’y ating pakinggan

Nais kong ipabatid sa makata nating kapatid


Sa pagbabalagtas tuntunin sana ay isaisip
Lubhang personalan kantiyawan iwasang masambit
Batayang totoo nakahihigit kahit masakit

Unang ipakilala’y binatang matunog sa bigkasan


Matikas ang tindig may matipunong pangangatawan
Animo’y si Pacman nakakondisyong makipaglaban
Salubungin natin sya ng masigabong palakpakan

Sang-ayon(Unang Tindig)
Mula sa aking puso ako’y bumabati sa inyo
Pagsang-ayon sa paksa’y paninindigan ko nang husto
Nananalig akong mananalo sa laban kong ito
Ang inyo pong lingkod, Klarenz panig ipagtatanggol ko

Bakit di gamitin ang internet sa ‘ting pagsulong


Paggawa ng aralin sa makabagong henerasyon
Maipababatid kakayahan o mayamang imahinasyon
Isang pindot lamang sa Internet, Wha! Agad naroon
Lakandiwa/Lakambini:
Sa kabilang panig siya’y tumututol sa kalaban
Tiwala siyang sa labanan kanyang pagwawagian
Ang makatang pitagan, Yasmin ating palakpakan
Tindig pa lamang waring umaapaw ang nalalaman

Di-Sang-ayon(Unang Tugon)
Bago himayin ang panig ko, tanggapin ang pagsuyo
Paksa’y tinututulan ko, tukso’t mapagbalatkayo
Kailanma’y di ako takot, sinuman ang katalo
Isipa’y hasa nang husto, pati na rin ang tinig ko

Laksa-laksa nalilisya, sa udyok ng teknolohiya


Computer shop sa paligid, parang demonyong naglipana
Lubhang mapang-akit waring kumakaway, nanghahalina
Kaawa-awang magulang, anak wala sa eskwela

Lakandiwa/Lakambini:
Magkatunggali’y ating naringgang tumula’t dumalit
Ramdam na tensiyo’t kaba, kumakabog na ang dibdib
Narinig ng katunggali paano kaya sasagutin?
Kaibigan tumayo ka na, upang sa madla’y umawit

Sang-ayon(Ikalawang Tindig)
Saan ka man magmasid, kagamita’y makabago na
Cell phone, laptop, I pod, flash drive, tablet malaking biyaya
Wifi, broadband, you tube, google, PSP, Gameboy, alam ba?
Komunikasyo’t impormasyon agad nang nakatinda

Isang click mo lang sa NET, impormasyo’y nariyan na


Animo’y kidlat sa bilis, instant INFO na hindi ba?
Super Kid o mapa-Math Wizard ka na, Wow na Wow ka pa!
May Online games at jejemon, parelaks-relaks ka talaga !

Iba’t ibang ahensiya sa ating gobyerno’y Hi-tech na


Bangko’t presinto, hospital, munisipyo at iba pa
Di ba’t napakadali’ng transaksyon dahil sa teknolohiya
Isang Linggong gawain ilang oras lang patapos na

Di-Sang-ayon(Ikalawang Tugon)
Pagmamahal ni inay, ang pundasyon ng edukasyon
Wastong pagkalinga mo, pinakadakilang maihandog
Batang kulang sa atensyon, maglaan ng panahon
Dambuhalang INTERNET ngayon, huwag mong ipalulon

Bakit iasa sa iba, tungkuling ikaw nakatakda?


Ikaw lang may kakayahang, makadama’t magpadama
Pag-ibig sa kapwa nilikha, hindi teknolohiya
Lunas sa problema ng tahana’y, wastong pagkalinga

Pag bata’y tinikis, winalang bahala’t binayaan


Mababaliw sa udyok ng Facebook, Yahoo o Twitter man
Sa mga patibong ng websayt, puno ng kalaswaan
Isipa’y malason bagsik ng impormasyong inilaan

Lakandiwa/Lakambini:
Namalik mata ako sa angking galing ng katwiran
Magaganda’t mabibigat, punto nila sa bigkasan
Sa kanila’y wala nang nais uurong o susuko man
Painit nang painit itong kanilang balagbagan
Tagisan ng dalawa’y, parang nag-aapoy na kalan
Tabas ng dila animo’y balang nagraratratan
Kaya naman lingkod, di ko na tatangkaing pigilan
Kaisipa’y himay-himayin atin nang pakinggan

Sang-ayon(Ikatlong Tindig)
Wag mong ipinid katunggali, baluktot mong isipan
INTERNET ay mabisang paraan upang mahigistan
Talento’t galing ng mag-aaral sa sanlibutan
Lubhang pagkatuto, di lamang sa silid aralan

E-learning ay narito na’t, ating gamitin sa bayan


Pag-aaral nakagigiliw, OMG makulay ang buhay
Nakakapukaw interes, LOL nakalilibang
Kalidad ng edukasyon maitaas nang tuluyan

Nandiyan ang power point, Teks to Teach, CAI, Genyo


Sistemang elektroniko, katuwang sa pagtuturo
Natututong kumatha, gumuhit, mag-isip, umimbento
Gotcha! Ma’am, Sir may katuwang na tayo sa leksiyon ko

Di-Sang-ayon(Ikatlong Tugon)
Dahil sa Twitter, Facebook at Friendster laganap CHATmisan
Naki- eyeball na sa estranghero’t nakipag-ibigan
Tuloy anak na iniirog, lumobo ang tiyan
Saang lupalop hanapin ang naka-CHATmisan?

Mahigit dalawang oras, araw-araw sa kompyuteran


Maraming kabataang may negatibong karanasan
Oras at pera’y nilulustay sa walang kawawaan
Bunga’y eskandalo, puri’y nilalapastangan

Dahil sa NET na yan, magkakapatid nagpapatayan


Maging mag-asawa’y humahantong sa hiwalayan
INTERNET ay dulot ligalig pawang karahasan
Yan ba’y pantulong o ulupong nitong ating bayan?

Lakandiwa/Lakambini:
Katwirang mayamungmong, kanilang inihagupit
Kawangis ng dalaga’y senadorang ubod ng bagsik
Nagbabaga, nagpupuyos itong tenga nya sa galit
Bayang nakikinig, talusin magkabilang panig

Bumibigat na ang labanan, wala nang urungan


Parehong matayog, antas ng matwid at katwiran
Binata’y parang kawitang, nais makipagsugbahan
Dalaga’y nanggigigil na’t alumpihit sa upuan

Madlang Pipol! Ulinigin at alamin nakauungos


Gipit nila’y nalulusutan galing masusubok
Muling pakinggan, magkabilang panig sa pagtutuos
Tagisan ng talino’y muling damhi’t ikurus

Sang-ayon(Rebuttal 1)
Tong mayuming dalaga kung umasta’y ala senadora!
Di ba’t globalisasyon minimithi’t inaadhika
Kalinangan, kasaganaan, kaunlaran ang biyaya
Kapitbisig kaibigan, isulong ang teknolohiya
Kagalingan ng Pilipino’y di mapapasubalian!
Isinulong ni Lapuz INTERNET sa paaralan
Bagong paraan ng pagtuturo kagyat malalaman!
Aralin, programa madali na lang ugnayan!

Di Sang-ayon
Mabunying binata’y ulyanin na dahil sa gadyet nya
Di mo naaalala Nuclear Power Plant ng Fukushima
Buhay at ari-arian naglahong parang bula
Kalikasan pag nagalit matinding hagupit niya

Katunggali’y gumising, baka ika’y nalilingat pa!


Twin Towers, Pentagon pinasabog gamit ang sensiya!
Nakalulunos laksa-laksang pamilya’y naulila!
Radiation at kanser, salot dulot mong teknolohiya!

Sang-ayon(Rebuttal 2)
Magdiwang, magsaya Tablet computer narito na!
Mas magaan pa sa isang libro ang dala-dala
Singapore, Malaysia, Japan, Australia iba pang bansa
Angat ang kalidad ng edukasyon sa teknolohiya!

Tignan si bunso, araw-araw sampung kilo ang dala!


Di ka naaawa! Iika-ika, kukuba-kuba!
Di mo ba naisip katawa’y mura’t bubot pa?
Ika’y nakapiring o talagang nagbubulagan baga!

Di-Sang-ayon
Malayo pa ang tatahakin ng e-learning mo na yan!
K to 12 kurikulum muna ngayo’y pinagtutuunan!
Walang kongkretong plano dyan at badyet na nakalaan!
Ninanais mo’y sa pangarap lang, o kaya Wish Mo Lang!

Ang anak umid na ang dila, wala nang pakialam!


Dahil sa gadyet mong puno ng gayuma’t kaalindugan!
Ugnaya’t interaksyon, wala na sa ating tahanan!
Pamilya’y dinudurog, winawasak ng teknolohiyang iyan!

Sang-ayon(Rebuttal 3)
Kabalagtas, sadyang kay kitid ng iyong pag-iisip!
Lubusang pagkatuto ng anak iyong ibibinit!
Kalayaan at karapatan bakit mo sisikilin?
Tinig nais iparating sa mundo wag mong saligin!

Di Sang-ayon
Nagmamalasakit lang ako at di sakim sa kapwa
Tinalusira’t inalipusta reputasyon ng iba!
Maatim mo bang sarili mong anak mapariwara?
Dahil sa delubyo’t kataksilan ng teknolohiya!

Sang-ayon(Rebuttal 4)
Itikom ang bibig sa aki’y makinig wag magbunganga!
Ginhawa’t pakinabang dulot nitong teknolohiya
Sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon ng bawat isa!
Buksan ang isipan, idilat ang mata nang may oras pa!
Di Sang-ayon
Masyadong ambisyoso ‘tong katunggali ko talaga!
Kulang na sa guro’t klasrum E-learning pa Day, astig ka!
Kumakalam na nga sikmura MAC Book, I-Pod pa kaya?
INTERNET ay tinatalikdan ko at isinusumpa!

Sang-ayon(Rebuttal 5)
Kabalagtas ko’y tila tumatanda ‘atang paurong!
Labis nyang tinututulan, pagsulong ng edukasyon!

Di Sang-ayon
Pagsulong ba o makasarili’t walang pakialam!
Sa hirap at pasakit dulot nito sa sambayanan!

Sang-ayon(Rebuttal 6)
Harapin mo ako binibini huwag talikuran!
Biyaya nitong INTERNET ay kapaki-pakinabang!

Di Sang-ayon
Hindi biyaya kundi salot ang INTERNET na iyan!
Delubyo, perwisyo, sigalot hatid sa kabataan!

Lakandiwa/Lakambini:
Kayong dalawa’y magsitigil na sa inyong katwiran!
Kawangis niyo’y mga aso’t pusang nagbabangayan!
Paglalakandiwa ay mahirap nga palang gampanan
Paghatol pakatimbangin, may sapat na katibayan

Kaya naman ang payo ko sa kapwa nagtagisan


Tunay na mahalaga ang INTERNET sa bansa
Sa pag-aaral, pagtuturo o komunikasyon pa
Impormasyon ay gamitin natin nang angkop at tama

Pakaisipin etika’t moralidad ng bawat isa


Nakabubuti kaya o nakasasama sa kapwa
Anumang bagay kapag sobra’y di kaaya-aya
Alalahanin bunga’t epekto ng teknolohiya

Upang maligtas sa anumang sentensiya’t paratang


Baka ako pang isalang, pagbalinga’t husgahan
Madla’t bayan nararapat lamang tayong makialam
Kaya hintayin natin hatol ng mga inampalan!

Mambabalagtas:

Lakandiwa/Lakambini - Katrina Manuela - G-9 GOLD

Panig ng Sang-ayon - - - Klarenz Bacud - G-9 GOLD

Panig Ng Di Sang-ayon - - Yasmin Marchan - - G-9 GOLD

VICKY N. ADDATU
Tagapagsanay
Paggamit ng internet

Sapagkat tumatalakay sa wika ng sambayanan;

You might also like