You are on page 1of 4

Khaira Louise F. Peralta 12 – Accountability 10.03.

2021

POSISYONG PAPEL: GIYERA KONTRA DROGA


September 18, 2017

Tuligsain ang Mandurugas

Isinulat ni: Paula Vina Arangote at Darla Mae P. Casero

“Lilinisin ko ang Pilipinas. My God, I hate drugs”, ito ang sinambit na pangako
ng matapang na pangulo ng bansa na si Ginoong Rodrigo Duterte sa sambayang
Pilipino. Ang hangad na kayapaan ay nagtulak sa implementasyon ng giyera kontra
droga upang mabigyang tugon ang problema ng bansa. Ito ang nakikitang paraan ng
pangulo upang masugpo ito, ngunit sa kabilang dako marami ang tumutol dito dahil sa
lumabag ito sa karapatang pantao. Isa sa mga umuungol na tanong ng sambayanan ay
kung karapat-dapat bang ipagpatuloy ang kampanya kontra droga?

Ayon Kay Cayetano, “60 porsyento ng problema ng bansa laban sa krimen ay


may kinalaman sa ilegal na droga.”(2017). Noon paman ay talamak na ang patagong
paggamit ng mga ilegal na druga sa ating bansa na naglaon ay mas lumawak pa ang pa
ang epekto nito sa lipunan at tao. Dahil masamang epekto nito sa kaugalian at daloy
ng sistema sa lipunan ay mahigpit itong ipinagbabawal ng Batas Republika Blg. 6425.
Sinasaad nitong matugunan ang “problema ng bansa sa ilegal na droga kabilang na ang
paggamit, pagbenta at adiksyon dito.”

Ang giyera laban sa ilegal na droga ay hindi giyera laban sa buhay ng tao, kundi
giyera para sa buhay ng bawat Pilipino. Hindi rin ito giyera laban sa karapatang pantao,
kundi giyera para protektahan ang karapatang pantao para masiguro ang kaligtasan at
kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino. Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (
2015), “20% o 1 sa 5 barangay sa Pilipinas ang apektado ng ilegal na droga. Sa Metro
Manila, umaabot ito sa 92% na mga barangay”.(2016). Ayon naman sa Philippine Center
on Transational Crime, ang Pilipinas ay “transshipment hub” ng mga dayuhan at lokal
na drug traffickers dahil sa lokasyon ng bansa sa pagitan ng mga kontinente.

Ayon kay Bonquin,“bangkay sa kalsada, mga arestado, sumukong drug user at


pusher, itoy mga eksenang naging karaniwan na mula ng magsimula ang kompanya
kontra droga”.(2016). Ayon sa datos ng PNP ng naging president si Duterte umaabot sa
20,118 ang mga na aresto, 1,280 ang napatay sa operasyon laban droga, 1,362,792
Khaira Louise F. Peralta 12 – Accountability 10.03.2021

bahay ang nabisita ng oplan tokhang (toktok-hangyo), 7,619,122 ang sumukong


gumagamit ng droga at 53,879 ang mga sumukong nagtutulak ng droga ito ay tala mula
Hulyo 1 hanggang Setyembre 30, 2016.(2016). Ayon sa sanaysay ni Supt. Dionardo,
mas bumaba ang bilang ng mga ginahasa, ninakawan, at insidente ng krimen sa
lansangan. (2016). Nakikita mula sa mga datos na malaki ang naging pagbabago sa
lipunan, kaya walang nakikitang dahilan para almahan ang masigasig na
pakikipaglaban ng administrasyong Duterte sa implementasyon ng giyera kontra droga
dahil sa malaking pakinabang na hatid nito sa buhay ng bawat mamamayang Filipino.
Ang munting kalayaan na kapag saang dako ng bansa ay ligtas ang Pilipino at walang
mangyayaring karumaldumal sa kalagitnaan ng araw at dilim ay nakamit sa kahit
kunting panahon.

Ayon kay Cayetano, “noong suspendihin ang giyera sa droga, nagbalikan na


naman umano sa lansangan ang mga durugista. Kapag bumalik ang mga pusher,
kasunod na niyan ang patayan ng inosente”. Ito ay isang patunay na ang giyera kontra
droga ay nakakatulong sa pagsugpo ng mga mandurugas at matigilan ang kalakal ng
mga ilegal na droga sa loob at labas ng bansa. Kahit sa ilang buwan pa lamang ay
marami na itong naambag sa lipunan, marami man ang nagluksa dahil sa patayan na
nangyari, ngunit hindi naman mahahantong sa patayan ang labanan kapag kusang
sumuko ang naakusahan at kapag hindi sila manglaban sa mga autoridad.

Ang paraan man na ito ay hindi makatarungan sa mata ng iilan, ngunit kung
hangad man ay ang panandaliang aksyon walang ng iba pang maiisip kundi ang
ipagpatuloy ang giyera kontra droga. Lumabag man sa karapatang pantao, kapakanan,
seguridad at isang matiwasay na lipunan ang hangad ng sambayanan ang magiging
resulta ng kampanya laban ilegal na droga. Hindi ba’t nakakalabag na din sa batas
pantao ang mga mandurugas dahil sa mga kinasasangkutan nilang krimen?
Gayunpaman, upang maiwasan ang madugong labanan sa dalawang partido, ang
kusang-loob na pagsuko ang hangad ng administrasyon upang magkaroon ng kapayaan
ang giyera kontra droga. Hindi dapat manglaban ang mga akusado, daanin sa
mataimtim na komunikasyon at masinsinang operasyon upang hindi humantong sa
magulo at madugong aksyon. Sana ay mahupa at matigil na nito ang paggamit ng mga
ipinagbabawal na gamot sa bansa upang magkaroon tayo ng mapayapang lipunan.
Khaira Louise F. Peralta 12 – Accountability 10.03.2021

Sanggunian: https://eamancioblog.wordpress.com/2017/09/18/posisyong-papel-
giyera-kontra-droga/

EBALWASYON

Kalakasan ng Teksto bilang Isang Kahinaan ng Teksto bilang Isang


Akdemikong sulatin Akademikong Sulatin

 Ang posisyong papel na ito na


 Base sa aking obserbasyon, hindi
nagsasaad ng opinion ng
mabuting naisuri ng manunulat ang
manunulat patungkol sa droga ay
mga kalakasan at kahinaan ng sariling
nagpapakita ng pormalidad. Ang
posisyon maging ang sa kabilang panig.
mga salitang ginamit ay angkop sa
Halos nakatuon lamang ang may akda
tinatalakay na paksa at kapansin-
sa kaniyang pinaninindigan.
pansin na ito’y hindi mga salitang
 Hindi nakasaad sa teksto ang lahat ng
kolokyal. Subalit kahit na pormal
maaaring solusyon at nagmumungkahi
ang mga salitang ginamit, ito’y
ng mga maaaring gawin upang matamo
madali pa ring indindihin ng mga
ang layunin.
mambabasa.
 Ang teksto ay obhetibo sapagkat
ito’y naglalaman ng katotohanan na
ibinase sa totoong buhay. Sa
pagsasaad nito ng katotohanan,
nagagawa nito ang pangunahing
layunin ng isang posisyong papel na
siyang manghikayat ng mga
mambabasa.
 Ang teksto ay masasabing lohikal at
kritikal sapagkat bawat
pinaglalaban ng may akda ay
ginamitan ng sangguniang
pagkakatiwalaan at may awtoridad.
Mayroon itong matalinong katwiran
at solidong ebidensiya na
Khaira Louise F. Peralta 12 – Accountability 10.03.2021

nagbibigay ng matibay na
pundasyon sa mga inilalatag na
argumento.
 Hindi gumagamit ng mga personal
na atake upang siraan ang kabilang
panig.
 Ang teksto ay mayroon ng klarong
posisyon.

You might also like