You are on page 1of 9

Pangangatwiran

In: Other Topics

Submitted By baeyaa8
Words 1773
Pages 8
* “Sa patuloy na pakikihamok ng tao sa buhay, taglay nito ang husay sa pangangatwiran.
Anumang desisyon na kanyang ginagawa ay may karampatang dahilan (mabuti man o
pansariling kapakanan lamang). Nagagawa nating tama ang mali at napaninindigan na tama ang
para sa atin ay tama basta maitatak lamang sa isipan ng tao na tayo ang may tamang katwiran.” *
Sa usaping pampamilya, hindi dapat na machismo lamang ang mangingibabaw at hindi rin dapat
na abusuhin ng babae ang kanyang pagiging babae para lamang masunod ang anumang layaw.
Kailangan ang matinding pag-uusap at masinsinang pagtitimbang ng mga katwiran at mapag-
aralan ang lahat ng mga punto para sa isang maligayang samahan.

PAGKAKAIBA NG PANGANGATWIRAN SA DEBATE * Malaki ang pagkakaiba ng


pangangatwiran sa debate sapagkat bahagi ng pangangatwiran ang debate samantalang ang
debate ay hindi bahagi ng pangangatwiran. Pangangatwiran | Debate | * Masining na
pagpapaliwanag sa saloobin at paniniwala ng isang indibidwal hinggil sa isyu o paksa. | * Sining
na nangungumbinsi sa ibang kasangkot sa komunikasyon na ang panig ng tagapagdala ng
mensahe ay tama at nararapat na sang-ayunan. | * Maituturing na linyar na proseso ng
komunikasyon ang pangangatwiran sa maraming pagkakataon sapagkat hindi naman ito
nangangailangan ng tugon ng tumatanggap ng mensahe at ang mahalaga lamang ay naipaliwanag
ng isang indibidwal ang kanyang panig. | * Madalas na paikot na proseso ng komunikasyon ang
kasangkot sa debate o pakikipagtalo sapagkat nangangailangan ito ng tugon sa iba pang panig na
tumatanggap ng mensahe. |

DAHILAN NG PANGANGATWIRAN 1. Upang mabigyang linaw ang isang mahalagang


usapin o isyu. 2. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya. 3.
Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao. 4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin. 5.
Mapanatili ang magandang relasyon sa kanyang kapwa.

MGA URI NG PANGANGATWIRAN

1. PANGANGATWIRANG PABUOD (INDUCTIVE REASONING) * Nagsisimula sa maliit na


katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o paglalahat ang pangangatwirang pabuod.
Nahahati ang pangangatwirang ito sa tatlong bahagi: 1.1. Pangangatwirang gumagamit ng
Pagtutulad - inilalahad ditto ang magkatulad na katangian, sinusuri ang katangian, at
pinalulutang ang katotohanan. Ang nabubuong paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay
masasabing pansamantala lamang at maaaring mapasinungalingan. Maaaring maging pareho ang
pinaghahambing sa isa lamang katangian subalit magkaiba naman sa ibang katangian.

Halimbawa: Magtayo tayo ng kooperatiba sa ating kolehiyo sapagkat ang kolehiyo sa


kabanatuan, sila ay may kooperatiba at malaki ang napapakinabangan.
Ang pagmamatuwid na si Miss dela Cruz ay mabuting guro sapagkat ang ama’t ina niya ay
mahusay ring mga guro.

1.2. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi. - Nananalunton ito


sa paniniwalang may sanhi kung kaya nagaganap ang isang pangyayari.

Halimbawa: Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay


sapagkat hindi siya nagbalik-aral.

1.3 Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay. - Napapalooban ito ng


mga katibayan o ebidensyag higit na magpapatunay o magpapatutuo sa tinutukoy na paksa o
kalagayan.

Halimbawa: Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang sapaang
tsinelas sa tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong siyang ipinamalo sa namatay
na natagpuan sa di-kalayuan sa lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng napatay.

2. PANGANGATWIRANG PASAKLAW (DEDUCTIVE REASONING) * Humahango ng


isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng isang simulang panlalahat ang
pangangatwirang pasaklaw. Ang silohismo na siyang tawag sa ganitong pangangatwiran ay
bumubuo ng isang pangungunang batayan, isang pangalawang batayan at isang konklusyon.
Isang payak na balangkas ng pangangatwiran ang silohismo.
Halimbawa: Ang lahat ng hayop ay nilikha ng Diyos. Ang manok ay isang uri ng hayop kung
gayon ang manok ay nilikha ng Diyos.
MGA MUNGKAHI UPANG MAPAUNLAD ANG ISANG ARGUMENTATIBONG
PAGSULAT
1. MAGKAROON NG SARILING POSISYON SA ARGUMENTATIBONG PAGSULAT *
Madaling mauunawaan ng mga magbabasa nito ang puntos na tinutumbok nito dahil nga sa hindi
sabog na paglalahad ng mga ideya. * Inutil ang anumang uri ng sulatin na walang posisyong
ipinaglalaban. Walang direksyon ang paglalahad ng mga ideya sapagkat hindi nga alam ng
manunulat kung ano ba ang punto ng kanyang isinusulat. Walang tiyak na pokus ang kaalamang
matutunan ng mga mag-aaral.
2. ASAHAN ANG MGA SALUNGAT NA PANANAW * Sa paglalahad ng argumentatibong
sanaysay, dapat tandaan na hindi mawawala ang salungat na pananaw ng magbabasa. * Dapat
gumawa ng paraan na maging makinis ang paglalahad ng argumento upang matugunan ang mga
katanungang maaaring ihain ng salungat na pananaw. Maging mapili sa mga salitang gagamitin
upang maiwasan ang paghahanap ng butas sa posisyong ipinaglalaban.
3. KILALANIN O ISAALANG-ALANG ANG MGA MAGBABASA NG ISINULAT O
ISUSULAT NA SANAYSAY * Dapat isaalang-alang sa pagsulat ng argumentatibong sanaysay
ang kakayahang umunawa ng mga taong magbabasa nito.
4. PILIIN ANG MGA MAHAHALAGANG PUNTOS PARA SA ARGUMENTATIBONG
SANAYSAY * Marapat lamang na iprograma sa utak ng manunulat ang mahalagang puntos sa
kanyang bibigyang diin sa pagsulat nito. Sa ganitong pamamaraan, tiyak na mailalahad niya ang
mga mahahalagang argumento na makapagpapatibay sa posisyon na ipinaglalaban ng sanaysay.
5. GAWING MALINAW ANG ORGANISASYON NG SANAYSAY * Malaki ang maitutulong
ng maayos na organisasyon ng argumentatibong sanaysay sa layunin ng manunulat na
makapagpabatid. * Mahihikayat nito ang mga magbabasa na ipagpatuloy ang kanilang
nasimulang gawaing pagbabasa sa kadahilanang malinaw namang nailalahad ng manunulat ang
kanyang mga puntos sa sanaysay. * Makatutulong ang paggamit ng balangkas sa wastong
organisasyon ng sanaysay (Simula, gitna, wakas).
6. GAWAING LOHIKAL ANG BAWAT PUNTOS NG ARGUMENTASYON * Makatutulong
nang malaki sa paglalahad ng lohikal na puntos ng argumentasyon ang paghihiwalay ng
emosyon sa isipan ng manunulat. Madalas na nawawalan ng rason ang isang argumento sa
tuwing pangingibabawin ng manunulat ang kanyang emosyon kaysa sa katwiran.
7. MAGBIGAY NG MGA BATAYAN NA MAKATUTULONG SA PAGPAPATATAG NG
BAWAT ARGUMENTO * Ang paglalagay ng batayang sanggunian ay makatutulong nang
malaki upang makumbinsi ang mga mambabasa na wasto nga ang inilalahad ng argumento ng
sanaysay. Lalabas na kapani-paniwala ang sulatin kung magkakaganito.
8. HANAPIN ANG ANGKOP NA TONO * Mahalaga na mabigyan ng diin ang tono ng
paglalahad bilang suporta sa puntos na ipinaglalaban ng argumento. Dapat lamang na maging
tiyak sa tono o himig na gagamitin sa sulatin. Makatutulong ito nang malaki sa mambabasa
upang mailagay nila ang sarili sa sitwasyong binabasa.

KARANIWANG PAGKAKAMALI SA ARGUMENTASYON * Tinatawag na “fallacies” ang


mga karaniwang pagkakamali sa argumentasyon. Nanggaling ito sa salitang latin na “fallo” na
nangangahulugan ng “I decieved” na sa Filipino ay may kahulugan na “ako ay nagkunwari.”
Ang “fallacy” ay isang nakalilinlang na argumento na sa unang tingin ay mukhang matuwid
subalit ang katotohanan ay hindi naman ito matuwid.
1. MALING PAGLALAHAT (HASTY GENERALIZATION) * Karaniwang pagkakamali sa
argumentasyon ang paglalahat nang walang sapat na batayan. Itinuturing nito na ginagawa ng
lahat ang ginawa ng kakaunting tao lamang.
Halimbawa: Magiging isang malaking eskandalo na paniwalaan na ang tunay na lalaki ay hindi
umiiyak. Malinaw na mali ang paglalahat nito. Dapat nating tandaan na ang lalaki ay tao rin na
may nararamdaman. Hindi manhid o likas na walang pakiramdam. Marunong itong umiyak at
hindi dapat ihambing sa iilang lalaki na hindi mo nakitang umiyak kailanman.
2. ARGUMENTONG NON SEQUITUR (IT DOES NOT FOLLOW) * Isa sa karaniwang
pagkakamali sa argumentatibong sanaysay ay ang pagbibigay ng kongklusyon na walang
kaugnayan sa mga naunang argumento. Ang kongklusyon ng manunulat ay hindi
nangangahulugang lohikal na resulta ng mga pangyayari.
Halimbawa: Kaaway ng administrasyon ang Unyon
Ang Unyon KAKASA ay isang Unyon
Kongklusyon: Mag-aaklas na ang Unyon
3. PAGMAMAKAAWA (BEGGING THE QUESTION) * Ipinakikita ng manunulat na isang
katotohanan ang isang paksa na dapat sana ay patunayan muna o suportahan ng mga argumento.
4. RED HERRING * Naglalatag ng mga walang kaugnayang puntos ang mga manunulat upang
iligaw ang atensyon ng mga magbabasa sa pangunahing isyu.
5. ARGUMENTONG AD HOMINEM * Kilala ito bilang “character assassination”. Higit na
pinagtutuunan ng pansin ang katauhan o karakter ng taong nagbibigay ng argumento kaysa sa
tibay ng argumentong kanyang ipinaglalaban. * Argumento ito ng mga taong hindi alam kung
ano at kung paano bibigyan ng katwiran ang sariling argumento kaysa sa nilalaman ng isyu ang
pagtuunan ng pansin, ang katauhan na lamang ng kalabang pangkat ang binibigyang pansin.
Halimbawa:
Hindi magiging mabuting lider ng bayan si Jose sapagkat siya’y binabae.
Wala siyang kakayahang maging pinuno sapagkat kabilang siya sa angkan ng mga kriminal.
Paano mo maipagtatanggol ang bayan mo, hindi mo nga maipagtanggol ang pamilya mo.
6. MALING GAMIT NG SANGGUNIAN (FAULTY USE OF AUTHORITY) * Hindi
maaaring tanggaping batayan ang isang puntos na gusto mo lamang na ilahad. * Hindi magiging
lohikal at makatwiran ang isang argumento kung mali ang ginamit na sanggunian ng may-akda
nito. * Kung ang isang argumento ay nakabatay sa paksang may kaugnayan sa batas, hindi
makatwiran na gamitin bilang sanggunian ang opinyon ng isang tao na wala namang alam sa
batas.
7. ARGUMENTONG ARGUMENTUM AD POPULUM (SA MGA TAO) * Iniiwasan ng
manunulat ang pagtalakay sa pangunahing isyu/paksa sa pamamagitan ng pagkuha sa emosyunal
na reaksyon ng mga mambabasa sa iba pang usapin.
Halimbawa:
Kung ikaw ay isang tunay na Pilipino, maniniwala ka sa kakayahan ni Manny Pacquiao sa
larangan ng larong boxing.
Hindi ka kristyano kung hindi ka sumisimba.
8. ALINMAN/O (EITHER/OR) * Sinusubukang kumbinsihin ng mga manunulat ang mga
mababasa na mayroon lamang dalawang panig ang isyu- isang tama at isang mali.
Halimbawa: Kung hindi ka tatalon sa bintana, hindi mo ako mahal.
9. HYPOSTALIZATION * Pinaiikot ng ganitong uri ng argumento ang mga mambabasa o
tagapakinig na para bang totong-totoo na gumamit sila ng sanggunian bilang suporta sa kanilang
mga argumento. Sinasabing gumamit sila ng sanggunian subalit kung susuriin mo ang kabuuan,
ang lahat naman pala ay mga palagay lamang. (presumption only)
Halimbawa:
Ayon sa kasaysayan
Ayon sa pananaliksik
Pinatunayan ng siyensya

10. “IGNORANTIO ELENCHI” * Ang “elenchos” ay nangangahulugang “reputasyon”, ang


“ignorantio elenchi” ay nangangahulugan na “hindi alam ang reputasyon”. Pinatutunayan nito
ang isang bagay bukod sa dapat na patunayan. Ang “fallacy” o kamaliang ito ay kilala din bilang
pagtalikod sa pangunahing isyu o “ignoring issue”.
Halimbawa: Mataas ang antas ng mga nakapagtapos sa kolehiyo na walang trabaho. Ito ay isa
lamang mukha ng kahirapan. Samakatwid, kailangan nating mag-aral para maiwasan na ang
kahirapan.
11. MALING SANHI (FALSE CAUSE) * Paggamit ng maling batayan na humahantong sa
maling konklusyon.
Halimbawa:
Ang pagsasayaw ay nakatutulong nang malaki upang mapanatiling maganda ang katawan.
Maganda ang pangangatawan ng kaibigan kong si Jovid. Samakatwid, si Jovid ay palaging
nagsasayaw.
Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kung gayon, si Pedro Madlangbayan ay isang Amerikano
dahil sya ay nasa California.
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY SA PANGANGATWIRAN 1. May lubos na
kaalaman sa paksa. 2. May malawak na talasalitaan o bokabularyo. 3. May malinaw na
pananalita. 4. Maayos na maghanay ng kaisipan. 5. May tiwala sa sarili. 6. Mahinahon. 7.
Mabilis mag-isip 8. Nakauunawa sa katwiran ng iba. 9. Marunong kumilala ng katotohanan. 10.
Tumatanggap ng kamalian at itinutuwid ito.

Narito ang mga gabay o hakbangin na maaring makatulong sa


pagbuo at pagsulat ng isang tekstong argumentatibo.

1. Pagkilala ng paksa at pagsasagawa ng maayos na


pangangalap ng datos ukol dito.

2. Pagkilala sa mga propisyon ukol sa paksa upang matiyak


ang angkop na argumentong gagamitin.

3. Pagtutukoy sa angkop na pamamaraan ng pangangatwiran


kaugnay ng napiling propisyon.

4.Pagkalap ng impormasyon upang matibay ang argumento.

5. Pag-iwas sa maling pangangatwiran:


a. matibay na paniniwala
b. mahatak na panghikayat

PAGSULAT NG SANAYSAY NA NANGANGATWIRAN

Partido State University

College of Education

Goa, Camarines Sur

A/Y 2012-2013
PAGSULAT NG SANAYSAY NA NANGANGATWIRAN

Jecamia P. Bacares BSED 2-irr


Gmail: bacaresjecamia@gmail.com
" Ang pagsulat ay isang sistematikong proseso na lumilinang sa kakayahan ng
isang indibidwal na may abilidad na magbahagi ng opinyon at mga katotohanan sa
pamamagitan ng kanyang matalino o matalinhagang ideya"

 Ang Sanaysay ng Pangangatwiran ay isang pamamaraan ng


komunikasyon na ginagamitan ng LOHIKA upangmakaimpluwensya.

Pangangatwiran
Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang
ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin
nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang
pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (-
Badayos)

Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa


pamamagitan ng mga katwiran o rason.
(- Arogante)

Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at


magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan,
tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.

Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong


dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo
na sa formal na pangangatwiran gaya ng debate.

DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:
1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o
isyu.

2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang


propaganda laban sa kanya.

3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;

4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin

5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa

Mga Uri ng Pangangatwiran.


1. Pangangatwirang Pabuo (Inductive Reasoning)

Nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain


opaglalahat ang pangangatwirang pabuod. Nahahati ang pangangatwirang ita satatlong
bahagi.a. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad. Inilahad dito ang magkatulad
nakatangian , sinusuri ang katangian, at pinalulutang ang katotohanan. Angnabubuong
paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay msasabingpansamantala lamang at maaaring
mapasinungalingan. Maaring maging parehoang pinaghahambing sa isa lamang katangian
subalit magkaiba naman sa ibangkatangian.b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng pangyayari sa sanhi.Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya
nagaganap ang isangpangyayari.c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at
pagpapatunay.Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na magpapatunay
omagpapatutuo sa tinutukoy na paksa o kalagayan. Nagsisimula sa maliit na
katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o paglalahat ang
pangangatwirang pabuod. Nahahati ang pangangatwirang ita sa tatlong bahagi.

a. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad.


Inilahad dito ang magkatulad na katangian , sinusuri ang katangian, at pinalulutang
ang katotohanan. Ang nabubuong paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay
msasabing pansamantala lamang at maaaring mapasinungalingan. Maaring maging
pareho ang pinaghahambing sa isa lamang katangian subalit magkaiba naman sa
ibang katangian.

b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi.


Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya nagaganap ang isang
pangyayari.

c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at


pagpapatunay. Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na
magpapatunay o magpapatutuo sa tinutukoy na paksa o kalagayan.
2. Pangangatwirang Pasaklaw (Deductive Reasoning)
Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng isangsimulang panlahat
ang pangangatwirang pasaklaw. Ang silohismo na siyangtawag sa ganitong pangangatwiran
ay bumubuo ng isang pangungunangbatayan, isang pangalawang batayan at isang
konklusyon. Isang payak nabalangkas ng pangangatwiran ang silohismo.

You might also like