You are on page 1of 18

ANG

BIONOTE
Presentasyon ng Group 3
Ano ang bionote?

Ang bionote ay sulating tumatalakay at nagbibigay


impormasyon sa isang indibidwal upang maipakilala ito
sa mga tagapakinig at mambabasa.
to ay karaniwan na isang talata lamang na naglalahad ng
mga klasipikasyon ng isang indibwal at ng kaniyang
kredibilidad bilang propesyunal.

Taglay nito ang pinakamaikling buod ng mga


tagumpay,pag-aaral,pagsasanay ng may akda.
Kailan nagsusulat ng bionote?

kapag ito ay kinakailangan sa aplikasyon sa trabaho,


paglilimbag ng mga artikulo, aklat, o blog at pagsasalita
sa mga pagtitipon.
Ano ang kaibahan ng bionote sa talambuhay at
autobiography?
Ang bionote ay isang maikling sulat na nagbibigay
impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala
ito sa mga tagapakinig o mambabasa. Ang talambuhay
naman ay sumasakatawan sa paglalathala ng buhay ng
ibang tao at ang Autobiography naman ay isang sulatin
na tumutukoy sa pansariling impormasyon, ang
itinatampok ng manunulat ay sa kanya ring kwento.
Add a subheadingBakit mahalaga ang kasanayan sa
pagsulat ng bionote?

- Upang maipakilala ang sarili ng wasto at kaaya-aya, at


maari ring makapagbigay pa ito ng karagdagang
impormasyon sa mambabasa tungkol sa ating
kredibilidad sa larangang kinabibilangan.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE
1. Maikli ang nilalaman

-Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang


mahahalagang impormasyon dahil hindi ito babasahin
kung masyadong mahaba. Iwasan ang pagyayabang.
2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw

- Tandaan, laging gumagamit ng pangatlong panauhang


pananaw sa pagsulat ng bionote kahit na ito pa ay
tungkol sa sariliHalimbawa:

"Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics


sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng
Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan.".
3. Kinikilala ang mambabasa

Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat


ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga
administrador ng paaralan, kailangang hulmahin ang
bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.
Halimbawa na lamang ay kung ano ang klasipikasyon at
kredibilidad mo sa pagsulat ng batayang aklat.
4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok

Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong


sulatin, unahin ang pinakamahalagang impormasyon. Ito
ay dahil sa ugali ng maraming taong basahin lamang ang
unang bahagi ng sulatin. Kaya naman sa simula pa
lamang ay isulat na ang pinakamahalagan impormasyon.
5. Binabanggit ang degree kung kailangan

Kung may PhD sa antropolohiya, halimbawa, at


nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa
Cagayan, mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal
na ito.
6. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon

Siguraduhin na tama o totoo ang impormasyon. Huwag


mag- iimbento ng impormasyon para lamang bumango
ang pangalan at makaungos sa kompetisyon. Hindi ito
etikal at maaaring mabahiran ang reputasyon dahil dito.
Wala bang natutunan

You might also like