• Naka susulat ng organisado, malikhain, at kapani-
paniwalang sulatin.
• Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan
ng akademikong sulatin. Ano ang bionote? Ito isang sulating nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa isang indibidwal para maipakilala sa mga tagapakinig o mambabasa. Maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Para saan ginagamit ang bionote?
• Ito ay ginagamit sa aplikasyon sa trabaho
• Paglilimbag ng mga artikulo,aklat o blog • Pagsasalita sa mga pagtitipon, pagpapalawak ng network propesyunal ANO ANG NILALAMAN NG BIONOTE? ? Personal na impormasyon - Edad, pinagmulan, Buhay simula pagkabata Hanggang kasalukuyan at Iba pa. Kaligirang pang- edukasyon - Paaralang pinagtapusan, degree o kursong tinapos mga karangalang nakuha. Ambag sa larangang kinabibilangan - Kontribusyon, adbokasiya Mga katangian ng bionote ? 1. Maikli ang nilalaman
Kadalasang hindi binabasa ng buo ang isang bionote. Pakatatandaang
Hindi talambuhay ang iyong isinusulat kaya huwag nang ilagay ang mga walang kaugnayang impormasyon.
2. Gumamit ng pangatlong panauhang pananaw
Tandaang kahit ang nilalaman ng bionote ay patungkol sa iyong
sarili,mananatiling nasa pangatlong panauhang pananaw ang panghalip. 3. Kinikilala ang mambabasa
Marapat na isaalang – alang ang mambabasa ang iyong bionote.
Kailangan hulmahing mabuti ang pagsulat
4. Nakatuon lamang sa mga angkop na
kasanayan/katangian
Mamili lamang ng iyong kasanayan o katangian na angkop sa layunin
ng iyong bionote. 5. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
Walang masama sa pagbubuhat ng sariling bangko basta ito ay totoo.
Huwag na huwag mag imbento dahil labag ito sa etikal na pamantayan at maaring mabahiran ang iyong reputasyon. Ano ang mga hakbang sa pagsulat ng bionote? 1.Tiyakin ang layunin - Gagabayan ka ng layunin kung ano ang iyong mga impormasyon na mahahalagang isama at mula roon matutukoy ang
magandang paraan para mailahad ang mga ito.
2.Pagdesisyunan ang haba ng susulatin
- Mahalagang pag desisyunan ang haba ng bionote dahil Kadalasang may mga kailangan ang organisasyon na humihingi nito.
3.Ikatlong panauhang perspektib
- Ito ay makatutulong para ipakilala ng obhektibong paksa ng 4. Simulan sa pangalan
5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan
- Napapataas nito ang kredibilidad ng tao kaya nagsusulat ng bionote.
6. Isa-isahin ang mahalagang tagumpay
- Mga nakamit at nagawa lang na may kinalaman sa awdiyens ang kailangan isama sa bionote. 7. Idagdag ang hindi inaasahang detalye - Mahalaga ang element of surprise sa pagpakilala kung mayroong detalye sa paksa ng bionote na wala pa sa kamalayan ng mga awdiyens.
8. Isama ang contact information
- Ito ay para mapalawak ang Network propesyun at para makonsulta ang paksa ng bionote tungkol sa expertise na larangan kinakailangan ito’y may kaugnayan sa mga awdiyens. 9. Isulat ulit ang bionote Dito ay makikita ang mga dapat pang ayusin, tanggalin o dagdagan, masusuri rin kung epektibo ang paglalahad nito. THANK YOU Sawadi and God bless