You are on page 1of 23

ICT Aralin 12

PANGANGALAP AT
PAGSASAAYOS NG
IMPORMASYON
GAMIT ANG ICT
JOHNBERGIN E. MACARAEG
ICT Teacher
NILALAMAN
Sa araling ito malalaman natin kung paano matitiyak ang kalidad ng
impormasyong nakalap at ng mga website na pinanggalingan nito.
Maraming mga website ang maaaring puntahan sa internet. Nariyan ang
mga website na tungkol sa mga laro, mga larawan, mga video at mga
website na naglalaman ng mga artikulo at impormasyon na nagpapataas
ng ating kaalaman. Ngunit hindi lahat ng makikita nating impormasyon sa
internet ay mapagkakatiwalaan. Hindi lahat ay de-kalidad na
impormasyon o nagsasaad ng katotohanan. Kung kaya kailangan nating
malaman kung paano matitiyak na may kalidad ang nakalap nating
impormasyon.
LAYUNIN

• Natitiyak ang kalidad ng impormasyong nakalap at ng mga


website na pinaggalingan nito.
KAYA MO NA BA?
Taglay mo na ba ang mga sumusunod na mga kaalaman o kasanayan?
Tsekan ( ̸ ) ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down
icon kung hindi pa.
ALAMIN NATIN
Pangkatang Gawain A: VISIT AND SEE!
1. Pangkatin ang klase sa apat. Pumili ng lider ng bawat pangkat.
2. Bisitahin ang mga sumusunod na websites sa bawat pangkat.
Pangkat 1: http://www.landbak.com
Pangkat 2: www.dfa.gov.ph
Pangkat 3: http//vine.co
Pangkat 4: http://disneycom/?intoverride=true
3. Ang bawat lider ng pangkat ay magsasagawa ng maikling pag-uulat batay sa
mga sumusunod na gabay na tanong:

• Ano ang mga pamantayang ginamit ng inyong grupo upang masabing ang website ay de-
kalidad o hndi.
• Ano ang gamit ng mga websites? Makatutulong ba ang mga ito sa inyong
pag-aaral para sa mas malawak na kaalaman?
• Alin sa mga nabisita nyo nang website ang mas nagbigay sa inyo ng
mga de-kalidad na mga impormasyon?
PAANO NATIN MATITIYAK
NA MAY KALIDAD ANG
IMPORMASYONG
NAKALAP?
Narito ang ilang paraan upang matiyak natin na de-
kalidad ang mga impormasyon na maaari nating
makuha sa internet.
1. Hanapin ang mga website na mayroong .edu at .gov sa address. Ang mga
impormasyon na makukuha sa mga website na mayroong .edu ay tiyak na
mapagkakatiwalaan at tiyak na de-kalidad. Ang mga gumagamit ng site na
mayroong .edu sa address ay mga eskwelahan o di kaya ay mga institusyon na
may kinalaman sa edukasyon. Madalas na mayroong publikasyon at journal sa
loob ng website ng mga eskwelahan. Ang mga impormasyon na nakalagay
rito ay dumaan sa masinop at malalim na pag-aaral kung kaya tunay na
mapagkakatiwalaan ang nakapaskil sa kanilang website.

Samantalang ang mga website na may .gov sa address ay mga opisyal na


website ng ahensya ng gobyerno. Dito ipinapaskil ang mga anunsyo o di kaya’y
mga bagong programa ng gobyerno.
Halimbawa:

www.pnp.gov.ph– ang
opisyal na website ng
Kagawaran ng Edukasyon.

www.nha.gov.ph- ang
opisyal na website ng National
Housing Authority ng
Pilipinas. Ito ang nangangalaga
sa pabahay ng bansa.
• KILALANIN ANG AWTOR. Upang makatiyak sa kalidad
ng impormasyon na makukuha sa internet, maaaring
magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa awtor.
Maaaring alamin ang kanyang pinag-aralan, hanap-
buhay, mga artikulong nailathala na ng awtor, at iba pang
impormasyon na makapagpapatunay na siya ay
dalubhasa tungkol sa paksa na nais malaman.
Gabrielle-Suzanne Barbot de Villeneuve
J. M.
Barrie
Wanda Gág
• TIGNAN ANG PAGIGING
OBHETIBO NG IMPORMASYON.
Ang pagiging obhetibo ay
tumutukoy sa impormasyong
walang kinikilingan o pinapanigan
na kahit sino. Tanging katotohanan
lamang ang nais na ihatid sa
mambabasa. Mapapansin ito kung
ipinapakita ng impormasyon ang
kahinaan at kalakasan ng bawat
panig ng paksang tinatalakay.
• ALAMIN KUNG NAPAPANAHON
ANG IMPORMASYON. Alamin
kung kailan naisulat ang
impormasyon na nakuha. May
kinalaman ang petsa sa kalidad ng
impormasyon lalo na kung ang
paksa ay madaling maapektuhan ng
panahon tulad ng teknolohiya o
kaya’y ekonomiya. Dahil patuloy ang
pag-unlad ng lipunan, umuunlad din
ang pag-aaral na nakapaloob dito.
• Maaaring wala nang halaga ang isang
impormasyon na matagal na panahon nang
naisulat dahil may mga bago nang
impormasyong nakalap hinggil dito. Hindi rin
dapat agad na pagkatiwalaan ang mga artikulo
na hindi nakalagay ang petsa ng pagkakagawa
nito.
• ALAMIN ANG KAHALAGAHAN NG
IMPORMASYON. Ang kahalagahan ng
impormasyon ay nakasalalay sa kung
anong uri ng impormasyon ang nais
hanapin. Kung maghahanap ng de-
kalidad na impormasyon sa internet,
kailangan matiyak muna natin ang halaga
nito sa ating inaaral o sinasaliksik. Alamin
kung mayroon ba itong sinasabing bago
hinggil sa bagay na ating inaaral.
Kinakailangan ba itong malaman ng mga
tao dahil makakaapekto ito sa kanilang
buhay? Ilan lamang iyan sa mga
kailangang isaalang-alang upang
malaman ang kahalagahan ng
impormasyon
LINANGIN NATIN
Gawain B : Mga Katangian ng Isang Mabuting Websites
Muling balikan ang napag-aralang katangian ng mga websites at punan ang sumusunod
na graphic organizer.

Mga Katangian ng Isang De-Kalidad na Website

1 2 3

4 5
TANDAAN NATIN
Malaki ang tulong ng mga website a pangangalap ng mga
impormasyon. Siguradugin lamang na pasado ang napiling website sa
pamantayan ng may kalidad na website.

Bawat website ay may layunin. Maaaring magbigay ang mga ito ng


makabuluhang impormasyon, makatulong sa iyong pagkatuto, maging daan
sa mas mabilis na komunikasyon, magbenta o di kaya ay makapaglibang.
Mahalagang nagging mapanuri sa pagpili ng website na pagkukunan ng
impormasyon. Dapat din tandaan na maging responsable at mapanuri sa mga
impormasyong makukuha sa Internet dahil hindi lahat ng mga ito ay tunay at
may basehan. Upang maiwasan ang pagkuha ng maling impormasyon,
pumunta lamang sa mga website na kilala at mapagkakatiwalaan
GAWIN NATIN
Gawain C: PAGKILALA SA GAMIT NG WEBSITE
Bisitahin ang mga sumusunod na websites. Kilalanin at suriin kung anong uri ng impormasyon
ang maaring makuha rito. Itiman ang bilog ng bilang na tumutukoy sa gamit ng website.
MGA GAMIT NG WEBSITE:
1- Makapagbigay ng
impormasyon
2- Makatulong sa pagkatutosa
aralin
3- Maging daan sa mas mabilis
na komunikasyon sa ibang tao
4- Makapagbenta o makabili ng
produkto
5- Makapaglibang at
makapagbigay katuwaan
SUBUKIN MO
TAMA O MALI: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang pahayag.
KAYA MO NA BA?
Taglay mo na ba ang mga sumusunod na mga kaalaman o kasanayan? Tsekan ( ̸ ) ang
thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung hindi pa.
PAGYAMANIN NATIN
SURIIN ANG WEBSITE!
Bisitahin ang website na ibibigay ng guro. Suriin itong mabuti at husgahan gamit ang inihanay na
pamantayan ng isang mabuting website. Para sa bawat batayan, iguhit ang masayang mukha kung
pasado ang site at malungkot na mukha

You might also like