You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Sangay ng mga Paaralang Panlunsod
PAARALANG SEKONDARYANG ERNESTO RONDON
Road 3, Project 6, Quezon City

FILIPINO 8
GAWAIN PARA SA IKATLONG MARKAHAN
Pangkalahatang Panuto:Basahin at unawain ang teksto at pagkatap sagutan sa isang buong papel ang mga
katanungan na nasa ibaba.

Mga Gabay at Maaaring Pagkuhanan ng Ideya o Datos sa Pagsulat ng Balita o Komentaryo


1. Internet- ito ay isang pandaigdigang network ng kompyuter na nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon at
pasilidad na pangkomunikasyon. Ang google at yahoo ang karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa
pagsasaliksik ng mga impormasyon na nais nilang malaman. Ang mga ito ay nakakonekta sa iba’t ibang
platforms ng internet na maaari sayong makapagbigay ng mga kaalaman mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ngunit kinakailangang maingat sa pagsuri at pagtukoy ng kredibilidad at awtensidad ng mga nakalagay na
impormasyon dito. Kinakailangan na ito ay mula sa pinagkakatiwalaang ahensya, grupo, o indibidwal na
espesyalista o dalubhasa sa paksa o larang.
2. Aklat- Ang aklat ay isa sa mga pinaka-una at batayang pinagkukuhanan ng impormasyon noon hanggang
ngayon. Ito ay nakalimbag o nakasulat sa mga pahinang pinagsama na naglalaman ng mga impormasyon o mga
datos. Siguraduhin lamang na ang aklat na ito ay hindi obsolete o masyado nang luma. Hangga’t maaari ay
hindi lalampas 10-20 taon ang tagal mula sa pagkakalimbag nito. Kasama ng mga aklat ang iba pang mga
printed sources gaya ng dyornal o pahayagan.
3. Sarvey - Isa itong talatanungan na nakalimbag o maaaring elektroniko na naglalayong makuha ang
pangkalahatang opinyon ng grupo ng mga tao. Madalas itong ginagamit sa pananaliksik upang bigyan ng
interpretasyon ang mga numero mula rito. Ngunit may mga sarvey din naman na ang mga sagot na pahayag
ang binibigyan ng diin dito.
4. Panayam o Intervyu - Ito naman ay ang tahasang pagtatanong sa isang indibidwal o grupo na dalubhasa o
may sapat na kaalaman sa isang paksa. Maaaring isulat o di kaya’y i-rekord sa pamamagitan ng video o audio
ang pagtatanong ng tagapanayam at ang sagot ng kinakapanayam, ngunit huwag kalimutang humingi ng
pahintulot.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita o Komentaryo


1. Pumili ng napapanahong paksa - Mahalaga na ikaw ay magmasid sa iyong paligid, mula sa iyong mga
nababasa naririnig, nakikita at napapanood. Anong suliranin o pangyayari sa lipunan ang tumawag ng iyong
pansin at sa tingin mo ay matutuwa kang malaman ang mga impormasyon at
katotohanan tungkol dito?
2. Magsaliksik- Sa bahagi namang ito ay maaari kang magsaliksik sa iba’t ibang pagkukuhanan ng ideya o datos
tulad ng internet, aklat, dyornal, pahayagan, sarvey, o intervyu. Basahing mabuti ang iyong pinagkukuhanan at
isulat ang mahahalagang impormasyon na sa tingin mo ay makatutulong
sa iyong balita o komentaryo. Mahalagang makuha mo ang mga sagot sa tanong na ANO, SINO, SAAN, KAILAN,
at BAKIT.
3. Lumikha ng iyong burador - Ang lahat ng manunulat ay gumagamit ng burador o scratch paper. Mula sa
mga detalye na iyong nasaliksik. Lagyan mo ng bilang o numero kung ano ang pinaka-importante hanggang sa
di-gaanong mahalaga. Ang balita at komentaryo ay nagtataglay ng tinatawag na PAMATBUNAY o Lead.
Pamatnubay - ito ang pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat ito ay unang pinagtutuunan ng pansin at
siyang umaakit sa mambabasa dahil ito ay ang buod. Ngunit maaaring ito ay isang salita lamang, lipon ng mga
salitang panghihikayat ng interes ng mambabasa, o isang parapo o talata.

Halimbawa: “Nagkaisa ang lahat ng alkalde ng Metro Manila sa kanilang rekomendasyon sa Inter-Agency Task
Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na mapalawig pa ang general community quaratine
(GCQ) sa National Capital Region (NCR).” (Pamatnubay sa Balita)

“Kahapon ginunita ang Araw ng mga Bayani sa buong bansa naging tampok sa lahat ng programa ng mga local
government units ang pagbibigay parangal sa medical frontliners.” (Pamatnubay sa Komentaryo)
4. Buoin ang bahagi ng balita o komentaryo - Ang mga bahaging ito ay ay simula (pamatnubay), katawan, at
wakas. Tandaan na sa pagsulat ng balita, iwasan ang masyadong mahabang talata. Maaari itong putolin upang
bumuo ng bagong talata. “Isang ideya = isang talata.” Gumamit ng mga
transitional devices upang mapag- ugnay-ugnay ang mga talata gaya ng mga salitang: una, ikalawa, sumunod,
sa kabilang banda, gayunpaman, bilang pagwawakas, at iba pa
5. Basahin at irebisa ang sarili mong gawa - Mahalaga na basahin mo ang sarili mong gawa upang makita mo
ang ilang mga kamalian sa ispeling, pagbabantas, o nilalaman na sa tingin mo ay kailangang alisin o dagdagan.
Maaari din na ipabasa mo ito sa iyong magulang, kapatid, o kasama sa bahay na may kakayahang sumuri ng
kalakasan at kahinaan ng iyong gawang balita o komentaryo.

Pagsagot sa Tanong
Panuto: Basahin ang mga katanungan at kopyahin at sagutan ito sa isang buong papel.
 Ilahad, sa pamamagitan ng pag-iisa-isa ng mga gabay na maaaring pagkuhanan ng ideya o datos sa
pagsulat ng balita o komentaryo.
 Isa-isahin ang mga hakbang sa pagsulat ng balita o komentaryo at ipaliwanag ito. Gamitin ang dayagram
Mga Hakbang sa oagsulat ng balita o Paliwanag
komentaryo

 Ano ang kahalagahan sa pag-alam ng mga gabay na maaaring pagkuhanan ng ideya o datos sa pagsulat ng
balita o komentaryo?
 Bakit kailangang malaman ang mga hakbang sa pagsulat ng balita o komentaryo? Ibigay ang sariling
palagay.
 Paano nakatutulong sa pagsulat ng balita at komentaryo ang mga gabay at mga hakbang sa pagsulat nito?
Inihanda nina:

Maylyn C. Fletcher Priscilla N. Gates Leah D. Guinto Joycelene O. Soriano


Guro I Guro II Guro III Guro II

Sinuri ni:

Marissa F. Francisco
Dalubguro I Pinagtibay ni:

Guillermo E. Espineda, PhD.


OIC- Kagawaran ng Filipino

You might also like