You are on page 1of 16

PANGANGALAP NG

IMPORMASYON SA
WEBSITES
Ano ang kaibahan ng web
page, website at world
wide web?

Paano makikilala ang


mabuting websites
para sa atin?

Paano makukuha ang


makabuluhang
impormasyon sa
website?
Ang hyperlink ang pinakamahalagang
aspekto ng World Wide Web. Ito ang
kawing o tulay na magdadala sa user o
gumagamit ng internet sa ibang
kahalintulad website o web page na hindi
na kailangang magbukas pa ng
panibagong browser. I-click lamang ang
mga text link o image link at mapupunta
na sa panibagong webpage ng
kasalukuyang website o sa ibang website.
KATANGIAN NG ISANG MABUTING WEBSITE
1. May pangalan ng manunulat o naglathala ng
website at mga detalye kung paano siya maaaring
maabot
Mahalagang mabatid kung ang taong nagsulat ng
impormasyong kailangan ay eksperto o may
kredibilidad pagdating sa kaniyang sinulat.

2. May malinaw na layunin


Iba-iba ang silbi at layunin ng websites. Siguraduhing
ang website na napuntahan ay may malinaw na
layuning makatutulong sa pagsasaliksik.
3. Bago at tamang impormasyon
May mga pagkakataong mas mainam na bago o up-
to-date ang masasaliksik na impormasyon.
Kadalasang nakikita ang petsa kung kailan isinulat
ang impormasyon sa may bandang ilalim ng web
page. Dapat na tama rin ang impormasyong
nakasulat sa isang website.

4. May balanseng opinyon at walang pinapanigan


May mga website tayong mapupuntahan na gawa ng
isang tao o grupo na nais lamang mag-anunsiyo
tungkol sa kanilang produkto o opinyon. Alamin kung
nagbibigay ang website ng kaalamang walang
pinapanigan.
5. Mahusay na ayos at disenyo

Malaking tulong kung ang website ay akma sa edad


ng gumagamit, madaling maunawaan ang
nilalaman, at may mahusay na ayos, disenyo, at
navigation system upang madaling mapuntahan ang
ibang web pages ng site.

You might also like