You are on page 1of 8

PANGANGALAP NG IMPORMASYON SA

WEBSITES
Ang Webpage, Website, at World Wide
Web
Ang World Wide Web-
Isang information system.
Ginagamit ito ng isang user upang
makalipat mula sa isang website patungo
sa iba pang website sa tulong ng hypertext
links o hyperlinks.
Ang web page –
Pinakamaliit na yunit ng World
Wide Web. Isa itong dokumentong bahagi
ng isang website. Ang website ay
koleksiyon ng web pages na pinag-uugnay
ng mga hypertexts o image links.
Kadalasan, ang isang website ay may
iisang tema at layunin.
Ang hyperlink-
Ang pinakamahalagang aspekto ng
World Wide Web. Ito ang kawing o tulay na
magdadala sa user o gumagamit ng internet
sa ibang kahalintulad na website o web page
na hindi na kailangang magbukas pa ng
panibagong browser.i-click lamang ang mga
text link o image link at mapupunta na sa
panibagong webpage ng kasalukuyang
website o sa ibang website.
Pagsusuri sa Isang Mabuting Website
Maraming uri ng website na
mahahanap sa internet.Ang iba ay
maaaring seryoso, pangkatuwaan lamang,
pangkomersiyo o pang-akademiko.kaya
mahalagang maging mapanuri sa mga
pinupuntahang websites.
Katangian ng isang Mabuting Website
1.May pangalan ng manunulat o naglathala ng
website at mga detalye kung paano siya
maaaring maabot.
2.May malinaw na layunin
3.Bago at tamang impormasyon
4.May balanseng opinion at walang
pinapanigan
5.Mahusay na ayos at disenyo
Tandaan
Malaki ang tulong ng mga website sa pangangalap ng
mga impormasyon.Siguraduhin lamang na pasado ang
napiling website sa pamantayan ng isang mabuting
website.
Bawat website ay may layunin. Maaaring magbigay
ang mga ito ng makabuluhang impormasyon,
makatulong sa iyong pagkatuto, maging daan sa mas
mabilis na komunikasyon, makabenta, o di kaya ay
makapaglibang. Mahalagang maging mapanuri sa pagpili
ng website na pagkukunan ng impormasyon.
Panuto :Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang pahayag.
_____1.Ang website ay koleksiyon ng webpage na pinag-uugnay ng
hypertexts o image links.
_____2.Ang World Wide Web ang pinakapayak at pinakamaliit na
yunit ng web pages.
_____3.May malinaw na layunin ang isang maganda at mabuting
website.
_____4.Mainam na bumisita lamang sa websites na maitutulong sa
pag-aaral o pagpapaunlad ng
kaisipan o pagkatao.
_____5.Mabuti ang isang website kung hindi nakikilala ang lumikha
nito.

You might also like