You are on page 1of 6

ARALIN 4: PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG

INTERNET

G- abay
Sa kasalukuyan, unti-unti nang napapalitan ng makabagong teknolohiya ang mga
nakasanayang paraan ng pangangalap ng impormasyon at isa na rito ang paggamit ng Internet.
Ang Internet ay ginagamit sa pangangalap ng mga kinakailangang impormasyon. Sa
pagsasaliksik sa Internet, gumagamit ng search engines sa paghahanap ng mga impormasyon.
Sa makabagong panahon ang Internet ay naging bahagi na ng buhay ng isang tao.
Mahalagang malaman kung paano makapapangalap ng impormasyon na gamit ito.
Bilang isang mag-aaral, mahalaga na mapalawak ang iyong kaalaman. Gamit
ang Internet at ng search engines ikaw ay makapagsasaliksik ng mga kinakailangang
impormasyon sa pag-aaral gaya ng iyong mga takdang-aralin. Mas mabilis ang pangangalap ng
impormasyon gamit ang Internet.

Devotional:  Sa pang-araw -araw na paglalakbay natin sa mundong ito mahalaga


 
ang pagkalap ng impormasyon. Ang Banal na Kasulatan ay isang mabisa at hindi
kumukupas ang impormasyong taglay nito kahit kailan. “Ang lahat ng mga kasulatan
na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala,
sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Dios ay maging
sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang Mabuti”. 2 Timoteo 3:16-17

 Sa Banal na Kasulatan matatagpuan ang mga pangako ng ating Panginoon para sa
Kanyang mga anak. Ano ang paborito mong bersikulo at paksa sa Bibliya?
Sagot: ______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

PINAKAMAHAHALAGANG KAKAYAHAN SA PAG-AARAL (MOST ESSENTIAL LEARNING


COMPETENCIES):
Pagkatapos ng aralin, ang bawat mag-aaral ay makagagamit ng Internet sa pangangalap ng
kinakailangang impormasyon.
kalidad ng impormasyong nakalap at mga Web site na pinagmulan ng mga ito.

Gabay-lakbay:  Ang Internet ay nakatutulong nang lubos sa pangangalap ng


impormasyon. Sa kabilang dako, ang Banal na Kasulatan ay higit na may hangaring
makapagbigay impormasyon sa ating buhay. "Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag
sa aking landas" Mga Awit 119:105.

   Naranasan mo na bang maligaw ng daan? Ano ang nagbigay lakas-loob sa iyo na


makabalik sa tamang daan?
Sagot:
______________________________________________________________________

____________________________________________________________

A-ralin
EC1: Natutukoy ang angkop na search engine na magagamit sa pangangalap ng impormasyon.

Iba’t Ibang Uri ng Search Engines


Nakatulong ang Internet upang makakalap ng kinakailangang impormasyon.
Sa pagsasaliksik sa Internet, gumagamit ng search engines sa paghahanap ng
kinakailangang mga impormasyon. Ang search engines ay mga programa na
makatutulong sa pangangalap ng mga impormasyon tungkol sa isang tiyak na
paksang hinahanap at nagbibigay ng tala ng mga dokumentong maaaring pagkunan
ng impormasyon tungkol dito. Maaaring gumamit lamang ng keyword o kataga o
grupo ng mga kataga sa paghahanap ng kailangang impormasyon.
mga sumusunod ay iba’t ibang uri ng search engines.
 Crawler-Based Search Engine
-gumagamit ng isang software upang lumikha ng kanilang listahan.
Halimbawa:
A. Bing (USA)

B. Yandex (Russia)

 Human-Powered Directories
-nakabatay sa editor o sa taong lumilikha ng listahan.

Halimbawa:
A. Open Directory
B. Mahalo

 Hybrid Search Engine


-pinagsasama ang paggamit ng Crawler-based search engine at ng Human-
powered directories.
A. Google

B. Yahoo
Gawaing Pagkatuto: Hanapin at bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa Internet.

W B G H T K O N R Y
B E H A P P Y Y T A
L O B W R E J A P H
I P D S Y Z L N H O
Z P Q Y I S T D Y O
Q O N B D T F E B C
U G O O G L E X R U
E I K X C I N M I T
N M I Z V J K O D E
S E A R C H N C V W
1. 4.
2. 5.
3. 6.
EC2: Natitiyak ang kalidad ng impormasyong nakalap at mga Web site na pinagmulan ng mga ito.

Pagsusuri sa mga Impormasyong Nakalap mula sa Internet


Ang paggamit ng search engines ay mabisang paraan sa pangangalap ng
impormasyong galing sa Internet ngunit kailangang maging mapanuri sa kalidad ng
mga impormasyong mahahanap upang makatiyak na ito ay tama at may batayan.
Ang mga impormasyong ito ay nanggagaling sa tinatawag na Web sites. Ang Web
sites ay nagbibigay ng mga pahina na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa
iba’t ibang bagay o paksa.

Ilan sa mga dapat isaalang-alang upang masuri at matiyak na wasto ang mga
impormasyon at mga Web site na pinanggalingan ng mga ito:
 Tingnan ang address ng site. Siguraduhing ang pinagkukunan ng impormasyon ay
mapagkakatiwalaan at hindi mababago nang walang pahintulot ng may akda.
 Suriin ang may-akda. Kung mayroong may-akda ang site na binibisita, alamin kung may
sapat na kakayahan o kaalaman ang taong iyon na makapagsulat tungkol sa mga
impormasyong nilalaman ng nasabing site.
 Ihambing ang mga impormasyon sa iba pang site. Maaaring humanap ng iba pang site
upang gawing batayan nang pagkakapareho ng uri ng impormasyong binibigay sa site na
kasalukuyang tinitingnan.
 Suriin ang baybay at gamit ng mga salitang nilalaman ng site. Kung maraming salitang
nakapaloob sa site na hindi wasto ang baybay o gamit, ito ay maaaring hindi
mapagkatiwalaan.
 Alamin ang petsa kung kalian ginawa. Tiyaking wasto at bago ang lahat ng
impormasyong nilalaman ng Web site na binibisita.

Gawaing Pagkatuto: Paano masusuri kung wasto ang impormasyong nakalap mula sa
Web site na pinagkunan? Gamitin ang Matrix sa ibaba.

Pag-bookmark ng mga Web site at Pagsasaayos ng mga Ito


Ito ang pag-save ng link mula sa isang Web site upang madali itong makita para sa
susunod na paggamit ng Internet at pagbisita sa Web page.
Narito ang mga hakbang kung paano mag-bookmark ng isang Web site:
1. Pumili ng pahina nan ais mong i-bookmark.

2. I-click ang star button sa kanang bahagi ng


address bar. Maaari ding pindutin ang Ctrl + D
sa keyboard.
3. Bigyan ng nais na pangalan ang ginawang
bookmark
Paraan ng pag-aayos ng mga bookmark:
1. I-click ang button na Add to folder sa ibaba ng
mga bookmark pop-out window.
2. Maghanap ng bookmark na nais idagdag sa
bookmark folder gamit ang > and < buttons.
3. Gumawa ng bagong folder sa iyong
kasalukuyang lokasyon sa pamamagitan ng
pag-type sa isang pangalan ng folder at pag-
click sa “Create”.

Gabay-lakbay: Mahalagang suriin ang mga


impormasyon na makakalap sa internet. Gayundin ang
salita ng Panginoon na nagsasabing “Ipangaral mo ang
salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di
kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at
pagtuturo”. 2 Timoteo 4:2

Ano ang pakiramdam mo kapag ang iyong mga magulang ay pinapangaralan ka? Tama ba
ang naging reaksiyon mo? Bakit mo nasabi?
Sagot:________________________________________________________________
________________________________________________________________
PAGSUSULIT
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa kasalukuyan, ano ang ginagamit upang mapabilis ang pangangalap ng impormasyon?


A. aklat B. almanac C. encyclopedia D. internet
2. Ano ang tawag sa kataga o grupo ng mga kataga na ginagamit sa paghahanap ng
kinakailangang impormasyon?
A. abbreviation B. keyword C. password D. shortcut
3. Alin sa mga sumusunod ang uri ng search engine na gumagamit ng software upang
lumikha ng kanilang listahan?
A. Bing B. Facebook C. Mahalo D. Open Directory
4. Alin ang halimbawa ng Hybrid Search Engine?
A. Bing B. Google C. Mahalo C. Yandex
5. Ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang upang matiyak na wasto ang impormasyon.
Alin ang HINDI?
A. Alamin ang petsa kun kalian ginawa
B. Ihambing ang mga impormasyon sa iba pang site.
C. Kalimutan ang may-akda.
D. Tingnan ang address ng site.

W-asto
Gawaing Pagsasabuhay:
Paano magiging responsable sa pangangalap ng impormasyon gamit ang kompyuter at
Internet? Ipaliwanag ang sagot at pananaw sa pamamagitan ng Matrix.
Gabay-lakbay: “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa
malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. Kaya
kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa
inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino
ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?” Lukas 16:10-12

Ang paggamit ng Internet sa pangangalap ng mga impormasyon ay nakatutulong upang


mapabilis at mapalawak pa ang iyong kaalaman ngunit mahalagang maging maingat at mapanuri
sa pagpili ng mga impormasyong kukunin at maging ang pagkukunan. Kailangan lamang ng
patuloy na pagsasanay upang mabilis itong matutuhan. Tandaan din na maaari at mahalaga pa rin
ang nakasanayang paraan ng pangangalap ng impormasyon ---ang paggamit ng mga aklat.

A-plikasyon

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (PERFORMANCE TASK): 


Bago matapos ang linggong ito, ang bawat mag-aaral ay makapagsasaliksik ng karagdagang
impormasyon tungkol sa mga uri ng search engines.
Sa tulong ng kompyuter at Internet, magsaliksaik ng karagdagang impormasyon tungkol sa
mga uri ng search engines. Gumawa ng album na nagpapakita ng nakalap na mga impormasyon.
Maglimbag ng kinakailangang mga larawan na may kaugnay na paliwanag. Maging malikahain sa
pagbuo ng album.

Rubrik sa Pagbuo ng Album ng mga Uri ng Search Engines

Kraytirya Puntos

Nakabuo ng album ng mga uri ng search engines 30%

Naglalalaman ang album ng wastong impormasyon tungkol sa 30%


mga uri ng search engines

Nakapaglimbag ng angkop na mga larawan upang maipakita ang 20%


mga uri ng search engines

Naging malikhain sa paggawa ng album 20%

Kabuuan 100%

Gabay-lakbay: “Sikapin mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, isang manggagawang


walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan” 2 Timoteo 2:15.

You might also like