ng files at datos sa computer sa paraan na madali itong mahanap at ma-access.Ang mga hard disk,CD-ROM / DVD-ROM, flash drives, at iba pa, ay mga storage devices o imbakan na maaaring gamitin upang maingatan ang kopya ng mga files. DALAWANG URI NG FILES 1.Soft copy Ito ang mga elektronikong files na mabubuksan gamit ang computer at application software.Maaari itong maging word document, spreadsheet, presentation, mga litrato,at mga audio at video files. 2.Hard copy Ito ang dokumento o imaheng nakasulat o nakaimprenta sa papel. Filename- Ang pangalan na ginagamit upang madaling malaman ang isang computer file na nakasave sa computer. *Dapat bigyan ng makabuluhang filename ang isang dokumento.ang mga file ay maaaring i-save sa mga folder at subfolder.Naisasaayos ang pagsave ng file at napapadali ang paghahanap kung kakailanganin itong muli. Computer file address- Ang kumpletong pathway kung saan makikita ang nakasave na file. *Mga bahagi ng computer file address* 1.Device- Ito ang hardware device o drive (local disk, Universal Serial Bus- USB flash drive,atbp) kung saan nakasave ang file. 2.Directory o folders- Ito ay particular na lalagyan ng mga files.Maaari itong magkaroon ng mga subfolders,base sa uri ng file. 3.Filename- ang natatanging pangalan ng isang computer file. 4.File extension- tumutukoy sa uri ng computer file, halimbawa: Microsoft Word file (.doc o .docx), Microsoft Excel File (.xls o .xlsx) at Microsoft Powerpoint Presentation (.ppy o .pptx) Mga Uri ng Files na Maaaring I-save sa Computer 1.Document files 2.Image files 3.Audio files 4.Video files 5.Program files Tandaan Ang Files sa computer ay dapat na maisaayos at maisave upang madali itong ma-access.kailangang bigyan ng isang angkop at natatanging filename ang bawat isa at maisave ito sa tamang folder o subfolder.Maaari din tayong magdelete ng mga folder o file na hindi na kailangan upang makatipid ng espasyo sa ating storage device. Ang computer file system ay isang Sistema na dapat matutuhan upang maisaayos ang mga nagawang dokumento at ang impormasyong nakokolekta. Piliin ang titik ng tamang sagot.Isulat ito sa kuwaderno. 1.Ito ay isang pamamaraan ng pag-save at pagsasaayos ng mga computer files at datos para madali itong mahanap at ma- access. a.Filename b.Computer File System c.File format d.Soft copy 2.Ito ang mga elektronikong files na mabubuksan natin gamit ang ating computer at application software. a.Soft copy b.Folder c.Device d.Hard copy 3.Ang bukod-tanging pangalan na ibinibigay sa isang computer files na nakasave sa file system. a.Filename b.File extension c.Device d.Directory 4.Tumutukoy ito sa uri ng computer file. a.Filename b.File extension c.File location d.File host 5.Paraan upang makatiyak na nailagay ang file sa computer system para madali itong ma-access kung kinakailangan. a.Pagkatapos gawin ang document file ay i-save ito sa tamang folder. b.Bigyan ng filename na madaling tandaan at kaugnayan sa dokumentong nagawa. c.Buksan ang folder upang siguradong nai-save ang file. d.Lahat ng nabanggit.