You are on page 1of 5

ARALIN 8:

TEKSTONG PROSIDYURAL: ALAMIN ANG MGA HAKBANG

PAGTALAKAY
Basahin ang sumusunod na tekstong prosidyural.

Ang Paggawa ng Blog


Isa sa pinakasikat na porma ng babasahin at sulatin sa internet ang blog. Ang blog
ay isang diskusyon o sulatin na may iba’t ibang diskurso gaya ng pagbibigay-impormasyon,
pangangatwiran, o simpleng paglalabas lang ng mga iniisip o damdamin tungkol sa isang
paksa. Madalas na tinatawag na online at pampublikong talaarawan ang blog. Isinasapubliko
ito gamit ang World Wide Web at madalas na kronolohikal ang pagkakaayos. Nauunang
lumitaw ang mas bagong entry ng isang manunulat sa isang website. Sa kasalukuyan, uso
na rin ang multi-author blogs (MABs) o yaong mga blog site kung saan maaaring magsulat ng
blog ang iba’t ibang awtor na ine-edit ng mga propesyonal. Kadalasang MABs ang ginagamit
ng mga institusyon gaya ng diyaryo at iba pang media outlet, unibersidad, mga grupong may
adbokasiya, at iba pa.
Ang pagsisimula at pagsikat ng blogging noong katapusan ng dekada ’90 ay sumabay
sa pag-unlad ng web publishing tools o yaong mga website sa internet na nagpapadaloy
at tumatanggap ng mga kontribusyon mula sa iba’t ibang gumagamit nito na hindi naman
propesyonal sa larangan ng kompyuter. Sa panahong ito, binuksan sa publiko ang pagdaragdag
ng kaalaman at pag-eedit nito sa internet. Noong una kasi ay kailangang maalam sa teknolohiya
ng HyperText Markup Language (HTML) o File Transfer Protocol (FTP) bago makapaglagay
ng anumang nilalaman o teksto sa internet.
Karamihan sa mga web publishing tools ay interaktibo ang katangian, na nagbibigay ng
pagkakataon sa mga bumibisita na maglagay ng komento o mensahe gamit ang graphical user
interface (GUI) sa mga blog. Ang pagiging interaktibo nito ang nag-iiba rito sa mga istatikong
website. Sa ganitong paraan, nakikita rin ang blogging bilang porma ng social networking
sapagkat hindi lamang nagsusulat ang isang blogger ng nilalaman para i-post sa internet,
bagkus ay bumubuo rin sila ng panlipunang relasyon sa kanilang mga mambabasa at iba
pang bloggers.
Iba’t iba ang uri ng blog depende sa layunin nito. Maraming blog ang nagbibigay ng
komentaryo o mga pananaw sa iba’t ibang paksa o isyu habang ang karamihan ay mas
ginagamit bilang online na talaarawan. Ang iba naman ay ginagamit ito sa pagbebenta o

1
online brand advertising. Sa isang tipikal
na blog, madalas na pinagsasama ang
teksto, mga larawan, at link sa iba pang
blog o web page na may kaugnayan sa
paksa. Ang iba’t ibang blog ay may pokus
sa mga sining na tinatawag na art blogs,
potograpiya (photoblogs), videos (video
blogs o vlogs), musika (music blogs), at
tunog o audio (podcasts). Microblogging
Bakit ka gagawa ng blog? naman ang tawag sa uri ng blogging na
Kinuha ang larawan mula sa www. Cbcelements.com. nagpapakita ng maiikling paskil gaya ng
sa Twitter o Facebook. Sa edukasyon,
ginagamit din ang blog bilang sanggunian o batis ng mga modyul at iba pang kagamitang
panturo. Tinatawag itong edublogs.
Narito ang ilang gabay sa paggawa ng blog mula sa website na WikiHow:
1. Tanungin ang sarili kung ano ang pinakainteresanteng paksa para sa iyo na nais mong ibahagi sa
iba. Ang ilan sa mga posibleng paksa ay:
• Politika. Maaaring maglaman ito ng mga opinyon mo tungkol sa politika ng bansa. Marami
nang komentaryo ang mga mamamahayag o kaya ay mga kilalang tao ngunit interesante at
mahalaga pa ring marinig kung ano ang pananaw ng mga karaniwang mamamayan.
• Pagkain. Maaaring magsimula sa pagbabahagi mo ng mga sariling recipe. Maaari ka ring
magbigay ng rebyu at rekomendasyon batay sa mga restawran na napuntahan mo na. Patok
na rin ang food blogging sa kasalukuyan.
• Pelikula o nobela. Kung mahilig kang manood ng pelikula o kaya ay magbasa ng nobela,
maaari mo ring ilagay sa blog ang rebyu mo sa mga ito.
• Negosyo. Magagamit din ang blog bilang paraan ng pakikipag-ugnayan at pagbebenta ng
produkto o serbisyo sa mga posibleng customer. Makatutulong din ang iyong blog kung
mabibigyan mo sila ng impormasyon tungkol sa produkto.
2. Isipin mo kung paano makatutulong ang iyong blog sa ibang tao. Kailangang ituon mo ang iyong
blog sa tiyak na layunin at sa target na mambabasa. Narito ang ilang ideya.
• Magturo ka! Kung mahilig ka sa isang partikular na bagay at malawak ang karanasan mo rito,
maaari mong matulungan ang ibang tao na nahihirapan o bago rito.
• Magbigay ng pinakabagong mga balita at kalakaran. Magbigay ng mga bagong pag-unlad
na may kinalaman sa iyong paksa. Mahalagang manaliksik din nang mabuti upang maging
kapani-paniwala ang iyong blog.
• Magpatawa ka! Magaling ka bang magpatawa? Maaari mong gamitin ang blog upang maging
balon ng kaligayahan at katatawanan para sa ibang tao.
• Maging inspirasyon sa iba. Nagkaroon ka na ba ng mabibigat na pagsubok sa buhay gaya ng
malubhang sakit o matinding problema na nalagpasan mo? Maaaring magamit mo ang mga
paksang ito tungkol sa iyong sarili para magbigay ng inspirasyon at palakasin ang loob ng
mga taong dumadaan din sa parehong mga pagsubok.

2 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


3. Magbasa ng iba pang mga blog tungkol sa partikular na paksang gusto mong isulat. Ito ay upang
hindi na maging duplikasyon lamang ang iyong blog ng mga nauna nang ginawa.
4. Mag-isip ng magandang titulo at pangalan para sa iyong blog. Kailangang malikhain ito at
nakakukuha ng interes ng mambabasa.
5. Pag-isipan kung anong website ang gagamitin mo sa iyong blog. Ang pinakapopular na ginagamit
sa kasalukuyan ay WordPress at Blogger. Maaari mo ring gamitin ang Facebook upang gumawa
ng note.

PAGSASANAY C

ASEAN Manwal ng mga Mamimili Tungkol sa Produktong Kosmetiko


Bahagi ng buhay ng bawat tao ang paggamit ng mga produktong kosmetiko. Walang pinipiling
kasarian o edad ang mga mamimili ng nasabing produkto, kaya’t mahalaga na maging mapanuri ang
mga mamimili. Nararapat na alam nila kung aling produkto ang angkop sa kanilang pangangailangan
at pamumuhay.

Ano ang mga produktong kosmetiko?


Noong unang panahon, ang mga kababaihan at kalalakihan ay gumagamit na ng mga produktong
kosmetiko upang mapaganda ang kanilang kaanyuan. Sa kasalukuyan, patuloy na dumarami ang mga
produktong pampaganda na ginagamit sa pang-araw-araw na kaayusan.
Ang mga produktong kosmetiko ay mga produktong sadyang ginawa upang mailagay o ipahid sa
iba’t ibang panlabas na bahagi ng katawan, gaya ng balat o epidermis, buhok, kuko, labi, panlabas na
bahagi ng ari, at loob ng bibig. Ito ay ginagamit upang mapalinis, mapabango, mapabago ang anyo,
itama ang amoy, protektahan, o mapanatili sa mabuting kondisyon ang mga bahagi ng katawan na
nabanggit.
Ilan sa mga produktong kosmetiko na pangkaraniwang ginagamit natin araw-araw ay ang mga
shampoo, conditioner, shower gels, toothpaste, cream na gamit sa pag-aahit, mouthwash, pangtina o
pangkulay sa buhok, at iba pa.

Ang Direktibang Kosmetiko ng ASEAN o ASEAN Cosmetic Directive (ACD)


Ang ASEAN Cosmetic Committee (ACC) ay binuo noong 2003 upang pag-ugnayin, pag-aralan, at
bantayan ang mga pagpapatupad ng mga panuntunan ng direktiba. Ito ay binubuo ng mga ahensiyang
tagapangasiwa ng mga produktong kosmetiko sa ASEAN (ASEAN National Cosmetic Regulatory
Authorities) at ng Samahang Pangkosmetiko sa ASEAN (ASEAN Cosmetic Association o ACA).
Ang ACD ay binuo ng mga miyembro ng ASEAN para mapalawig at mapagtibay ang ugnayan ng
mga miyembro nito. Ito ay upang masiguro ang kalidad at kaligtasan ng mga produktong kosmetiko
na kinakalakal sa ASEAN.
Ang layunin ng ACD ay maalis ang mga teknikal na hadlang sa pangangalakal nang hindi
malalagay sa masamang kahihinatnan ang kalusugan ng mga mamamayan sa ASEAN sa pamamagitan
ng pagkakaisa ng mga atas na pangteknikal.

YUNIT II IBA’T IBANG URI NG TEKSTO: PAGBASA, PAGSUSURI, AT PAGSULAT 3


Sa ilalim ng ACD, ang mga miyembro ng ASEAN, sa pamamagitan ng mga National Regulatory
Authorities o NRA, ay magpapatupad ng patakaran at gagawa ng mga kaukulang hakbang upang
masiguro na ang mga produktong nilalagay sa merkado ay sumusunod sa mga alituntuning nakasaad
sa ACD.
Ang mga kompanya o taong responsable sa paglalagay ng produktong kosmetiko sa merkado
ay nararapat na magbigay-alam sa kinauukulan at managot sa kalidad at pinapangakong benepisyo
ng kanilang mga produkto.
1. Ano-ano ang dapat gampanan ng mga mangangalakal ng kosmetiko?
Ayon sa ACD, ang mga mangangalakal ng mga produktong kosmetiko ay nararapat na
sumunod sa mga alituntuning nakasaad sa ibaba upang makapangalakal ng mga nasabing
produkto sa ASEAN:
• Ipagbigay-alam sa NRA ang mga produktong nais ipagbili bago pa man ito ilabas sa merkado.
• Siguraduhing ang mga produktong ibebenta ay ginawa alinsunod sa mga pamantayan ng
ASEAN Cosmetic Good Manufacturing Practice.
• Tiyaking ang mga produkto ay hindi naglalaman ng mga ipinagbabawal na kemikal na maaaring
makasama sa kalusugan, at ang mga pinapahintulutan lamang na pangkulay, preservatives,
at panangga sa sikat ng araw ang ginagamit.
• Siguraduhing ang mga kontroladong sangkap ay ginagamit lamang sa tamang dami at
kondisyon ng paggamit.
• Lagyan ng tama at kaukulang etiketa o label ang mga produkto. Ito ay nararapat na maglaman
ng mga wastong impormasyon tulad ng mga pangalan ng produkto, mga sangkap, bansa
kung saan ito ginawa, at petsa ng hangganan o expiry date (na inilalagay kung ang produkto
ay may pagkakabisa nang hindi lalagpas sa 30 na buwan) o petsa ng paggawa ng produkto.
• Gumawa ng product information file (PIF) sa bawat produktong kosmetiko na ilalagay sa
merkado. Ito ay talaan na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga
sangkap, datos ukol sa kaligtasan ng produkto at mga hindi inaasahang epekto sa paggamit
nito.
2. Ano-ano ang dapat gampanan ng National Regulatory Authorities (NRA)?
Sinisigurado ng NRA na ang mga produktong kosmetiko na kasalukuyang nasa merkado
ay sumusunod sa ACD sa pamamagitan ng pagsusuri ng PIF at pagsasagawa ng post-market
surveillance o ang patuloy na pangongolekta at pagsusuri sa mga produktong nasa pamilihan.
Bukod dito, ang listahan ng mga ipinagbabawal at kontroladong sangkap, mga
pinahihintulutang pangkulay, preservatives, at pansangga ng sinag ng araw ay patuloy na
sinusuri ng mga miyembro ng ASEAN sa tulong ng mga makabagong pag-aaral sa paggamit ng
nasabing mga sangkap. Ang mga mamimili ay maaaring bumisita sa website ng NRA para sa
mga karagdagang impormasyon.
3. Ano-ano ang mga kailangang malaman tungkol sa paggamit ng mga produktong kosmetiko?
Sa kabila ng pagsasabing ang mga produktong kosmetiko ay hindi gaanong mapanganib sa
kalusugan kompara sa iba pang mga produkto, gaya ng mga makabago at tradisyonal na gamot,
nananatili pa ring walang katiyakan ang kanilang kalidad at kaligtasan. Dahil dito, nararapat

4 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


lamang na sundin ng mga mamimili ang mga sumusunod na alituntunin upang masigurong ligtas
ang paggamit ng mga produktong kosmetiko:
• Huwag bumili ng mga produkto sa mga kahina-hinalang establisyemento, kabilang na rin ang
mga hindi kilalang internet websites.
• Mag-ingat sa mga produktong nangangako ng lubos na epekto at bumili lamang sa mga kilala
at katiwa-tiwalang bilihan.
• Huwag kaagad maniwala sa mga nakikitang patalastas at mga label, maging sa mga
testimonya ng mga eksperto o mga resulta ng siyentipikong pananaliksik. Maaaring mga
paunang resulta lamang ng pananaliksik ang nailathala at ang mga impormasyong ito ay hindi
sapat upang maging batayan ng iyong desisyon.
• Basahin palagi ang wastong paraan ng paggamit at mga paunawang babala sa label bago
gamitin ang produkto. Huwag gamitin ang mga produkto bukod sa pinaglalaanang gamit nito.
• Tiyaking malinis ang mga kamay o ang applicator bago gumamit ng produktong kosmetiko.
• Gamitin ang produktong kosmetiko bago ang nakatakdang hangganan (expiry date) nito.
Huwag gamitin ang produktong nagkaroon na ng pagbabago sa hitsura nito kabilang na ang
kulay at amoy.
• Alamin ang mga sangkap na maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng allergy. Subukan
muna ang produkto sa maliit na bahagi ng balat (maaaring sa likod ng tainga o sa bahagi ng
braso na may manipis na balat) sa loob ng 24 na oras. Kung walang hindi kanais-nais na
epekto, maaaring ituloy ang paggamit nito.
• Huwag maglagay ng produktong kosmetiko sa mga bahagi ng katawan na mayroong sugat o
sintomas ng iritasyon.
• Huwag gumamit ng produktong kosmetiko na nagamit na ng ibang tao sapagkat maaaring
mayroon itong mikrobyo na nagmula sa iba.
• Huwag lagyan ng tubig o laway ang mga produktong kosmetiko kapag natuyo na ito sapagkat
maaaring maging sanhi ito ng pagkakaroon ng mikrobyo.
Mababasa ang buong manwal sa website ng Food and Drug Administration (FDA).

YUNIT II IBA’T IBANG URI NG TEKSTO: PAGBASA, PAGSUSURI, AT PAGSULAT 5

You might also like