You are on page 1of 25

IKAAPAT NA MARKAHAN

ARALIN 2
BLOG AT AKADEMIKONG
SULATIN
Ano ang kaugnayan nito sa blogging?

Paano magsimula ng isang matagumpay


na blog?
ANO ANG BLOG ?

ANO - ANO ANG MGA URI NG


BLOG?
Ang blog ay isang anyo ng sulatin na
madalas inilalagay sa isang host website o
social networking site. Sa blog malaya ang
sinumang magbahagi ng opinyon at
kaalaman gamit ang kompyuter at iba
pang elektronikong gadget. Karaniwang
nilalaman ng blog ang karanasan, saloobin,
opinyon, hilig at pananaw sa isang isyu o
paksa
Galing sa dalawang salita ang blog, ang
“web” at “log”. Noong 1990’s, tinawag
itong weblog, na pinaikli sa salitang
“blog”. Maaaring maglaman ito ng mga
salita, litrato, videos, link o kung
anuman ang naisin ng blogger, ang tawag
sa tao o grupo na nagpapatakbo ng isang
blog
MGA URI NG BLOG
1. Fashion blog-
ito ang masasabing pinakasikat na
uri ng blog. Ito ay may kinalaman
sa mga damit, make-up, sapatos,
accessories o kung ano man ang
bago o nauuso sa mundo ng
fashion.
2. Personal blog-
kahit anong paksa ay maaaring ilagay
sa blog na ito. Madalas laman nito
ang nararamdaman, saloobin,
pananaw, opinyon o karanasan sa
isang tiyak na paksa o pangyayari
buhat sa pansariling pagtingin.
3. News blog-
ito ay nagbabahagi ng mga bagong balita sa
mga mambabasa. Naglalaman ang blog ng
reaksyon sa isang tiyak na balita. Sa
pamamagitan nito, nagiging responsableng
mamamayan ang gumawa ng blog. Hinihikayat
mismo ng mundo ng midya na maging bahagi
ang mamamayan sa mga ganitong gawain
bilang katangian ng responsible at participatory
journalism.
4. Humor blog-
naglalayong mapatawa ang mambabasa.
Kadalasan ay halaw ito sa mga karanasan
ng isang gumagawa ng blog. Ngunit may
mga pagkakataon din na kasabay ng
pagtawa ang pagbibigay ng mas malalim
na pagpapakahulugan tulad ng pagtawa
kasabay ng pagsusuri sa mga isyung
panlipunan.
5. Photo blog-
mula sa mga litrato hanggang sa mga
typhographies, naging malaking parte na
ng buhay ng kabataan ang mga photo
blog. Maiuugnay rito ang selfie at groupie
na mula sa paglalakbay, pamamasyal,
libangan at iba pa.
6. Food blog-
ang layunin nito ay magbahagi ng recipes
at paraan ng pagluluto ng mga pagkain.
Bukod sa paraan ng pagluluto, makikita rin
ang presentasyon ng pagkain, nutrisyong
makukuha, presyo ng pagkain at iba pang
impormasyon. Minsan bukod sa pagkain,
anyo rin ito upang hikayatin ang madla na
tangkilikin ang isang restawran o kainan.
7. Video blog (vlog)-
ito ay naglalaman ng mga video mula
sa blogger.
8. Educational blog-
nakatutulong ito upang maging
malinaw ang mga aralin sa paaralan na
hindi masyadong maintindihan ng mga
mag-aaral. Masusing hinihimay ng
blogger ang proseso upang madaling
maunawaan ang komplikadong paksa o
aralin.
9. Review blog-
ito ay blog na maaaring magrebyu ng
pelikula, musika, libro, gadget at iba
pa. Layunin nitong ibahagi ang
maganda at di-magandang napansin sa
naturang palabas o produkto.
Kadalasan ginagamit din ito bilang
bagong paraan ng adbertisment ng
ibang kompanya.
10. Travel blog-
ito ay blog na nagpapakita ng iba’t ibang
lugar na napuntahan na ng blogger.
Hinihikayat nito ang mga mambabasa na
bisitahin ang mga naturang lugar at
subukan ang mga aktibidad na ginawa ng
blogger. Madalas din magbigay ang mga
blogger ng tips kung paano makatitipid sa
bawat biyahe.
Ano ang content ng iyong blog?
Ang content ang nilalaman ng sulatin o blog.
Maaari munang magsimulang magsulat
tungkol sa sarili at karanasan. Tandaan,
huwag matakot na ipahayag ang personal na
nararamdaman dahil ito ang susi upang
maging makabuluhan ang content ng iyong
blog.
May iba’t ibang paraan ng pagsusulat
kung saan nagbibigay ng
impormasyon. Nariyan ang
nakatatawa, madrama, nakalulungkot,
informative at iba pa. Ang mga
kontekstong ito ay mahalaga sa
pagsusulat upang maging
makabuluhan ang iyong content.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG
SA PAGGAWA NG BLOG
1. Dapat malinaw at madaling maintindihan.

2. Magkaroon ng sapat na kaalaman at


gumamit ng mga angkop na salita. Isaalang -
alang ang wastong gamit ng pangungusap,
tamang baybay at siguraduhing nasa pormal
na anyo upang hindi malito ang mambabasa.
3. Maaaring maglagay ng video o
larawan na angkop sa paksa o temang
ipinahihiwatig.

4. Iwasan ang mga impormasyong


walang kabuluhan, walang
katotohanan at mga di kanais-nais na
salita o larawan
reperensya sa mga nananaliksik.

6. Maaari din itong sumagot sa mga


katanungan ng mga mambabasang
nangangalap ng kaugnay na
impormasyon.

7. May layuning magbigay ng


mabuting aral at inspirasyon sa mga

You might also like