You are on page 1of 7

ABUYOG COMMUNITY COLLEGE

Abuyog, Leyte

______________________________________________________________________
______
GE 10
DALUMAT NG/SA FILIPINO
YUNIT 3

Ipinasa ni:
SHAINE B. BERNIDO
BSED 2-E SOC.SCI.

Ipinasa kay:
Bb. ELEONOR ANTEGRA

Nobyembre 22, 2021


ARALIN 1 KATUTURAN NG SANAYSAY
Panimulang Gawain
Mga Isyu:
1.Alam niyo bang pangtakal ng bigas naming ay di puno.
2.Ang dingding sa bahay naming ay pinagtagpi-tagping yero.
3.Sa gabi na sobrang init na tumutunaw ng yelo na di kayang bilhin upay ilagay sa
inumin.
4.Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling, gamit lang ang panggatong na
inaanod lamang sa istero.
5.Na nagsisilbing kusina, sa umaga’y aking banyo.

PAGLALAPAT #1
Sa Di Maanyong Sanaysay Tungkol TIKTOK

Sa panahon ngayon, maraming bagay ang nagbago o nadiskubre. Isa na rito ang
applikasyon na tiktok. Ang tiktok ay isang tsinong social networking service. Ginagamit
ito upang makapaglikha ng maikling bidyo ng sayaw, lip-sync, komedya at talent. Ito rin
ay isang libangan na tiyak na iyong ikasasaya. Marami ka ding makikilala o magiging
kaibigan. Ngunit ang impluwensya na hatid ng tiktok sa mga kabataan ay hindi
maganda bukod sa masyadong maraming oras ang nasasayang dahil sa tiktok na
pwede pang ituon sa pagtulong sa gawaing bahay at iba pa na may mas kabuluhan,
may mga masisilan ding bidyo na hindi angkop lalo nat maraming bata ang nanunuod
mga bidyo na nagtuturo tunkol sa sekswalidad na maaring gayahin ng mga kabataan.
Kaya talaga ng patnubay ng mga magulang upang maibsan ang pagkawili sa tiktok ng
mga kabataan.

Personal na sanaysay hinggil sa sariling karanasan o obserbasyon tungkol sa “distance


learning” na pamamaraan nang pagpapatuloy sa edukasyon sa bansang Pilipinas.
Bilang isang mag-aaral ang modular distance learning ay napakahirap ngunit sinisikap
ko pa ring gawin ang lahat ng aking makakaya upang matapos lahat ng ipinapagawa
ng guro. Mahirap sa parteng sa kapag mayroong hindi ka maintindihan kailangan mong
magtanong o mag research tungkol sa hindi ko maintindihan , hindi tulad ng dati
magtatanong ka lang sa guro at sasabihin niya na kung paano. Mahirap din yung kapag
wala kang internet o load dahil wala kang magagamit kapag may online class man kaya
minsay hindi makakaattend . Minsan ay napapagalitan na ako ng aking ina dahil hindi
ko na masyadong nagagawa ang mga trabaho ko sa bahay dahil ang oras at atensyon
ko mag hapon at gabi ay nasa module lang. Naranasan ko narin magkasakit dahil
palagi akong kulang sa tulog lalo na nong nakaraang linggo dahil halos sabay sabay
ang pasahan. Sa kabila ng aking mga nararamdamang sakit at pagtitiis nagbunga din
naman lahat dahil nagawa ko ipasa lahat sa mismong araw ng pasahan. Alam kong
hindi lang kaming mga estudyante ang nahihirapan dahil mas mahihirapan ang mga
guro dahil sila ang nagbabahagi ng mga modyuls at sila din ang nag tsetsek ng gawa
naming. Ang tangi kolang hiling at pinagdadasal ay sana mawala na itong pandemya
upang maibalik na sa normal ang lahat.
Aralin 2: Kahulugan At Kahalagahan ng Blog
Panimulang Gawain

Ang napili kong blogger ay si Virgelyn cares 2.0. Si Virgelyn ay isang Pilipinong
blogger na may busilak na puso na handang tumulong sa mga taong nahihirapan. Ang
mg blog post na kanyang nagawa ay tungkol sa pagtulong niya sa mga mahihirap lalo
na sa mga taong naninirahan sa malayo sa syudad, mga taong may malubhang sakit
tinutulungan niya itong maipagamot at mabigyan ng pangkabuhayan. Sa lahat ng
kanyang blog post ang pinaka nagustuhan ko ay ang itinampok niya ang buhay ni Mora
sa kanyang blog dahil yun ang naging daan upang magkita sa muli sa personal sina
Mora at Mahal.
Ang katangianng mayroon ako na parehas sa blogger na aking napili ay ang
pagiging matulungin sa kapwa. Dahil pag may nakita akong taong nahihirapan ay
tinutulungan ko hanngat may kaya akong ikatulong. Hindi ako madamot na tao dahil
tumutulong ako na walang hinihinging anuwang kapalit.

Paglalapat no. 2
Humor Blog
- Uri ng blog na naglalayong magpatawa o makapag paaliw ng mga mambabasa.
- Layunin ng blog na ito na maibahagi ng mga nakakatawang karanasan o
kuwento na huhuli sa kiliti ng taga panood o mambabasa.
- Nakakatulong ang blog na ito na magpatawa ng mga taong malungkot o sa mga
taong dumaranas ng depression o anxiety.
Aralin 3: Uri ng Blog
Panimulang Gawain
Uri ng Blog Halimbawa ng Blog batay sa Uri at ang
Link nito kong saan makikita.
1.Personal Blog Love that May
(https://www.lovethatmay.com)
2.Photo Blog What’s a “ Photography Vlog”?
Youtube:Evan Ranft
3.Video Blog Shannil Vlog
https://youtube/PYOC4H67rzc
4.Food Blog https://www.facebook.com/RKs-
Homemade-sweet-10064865735126
5.Travel Blog Bandarban to Boga lake by: Fouzia Aboni
(https://youtube/7pHUvX8hggo
Paglalapat no.3 Performance task no.3 Micro Photo Blog

Ang bug/s o Piyangaw sa waray ay kilala bilang mga insekto na siyang nabibilang
sa pamilya ng bugs. Ito ay nagtataglay ng kulay na kayumanggi. Karaniwang nakikita ito
sa palayan at isa din itong palatandaan na malapit na ang anihan dahil pumapasok ito
sa loob ng bahay. Ang insektong ito ay nag tataglay ng masamang amoy na kapag
nadapuan ka nito ay didikit ang masamang amoy nito sa iyong katawan na syang
dahilan ng iyong pangangati. Is rin itong problema ng mga magsasaka dahil sinisira nito
ang mga panannim na palay dahil sa tuwing nag uumpisa ng mamunga ang mga palay
ay sinisipsip ntio ang kulay puti na parang gatas ng palay kaya kumukunti nalang ang
magiging bunga ng palay. Narito ang ilan sa mga paraan upang tuluyan munang
mapuksa ang mga insektong ito sa iyong palayan ngunit hindi ito magiging madali at
kinakailangan munang mahabang pasensya at matinding preparasyon upang maging
matagumpay sa pag alis sa mga ito. Una bumuli ka ng medisina pamuksa nito na
tinatawag na pesticide, maglagay ng tubig sa lagayan ng spray at doon din ilagay ang
medisina at paghaluin ito. Pagkatapos ay e spray ito sa iyong palayan hanggang sa
mamatay at mawala ang insektong ito.

Lagumang Pagsusulit (MID TERM)


1. Sanaysay
2. Alejandro Abadilla
3. Masining o Patalinghaga
4. Pormal na sanaysay
5. Income
6. Food Blog
7. Blogger
8. Blogosphere
9. News Blog
10. Michael de Mogtaigne
11. Pagbabasa
12. Naglalahad/Expository
13. Komento
14. Naratibo
15. Photo Blog
16. Blog
17. Belvez (1985)
18. Video Blog
19. Fashion Blog
20. News Blog

You might also like