You are on page 1of 3

Advance Montessori Education Center of Isabela, Inc.

Maligaya, Tumauini, Isabela


Email: amecimontessori@gmail.com

Ikalawang Mala-Markahang Pagsusulit


MTB-MLE 3
S.Y. 2021-2022

Pangalan: ____________________________________________ Iskor: ___________________

I. Panuto: Kulayan ang kahon na may wastong panghalip pananong upang mabuo ang
pangungusap.

1. Sino Saan Kailan kayo aalis papuntang Cebu?

2. Bakit Paano Ano ang gusto mong kainin?

3. Ilan Bakit Saan ang nabili mong lobo?

4. Sino Saan Kailan ang nagluto ng napakasarap na adobo?

5. Paano Alin Bakit natin kailangang alagaan ang mga alaga


nating hayop?

II. Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon na nasa ibaba. Bilugan ang titik ng angkop na reaksiyon
sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. Ibinalita sa telebisyon na makararanas ng malakas na pag-ulan ang inyong lugar kinabukasan.
Malayo ang iyong paaralan mula sa inyong tirahan. Ano ang iyong gagawin?

a. Hindi ako papasok.


b. Papasok pa rin ako sa eskwela.
c. Hindi ako papasok at ipapaalam ko sa aking guro sa pamamagitan ng pag-text ang aking
dahilan.

2. Nalaman mong nagsusugal ang iyong kapitbahay. Alam mong ipinagbabawal sa inyong barangay
ang gawaing ito. Ano ang gagawin mo?

a. Manahimik nalang upang hindi magalit sa akin ang aming kapitbahay.


b. Sumangguni sa aking mga magulang at hikayatin silang ireport ito sa barangay.
c. Pupuntahan ko ang aking kapitbahay at pagsabihan silang bawal ang kanilang ginagawa.
3. May gaganaping Oplan Bayanihan sa inyong lugar. Hinihikayat ang bawat isa sa inyo na
makikilahok sa paglilinis ng kapaligiran. Ano ang gagawin mo?

a. Magpanggap na maysakit at huwag makilahok.


b. Maglalaro ako at hindi makikialam sa gawain dahil bata pa ako.
c. Gawin ang mga bagay na aking makakaya upang makatulong sa nasabing gawain.

4. Narinig mong nagtatalo ang dalawa mong kapitbahay. Ano ang gagawin mo?

a. Awatin ang kapit-bahay.


b. Ipagsasabi ko sa lahat ang nangyari.
c. Pumasok sa loob ng bahay at hayaan sila sa ginagawa nila.

5. Hindi na makakapagpatuloy sa pag-aaral ang isa mong kaklase dahil sa paghihiwalay ng


kanyang mga magulang. Ano ang gagawin mo?

a. Kakausapin ko siya at hihikayating ipagpatuloy pa rin ang pag- aaral.


b. Pabayaan siyang huminto sa pag-aaral dahil hindi ko siya kamag- anak.
c. Ibubully ko siya at ipagsasabi ko sa mga kaklase ko ang nangyari sa kanyang mga magulang.

III. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa bawat pangungusap.

Simili Metapora Personipikasyon Hyperbole

__________1. Ang pag-aalburuto ni tatay sa galit ay tulad ng bulkan na nagbubuga ng lava.

__________2. Puso'y lumulukso sa tuwa, nang bahaghari ay aking makita.

__________3. Ang anak ni Rosemarie ang anghel sa kaniyang buhay.

__________4. Kasing itim ng budhi ang ugali niya.

__________5. Sa tuwing nakikita ko ang aking mga anak ay abot langit ang aking saya.

IV. Panuto: Ang sumusunod na pangungusap ay gumagamit ng tayutay. Tukuyin ang kahulugan
nito. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Pagkatapos ng ilang buwan kong pag-aalaga ng mga pananim kong rosas, sa wakas nakita ko
ring ngumiti ang mga bulaklak nito.

a. Umiiyak ang mga bulaklak.


b. Natuwa ang mga bulaklak.
c. Namukadkad na ang mga bulaklak.

2. Matapos ang malakas na kulog ay gumuhit ng apoy sa kalangitan.


a. Mainit ang langit.
b. Nagkaroon ng pagkidlat.
c. May apoy na iginuhit sa langit.

3. Si Billy ay maamong tupa. Lagi niyang ginagawa ang bilin ng kanyang magulang.
a. Sumusunod sa mga utos.
b. Mapagmahal na bata.
c. Mabait na tupa.

4. Sa bilis ng takbo ng oras, hindi ko namalayang hapon na pala at kailangan ko nang umuwi.

a. Lumilipas ang oras.


b. Nahulog ang orasan.
c. Nakikipaghabulan ang oras.

5. Simula ng magkasakit si Jane ay nasa loob lang siya ng bahay nila kaya naman hinahanap na
siya ng araw.

a. Nagtatago sa dilim.
b. Makikita lang kung gabi.
c. Hindi lumalabas ng bahay.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

JESIECA C. BULAUAN CHICLETTE D. GANGAN


Guro Sabjek Koordineytor

Inirekomenda ni: Inaprubahan ni:

ABIGAIL B. CURUGAN JERIC T. VALDEZ


Elementary Coordinator Punong Guro

Binigyang pansin ni:


NELIA Z-ANGULUAN, PhD
Direktor

You might also like