You are on page 1of 4

STAGE 3: LESSON OUTLINE

DAY LEARNING EVENTS REMARKS


Lesson 1: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas (Internet)
I. Mga Layunin: Pagkatapos ng talakayan, inaasahan kong:
a. Matukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga blog, social
media post, at iba pa;
b. Makagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong
nagpapakita ng ibaa’t ibang sitwasyon ng paggamir ng wika;
c. Maipaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo at pamamaraan ng paggamit ng
wika sa iba’t ibang sitwasyon;
d. Maisabuhay at nasusunod ang etikal na pamantayan sa paggamit ng blog.

II. Learning Processes (Imperative form)

Introduksyon/ Pagbabalik-aral/ Pagganyak

2. Panimula ( 5 minuto)

Pananalangin
1 araw/ Pagbati sa Klase
2 oras Pagtsek ng liban
Pagpapaayos ng upuan
Ilahad sa mga mag-aaral ang mga kasanayang pampagkatuto, layunin at pamantayang pagganap sa
aralin na ito

3. Pagbabalik-aral (5 minuto)
Pagsariwa sa tinalakay noon nakaraang tagpo sa pamamagitan ng isang laro.

4. Pagganyak (5 minuto)
Tatanungin ang mga mag-aaral:
Netizen ka ba?
Iranggo mula 1-5 ang mga serbisyong pang-internet batay sa dalas ng iyong paggamit.
Bumuo ng apat na pangkat sa klase at pag-usapan ang naging pagraranggo ng mga serbisyong pang-Internet.
Magpalitan ng opinyon o kuro-kuro ang kasapi ng bawat pangkat kung bakit maraming kabataan ang
nahuhumaling sa paggamit ng Internet. Pag-usapan din kung ano-ano ang pakinabang nila sa paggamit ng
Internet at mga social networking site.
5. Pagtatalakay (30 minuto)
Pagtalakay at pag-unawa sa Internet at sa Blog
Magtatawag ng pangalan ng mag-aaral upang sagutin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa
Halina ng Internet
 Ano ang internet?
 Saan nagmula ang salitang internet?

Ilalahad sa klase ang tungkol sa blog at ang mga uri nito.


 Fashion blog
 Personal blog
 News blog
 Humor blog
 Photo blog
 Food blog
 Vlog
 Educational blog

6. Pagsasanay (20 minuto)


Hatiin sa tatlong pangkat at maghanap ng isang blogsite na may inspirasyonal na akda tungkol sa mga
positibong pangyayari sa buhay ng isang tao. Ibahagi ito sa klase.

D. Paglalapat ( 40 minuto)
Bubuo ng apat na pangkat sa klase. Mamili ng isang uri ng blog na tinalakay sa klase. Maghanap sa Internet
ng isang blog ayon sa uring napili. Suriing mabuti ang mga nilalaman o entry mula rito. Iminumungkahing
pumili ng mga blog na gumagamit n gating sariling wika. Punan ng sago tang talahanayan.
Uri ng blog
Pangalan ng blog
Pangalan ng May-akda/ May-ari ng blog
Website/ link kung saan makikita
Nilalaman
Tungkol saan ang blog?
Ano-ano ang paksa ng post nito?
Lumabag ba sa etikal na pamantayan ang
mga blog entry nito? Ipaliwanag ang sagot.
Paggamit ng wika
Ano ang wikang ginamit?
Madali bang maunawaan ng mga netizen
ang mga salita o pahayag na ginamit?

Ilarawan ang anyo at paraan ng pagbuo ng


salita, ekspresyon o pangungusap sa mga
blog entry.
Sariling opinyon
Nagustuhan mob a ang nilalaman ng blog?
Ipaliwanag ang sagot.

Makatutulong bas a inyo ang mga


impormasyong naka-post sa blog?
Kapugay-pugay (4) Mahusay (3) Umuunlad (2) Nagsisimula (1)

Nilalaman Kapugay-pugay Mahusay ang blog Kakikitaan ng Di-masyadong


ang blog sapagkat sapagkat naipakita nilalamang klaro ang blog sa
naglalaman ng ang mensaheng mensahe ang blog prinesenta.
pinakatumpak na nais ilahad na ginawa
mensahe
Pagkamakatotohan Napakamakatotoh Makatotohanan May Di naging
an anan ng blog na ang blog na pagkamakatotohan makatotohanan
isinagawa isinagawa an ang blog pero ang blog na
may maiuunlad pa isinagawa
Pagkamalikhain Napakamalikhain Malikhain ang blog Kakikitaan ng Di naging malikhain
ng blog na nahanap na nahanap pagkamalikhain ang blog na
ang blog na nahanap
nahanap

7. Evaluation ( 15 minuto)
Sagutin sa tig-tatalong pangunugsap ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa isang kalahating papel.
Sumasang-ayon ka bang malaganap na ang paggamit ng Internet sa buong mundo? Bigyan-katwiran ang
sagot.
Malaki ba ang naitutulong ng Internet at mga social networking site sa pagpapaunlad ng edukasyon sa
kasalukuyan? Sa anong paraan?
Paano nakatutulong ang Facebook sa pagkatuto at pag-aaral ng kabataang Pilipino?
Ano ang panganib na maaaring idulot ng paggamit ng mga social networking site?

Prepared: Checked: Approved:

MR. JC ROBERT L. QUIMNO MISS LHEAZLIE PILONGO MR. CRISTOPHER NORONIO


Subject Teacher Filipino Department - Academic Assistant Principal

You might also like