You are on page 1of 3

FILIPINO 4

FEBRUARY 13, 2023

I. Layunin:
A. Nakapagbibigay ng hakbang sa isang gawain; F4PS-IIIa-8.6
B. Natutukoy ang tekstong prosidyural; at
C. Natutukoy ang apat na pangunahing bahagi ng tekstong prosidyural

II. Paksang-aralin:
A. Paksa: Tekstong Prosidyural
B. Sanggunian: Filipino 4, pahina 100-109
C. Kagamitan: TV, Powerpoint presentation
D. Integrasyon: ESP. P.E

III. Pamaraan:
A. Paniulang Gawain:
1. Balik-Aral
Ano ang pang-abay?
Ano-ano ang mga uri ng pang-abay?

2. Pagganyak
Laro: Jumbled Letters
Panuto: Hulaan ang mga ibinigay na salita sa pamamagitan ng pagbuo ng mga
ginulong letra ng salita.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Magbigay ng mga paborito ninyong pagkain o laro.
Paano ito niluluto o inihahanda?
Paano ito nilalaro?

2. Pagtatalakay
Ipanuod ang video lesson: https://www.youtube.com/watch?v=PsLhc56fLsI
Mga tanong:
Ano ang tekstong prosidyural?
Ano-ano ang mga bahagi ng tektong prosidyural?
Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng tekstong prosidyural?
Bakit mahalaga na malaman natin kung paano isinasagawa ang isang bagay o
gawain?

3. Pagsasanay
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa tamang hakbang ng
pagkakasund-sunod nito.

4. Paglalahat:
Ano ang tekstong prosidyural?
Ano-ano ang mga bahagi ng tektong prosidyural?
5. Paglalapat
Pangkatang Gawain: Gawin ang nasa Filipino 4, pahina 109

IV. Pagtataya:
Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng tekstong prosidyural ang isinasaad sa ibaba.
Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

A. LAYUNIN B. PAMAGAT C. MGA KAGAMITAN

D.EBALWASYON E. HAKBANG

_____1. Ang serye o pagkakasunod sunod ng prosidyur.


_____2. Ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain.
_____3. Mga kagamitan dapat gamitin para maisakatuparan ang gawain.
_____4. Magbibigay ng ediya sa mga mambabasa kung anong bagay ang gagawin o
isasakatuparan.
_____5. Nagbibigay ng gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila
maisasakatuparan ng mabuti ang isang prosidyur.

V. Takdang Aralin:
Magsaliksik sa internet ng prosidyur ng paghahanda ng paborito mong pagkain.

You might also like