You are on page 1of 3

LAYUNIN:

 Nakakapagsimula ng bagong Discussion Thread o nakakabuo ng sariling


Discussion Group;
 Napahahalagahan ang responsableng paggamit ng internet.

PAKSANG ARALIN:
Discussion Thread o nakakabuo ng sariling Discussion Group
Sanggunian: EPP Module5 K to 12 TG – EPP5IE-0g-19
https://www.youtube.com/watch?v=f2tOzPrd2Mk
https://www.youtube.com/watch?v=xJkrdaoq3-w
https://school.quipper.com
https://www.google.com.ph
Teacher Guide ICT Aralin 5
Learners Manual ICT Aralin 5
KAGAMITAN:
cell phone, computer, internet access, LCD projector, larawan

MGA PROSESO NG PAGKATUTO

A. Pagbati

Magandang umaga mga bata. Kumusta ang araw ninyo?


Bago tayo magsimula umupo muna ng maayos.

B. Panimulang Gawain

Balik-aral
Gamit ang isang multimedia presentation, ipapanuod sa mga mag aaral ang
isang maikling bidyo na tumatalakay sa pag gamit ng Google Group sa
paglikha ng isang Discussion Tread o Discussion Group.

Pagganyak

Magpakita ng ibat ibang larawan ng website


group chat.

C. Paglalahad

Gawain A: Pagpapakita ng mga websites group chat


 Pagpapakita ng Facebook Group
 Pagpapakita ng Yahoo Group o Yahoo Messenger
 Pagpapakita ng Google Group
 Pagpapakita ng We Chat

Ipasagot ang sumusunod na panggabay na tanong:


 Anu-ano uri ng website ang ipinakita sa larawan.
 Sa anong paraan tayo makakalikha ng discussion group sa ganitong
website.

D. Pagtatalakayan

Ano ang discussion group?


Ano-ano ang mga paraan ng paggawa ng discussion thread o discussion group
gamit ang internet?
Paano gumawa ng discussion thread o discussion group gamit ang Facebook?
Paano gumawa ng discussion thread o discussion group gamit ang Google?

E. Pagpapalalim ng Kaalaman

1. Pangkatin ang mga mag-aaral na binubuo ng anim na myembro para sa hands


on sa computer.
2. Gabayan ang mag-aaral sa sa pagsasagawa ng mga sumusunod na gawain:

Gawain B: Paggawa ng Discussion Thread o Discussion Group sa


Facebook
Gawain C: Paggawa ng Discussion Thread o Discussion Group sa
Google Group

F. Paglalapat

Ano ang ibig sabihin ng responsableng paggamit ng internet?

G. Paglalahat

Ibigay ang mga hakbang sa pagsisimula ng bagong discussion thread o discussion


group gamit ang Facebook at Google.

PAGTATAYA NG ARALIN:

I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang impormal na pagtitipon online ng mga indibidwal upang


magpalitan ng impormasyon hinggil sa maraming bagay.
A. Discussion Board C. Discussion Group
B. Discussion Class D. Online Chat
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maaaring gamitin sa paggawa ng
discussion thread o discussion group?
A. Facebook C. Internet
B. Google D. Yahoo
3. Ano ang maaaring pag-usapan sa mga discussion thread o sa discussion
group?
A. Buhay ng kapitbahay C. Mga problema sa buhay
B. Makabuluhang bagay D. Mga tsismis tungkol sa artista

II. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

4. Ano ang kaibahan ng Closed at Secret sa privacy setting sa facebook?


5. Bakit kailangan ng verification code? Ipaliwanag.

TAKDANG ARALIN:

Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan? Tsekan ang hanay


ng thumbs up icon kung taglay mo na o thumbs down icon kung hindi pa.

Kaalaman/Kasanayan

1. Naipaliliwanag ang kung ano ang discussion group.

2. Nakapagsisimula ng bagong thread o discussion


group.
3. Naipakikita ang responsableng paggamit ng
internet.

You might also like