You are on page 1of 2

PAP W-8

ARALIN 8
TEKSTONG PROSIDYURAL: ALAMIN ANG MGA HAKBANG

Balik-Aral
SUNDIN NATIN
Mag-isip ng isang gawain na nagsasaad ng mga hakbang, mas maigi ang pagluluto at iba pa. Isulat ang sagot
gamit ang graphic organizer sa ibaba.

PARAAN NG PAGLUTO NG ADOBONG BABOY


1. Paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel, paminta at toyo sa kaldero at imarinate ng 30
minuto.
2. Ilagay ang kawali sa kalan na may mahinang apoy sa loob ng 40 minuto o hanggang lumambot ang karne.
Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
3. Ilagay ang suka at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.
4. Maglagay ng asin at asukal ng naaayon sa iyong panlasa.
5. Hanguin ang karne at isantabi muna ang sabaw o sauce.
6. Sa kawali, iprito ang karne hanggang magkulay brown.
7. Ibalik ang karne sa sabaw o sauce at pakuluan ng kahit 1 minuto.
8. Ilagay sa lalagyan ang Adobong Baboy at ihanda ito sa hapag kainan.

Panimulang pagtataya
Isulat ang T kung wasto ang kaisipan ng sumusunod na pahayag at M kung hindi. Kung M ang sagot,
ipaliwanag sa patlang sa ibaba kung bakit hindi wasto ang pahayag.

1. T
2. M- dahil prosidyural ang nagbibigay ng impormasyon kung paano isagawa ang isang bagay o gawain.
3. T
4. M- dahil tekstong impormatibo ang kailangang may malawak na bokabularyo ng mambabasa sa
komprehensiyon.
5. T

Gawaing Pang-unawa
Basahin ang seleksyon hinggil sa “Paano Gumawa ng Blog” at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Nauunawaan ba ang mga prosidyur na binanggit sa seleksyon? Ipaliwanag.


 Oo, dahil ipinaliwanag ng naka detalye ang seleksyon at madaling maintindihan ng mga mambabasa.
2. Sa tingin mo ba ay makatutulong sa iyo ang binasang tekstong prosidyural? Palawakin ang sagot.
 Oo, sa tingin ko ay nakatutulong ang binasang tekstong prosidyural dahil ito'y nagbibigay ng
panuntunan sa pagsasagawa ng isang bagay. Ito ay nagiging basehan ng mga susunod pang
panuntunan sa paggawa. Nagsisilbi din itong gabay sa pagresolba ng problema sakaling may
makaharap habang ginagawa ang isang gawain at pinagkukuhanan ito ng impormasyon upang
makumpleto ang anumang kinakailangan para maisakatuparan ang isang gawain.
3. Ano-ano sa tingin mo ang mga katangian ng isang mahusay na blogger? 
 Ang katangian ng isang mahusay na blogger ay dapat magaling kang mag isip ng makabuluhang
pagsusulat na madaling maintindihan ng mga makakabasa ng iyong blog. Dapat meron ka ring
pasensya sa pagsusulat at malawak ang iyong pag-iisip sa kung anumang bagay na pwedeng maisulat.
4. Ano sa tingin mo ang benipisyo ng paggawa ng isang blog? 
 Ang benipisyo ng paggawa ng isang blog ay pwede mo itong pagkakitaan at pagkuhaan ng pera. Sa
paggawa mo ng isang blog ay maaari ka ring maging inspirasyon ng iba sa pamamagitan ng iyong
mga nai-blog. Ang isa pang benipisyo nito ay marami ring matututunan ang iyong mambabasa sa mga
blog na iyong nagawa.

5. Mag-isip ng isang tema at pamagat ng blog at pangatuwiranan kung bakit ito ang piniling pamagat.
 Ang isang tema at pamagat ng blog na aking naisip ay ang "Ang karahasang naidulot ng COVID-19".
Ito ang pinili kong pamagat sapagkat ito ang isyu na tinatalakay at hinaharap ng ating bansa ngayon.
Marami rin ang interesado sa blog na ito dahil sa mga nangyayari ngayon sa mundo.

Gawaing Pantahanan MAGBASA KA!


Basahin ang teksto at sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Maging prosidyural sa pagsagot.

GAWAING BAHAY:
Batay sa binasang seleksyon tungkol sa paggamit ng social media, tasahin mo ang sariling paggamit ng mga
social networking site gaya ng facebook at iba pa. Ilista ang mga ginagawa mong pamamaraan kung paanong
pinapanatiling ligtas ang paggamit mo nito.

1. Ang pagiging maingat sa mga shinishare na article o memes


2. Ang pagbabasa muna ng maigi sa isang article bago magbigay ng komento
3. Wag isapubliko ang mga bagay na bawal at dapat pang pribado lamang
4. Ang pag-iingat sa pagshi-share ng mga detalye tungkol sayo 
5. Wag basta magtitiwala sa mga nakakausap sa social media

You might also like