You are on page 1of 16

ARALIN 10

PAG -
DOWLOAD NG
MGA
IMPORMASYON
NAKALAP
Alam mo ba kung ano ang dapat gawin sa
mga impormasyong iyong nasaliksik at
kinuha sa Internet upang ito ay higit na
mapakinabangan?

Kailangan mo itong itago nang maayos


upang muling maging sanggunian sa oras
na kailangan. Paano mo ito gagawin?
Kakailanganin mong gumamit ng computer
file system
Ang computer file system ay ginagamit
upang itago at muling buksan ang files o
data sa kompyuter. Kung walang file
system magiging napakahirap sa iyo ang
paghahanap ng mga files na iyong
ginawa. Sa oras na malagyan ng pangalan
o title ang anumang dokumento, litrato, o
video ito ay maituturing na file.
Ang salitang file ay pangkalahatang
terminong ginagamit sa mga dokumento,
litrato, o video na nasa kompyuter. Ang
file folder naman ay bahagi ng files na
naglalaman ng magkakasama at
magkakaugnay na files sa iyong
kompyuter.
Web Browser at Search Engine

Ang Internet katulad ng mga nabanggit


sa naunang aralin ay maaaring
pagkuhanan ng maraming impormasyong
iyong kakailanganin. Sa pagsisimula ng
iyong pananaliksik ay gagamitin mo ang
web browser.
Ang browser ay isang software na ginagamit upang
gumana ang Internet. Sa pamamagitan ng browser,
maaari kang bumisita sa iba't ibang websites at mag-
log-in sa iyong mga account. Maaari ka ring
magpadala at makatanggap ng email at iba pa. Ang
ilan sa mga sikat at madalas gamiting browser ay
ang Internet Explorer, Google Chrome, Mozilla
Firefox, Safari, at Opera.
Upang gamitin ito, i-type lamang sa search
box ang salitang gustong hanapin at pindutin
ang Enter. Lalabas sa screen ang SERPS na
nagtataglay ng napakaraming impormasyon
kaugnay ng iyong hinahanap
Paggamit ng Websites
Ang website o world wide web (www) ay isang set ng
magkakaugnay na web pages na may isang web domain. Gumagana
ang www sa pamamagitan ng Internet.

Ang website ay nahahati sa dalawang kategorya ang static at


interactive. Ang interactive sites ay bahagi ng komunidad ng web 2.0
sites.
Ang bahaging ito ang nagbibigay ng pagkakataon para sa ugnayan ng
may-ari ng site at ng isang bibisita rito. Samantala ang static sites ang
siyang kumukuha ng mga kinakailangang impormasyon subalit hindi
nito pinapayagan ang pakikipag-ugnayan sa mga bumibisita. Maraming
web sites ang informational at ginagamit para sa personal na
entertainment. May websites din na naglalayon na makalikom ng pera at
ginagamit sa pagnenegosyo tulad ng:
a. Pagpopost ng mga bagay na maaaring ibenta online o kaya naman
ay pag-a-advertise ng mga produkto o serbisyo sa pamamagitan ng
advertising networks.

b. E-commerce ang produkto o serbisyo ay direktang binibili at


ipinagbibili sa pamamagitan ng websites.

c.Pag-a-advertise ng mga produkto o serbisyo na maaaring direktang


makuha online
Pagda-download sa Kompyuter

May iba't ibang uri ng files na maaaring i-download mula


sa web documents, pictures, videos, apps, at toolbars para
sa iyong browser. Kapag pinindot ang isang file o link na
gustong i-download, mayroong listahang lalabas na
maaaring pagpilian.
Narito ang mga paraan ng pagdadownload ng
nakalap na impormasyon sa kompyuter.

a. Buksan ang file na gustong makita. Basahin,


unawain, at analisahin kung ito ang kinakailangang
impormasyon. Hindi agad ito kailangang i-save sa
sariling kompyuter.
b. Basahing mabuti. Kung nakatitiyak na ito na ang kailangan at
mahalaga sa iyong pagsasaliksik, i-save ito sa default download
location.

c.I-save gamit ang ibang file name, i-type o i-download sa iyong


personal na kompyuter.

d. Kung kailangan ang mga larawan, i-copy at i-paste sa iyong


document. Huwag kalimutang i-klik ang save button.

You might also like