You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Pre Test

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot

1. Sa pag-aalikabok, simulan sa mataas na bahagi ng mga kasangkapan,


__________.
a. pataas b. dahan-dahan c. pababa

2. Ang pagwawalis ng sahig ay ginagawa nang _____ upang hindi lumipad ang
alikabok.
a. pababa b. dahan-dahan c. sulok
3. Ang sahig ay ___________ upang kumintab.
a. binubunot b. winawalis c. dahan-dahan
4. Ang mga kasangkapan ay madaling maalikabukan, kailangang punasan ang mga
ito ng _____________
a. tuyong basahan b. dahan-dahan c. pababa

5. Ang pagwawalis sa sahig ay sinisimulan sa mga ________ patungo sa gitna.


a. itaas b. sulok c. labas

II. Isulat ang bilang isa (1) hanggang lima (5) sa patlang ng mga hakbang sa paglilinis
ng tahanan.

__________Walisan ang mga gilid gilid papunta sa gitna.

__________Isunod ang dingding at larawang nakakwadrado.

__________Ilabas ang naipong dumi at ilagay sa basurahan sa labas ng bahay.

__________Mag umpisa sa kisame.

__________Walisan ang ilalim ng kabinet, mesa at mga upuan. Ipunin ang dumi sa
sahig.

Lesson Exemplar in EPP 4 – HOME ECONOMICS

Buwan: ______________ Petsa: _______________


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Bilang ng araw: 5

Aralin 14: Wastong Paglilinis ng Tahanan

I. LAYUNIN:

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa wastong
paglilinis ng bahay

B. Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang wastong paglilinis ng bahay

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:


Nagagamit ang wastong kagamitan sa paglilinis ng bahay
Naisasagawa ang wastong paglilinis ng bahay
EPP4HE-0f-9

Pagpapahahalga: Pagkamasinop at malinis sa bahay

II. NILALAMAN:
Aralin 14 Wastong Paglilinis ng Tahanan
EPP4HE-0f-9

III. KAGAMITANG PANTURO

B. Sanggunian:

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro: TG pp100-102


2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral: KM pp. 280-284
3. Mga pahina sa Teksbuk:
4. Compedium of Notes: pp.4-5

C. Iba pang Kagamitang Panturo:


Powerpoint presentation, mga larawan, aktuwal na kagamitan

IV. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin:


Tukuyin ang mga nasa larawan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Source:https://ph.lovepik.com.Png

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Sinasalamin ng malinis na tahanan ang isang masaya at nagkakasundo na


kasapi ng pamilya. Mula sa magulang hanggang sa nakababatang kapatid ay
dapat tulong-tulong sa pagganap ng tungkulin sa pagpapanatili nang masinop
at malinis na tahanan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Pagpapakita ng mga larawan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Mesa
upuan palamuti

Ang sumusunod ay ilan sa mga paglalarawan ng malinis na tahanan:

1. Maayos ang paglkakalagay ng mga kagamitan sa loob ng tahanan

2. Makintab at walang alikabok ang sahig, pati mga kagamitan tulad ng


mesa, mga upuan at palamuti.

3. Maaliwalas.

4. Mabango ang pakiramdam

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Kasapi ka ng mag-anak at may tungkulin kang ginagampanan upang

mapanatiling malinis at maayos ito.

Wastong Pamamaraan ng Paglilinis ng bahay


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
1.PAGWAWALIS
Gumamit ng walis-tambo sa pagwawalis ng sahig. Dahan-dahan ang

Pagwawalis upang hindi lumipad ang alikabok. Simulan sa mga sulok at tabi
ng mga silid patungong gitna ang pagwawalis. Gumamit ng pandakoy at
dakuten agad ang naipong dumi.

2. PAG-AALIS NG ALIKABOK- Ang mga kasangkapang ay madaling


maalikabukan. Kailangang punasan ang mga ito araw-araw. Ang lumamg
damit o lumang kamiseta ay mainam gamitin kung malambot at hindi nag-
iiwan ng himulmol. Sa pag-aalikabok, simulant sa mataas na bahagi ng mga
kasangkapan, pababa. Ang mga dekorasyon at palamuti ay kailangang
punasan din.

3. PAGLALAMPASO-NG SAHIG. Ang paglalampaso ng sahig na gamit


ang mop ay ginagawa pagkatapos walisan ang sahig. Basain at pigain ang
mophead. Ilampaso ito sa sahig sa pagitan ng muwebles, sa sulok at ilamim
ng mesa at cabinet. Kapag marumi na ang mophead, banlawan sa isang timba
na katamtaman ang dami ng tubig o itapat ito sa gripo at yugyugin hanggang
sa maalis ang dumi. Pigain at gamiting muli.

4. PAGBUBUNOT- Binubunot ang sahig upang kumintab. Punasan muna


ang sahig bago lagyan ng floorwax. Gawing manipis at pantay-pantay ang
paglalagay. Patuyuin muna ito bago bunutin. Punasan ng tuyong basahan
upang lalong kumintab

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


#2

Mga Hakbang sa Paglilinis sa Loob ng Tahanan

1. Magumpisa sa kisame

2. Isunod ang mga dingding at larawan nakakwadrado

3. Walisan ang ilalim ng cabinet, mesa at mga upuan. Ipuninang dumi sa


sahig.

4. Walisan ang mga gilid gilid papunta sa gitna.

5. Ilabas ang mga naipong dumi at ilagay sa basurahan sa labas ng bahay.

6. Ihuli ang pagmamap ng sahig. Pagkatapos lagyan ng floorwax.

7. Punasan ang mga mesa,upuan, bintana at iba pang gamit pagkatapos ng


pagwawalis at pagbubunot.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

F. Paglinang sa Kabihasaan
Pasagutan sa bawat pangkat:
Gamit ang nakahandang tsart. Ipasulat sa metacards ang sagot sa
sumusunod na tanong:
Anong mga gawaing paglilinis ang ginagawa araw-araw? Lingguhan?
Paminsan-minsan?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ang tulong-tulong na paggawa ng mag anak ay kailangan upang maging
malinis at maayos ang tahanan.

H. Paglalahat ng Arallin
Ang pagsunod sa wastong parran ng paglilinis ng tahanan ay may malaking
maitutulong upang makatipid ng oras,salapi at lakas..

I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Piliin ang wastong karugtong ng pangungusap sa loob ng kahon:
tuyong basahan sulok
dahan-dahan pababa
timba binubunot

1. Ang mga kasangkapan ay madaling maalikabukan. Kailangang


punasan ng _____________araw-araw.

2. Ang sahig ay ________________ upang kumintab.

3. Ang pagwawalis ng sahig ay ginagawa ng __________


upang hindi lumipad ang alikabok.

4. Sa pag aalikabok, simulant sa mataas na bahagi ng mga kasangkapan


_______________.

5. Ang pagwawalis sa sahig ay sinisimulan sa mga ____ patungo sa gitna.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Itala ang limang mga Gawain ng paglilinis sa inyong tahanan at
ibahagi ito sa klase.

Rubrik sa Paglalahad

Pamantayan Puntos
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
5 4 3 2 1
1. May kabuluhan ang inilahad at pagkakaugnay ng detalye,
organisado.
2. Malinaw ang layunin, nasa pokus
3. Gumamit ng payak at angkop na mga salita at lubos na
naunawaan.
4. Wasto ang gamit sa malalaking titik (Kung saan kailangan)
gayundin ang mga bantas, baybay ng mga salita, at iba pang
mekaniks sa pagsulat
Kabuuang Puntos

Pagpapakahulugan:
20-25 = Napakahusay
10-15 = Mahusay
5-9   = Mahusay-husay
1-4     = Kailangan pang Magsanay

V. Mga Tala

VI. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya


Kabuuang Bilang: _____ Nakakuha:______

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa


remediation
Kabuuang Bilang: _____ Hindi Nakakuha: _____

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa


aralin
_________________________________________________________
_________________

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation


Kabuuang Bilang: ______ Nakakuha:______

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito


nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking


punungguro at superbisor?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi


sa mga kapwa ko guro?
_________________________________________________________
_______________

Inihanda ni:

PRECILLA G. CAISIP
Master Teacher I
Sta Cruz Elementary School
Concepcion East District

Pre Test

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot

1. Sa pag-aalikabok, simulan sa mataas na bahagi ng mga kasangkapan,


__________.
a. pataas b. dahan-dahan c. pababa

2. Ang pagwawalis ng sahig ay ginagawa nang _____ upang hindi lumipad ang
alikabok.
a. pababa b. dahan-dahan c. sulok
3. Ang sahig ay ___________ upang kumintab.
a. binubunot b. winawalis c. dahan-dahan
4. Ang mga kasangkapan ay madaling maalikabukan, kailangang punasan ang mga
ito ng _____________
a. tuyong basahan b. dahan-dahan c. pababa

5. Ang pagwawalis sa sahig ay sinisimulan sa mga ________ patungo sa gitna.


a. itaas b. sulok c. labas

II. Isulat ang bilang isa (1) hanggang lima (5) sa patlang ng mga hakbang sa paglilinis
ng tahanan.

__________Walisan ang mga gilid gilid papunta sa gitna.


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

__________Isunod ang dingding at larawang nakakwadrado.

__________Ilabas ang naipong dumi at ilagay sa basurahan sa labas ng bahay.

__________Mag umpisa sa kisame.

__________Walisan ang ilalim ng kabinet, mesa at mga upuan. Ipunin ang dumi sa
sahig.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Post Test

. Panuto: Isulat ang T kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at M naman kung
hindi wasto.

______1. Dahan-dahan ang pagwawalis upang hindi lumipad ang alikabok.

______2. Kailangan punasan araw-araw ang mga kasangkapan.

______3. Winawalis ang sahig upang kumintab.

______4. Gumamit ng plastic at dakuten agad ang naipong dumi

______5. Ang paglalampaso ng sahig gamit ang mop ay ginagawa pagkatapos


walisan ang sahig.

______6. Ang pagwawalis ay sinisimulan sa sulok patungong gitna.

______7. Sa pag- aalikabok simulant sa ibaba na bahgi ng mga kasangkapan paitaas

______8. Sinasalamin ng malinis na tahanan ang isang masayang pamilya.

______9. Ang paglilinis ng bahay ay karaniwang ginagawa araw-araw.

______10. Ang pagsunod sa wastong paraan ng paglilinis ng tahananay malaking


maitutulong upang makatipid ng oras.

You might also like