You are on page 1of 14

School Grade FOUR

Teacher Rechelle P. capuno Subject EPP-Home Economics


Date Quarter
Time Number of Days 1 day

Learning Areas EPP-Home Economics


Learning Delivery Modality MODULAR

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipapamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa tamang pag sasaayos ng tahanan sa pagbuo ng
Pangnilalaman mga kapakipakinabang na gawaing pangtahanan at ang maitutulong nito sa sarili at sa tahanan.
B. Pamantayan Naisasagawa nang may kasanayan sa mga gawaing pantahanan na makakatulong sa pag aalaga ng sariling tahanan.
sa pagganap

C. Most Essential Naisasagawa ang wastong paghihiwalay ng basura sa bahay.


Learning EPP4HE-0g-10
Competencies
(MELC)
D. Enabling Naipapamalas ang kakayahan sa mga gawing pantahanan.
Competencies
II. Nilalaman Wastong paghihiwalay ng basura sa bahay.
III. KAGAMITANG Power Point
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang
Pang- Mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang Self – Learning Activity Sheet
Kagamitan mula Answer Sheet
sa portal ng
Learning
Resource
B. Iba pang
Kagamitang
Panturo
IV.
PAMAMARAAN
A.Introduction
(Panimula) Magandang araw mga bata!
Welcome sa ating talakayan sa EPP Home Economics ngayong linggong ito kayo ay inaasahang matukoy at
matutunan ang wastong paghihiwalng ng basura sa loob ng inyong mga tahanan, pero bago ang lahat ihanda nyo ang
inyong mga learners packet para sa pagsasagot ng mga Gawain sa Pagkatuto,, Handa na ba kayo? Kung handa na
halina’t making sa panibagong kaalaman na ituturo ko sa inyo.

Inaasahang matutunan sa hapong ito ay ang mga sumusunod:


1. Natutukoy ang mga basurangnabubulok, di nabubulok at nareresiklo.
2. Naisasagawa ang wastong pagtatapon at pahihiwalay ng basura
3. Naisasabi ang kahalagahan ng wastong pagtataon ng basura.

Ang RA 9003 ay nagsasaad ng mga alintuntunin sa wastong pamamahala ng basura, pagpapalaganap ng kaalaman
sa wastong paggamit ng likas-yaman at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pakikiisa ng bawat mamamayan
upang mabawasan ang basurang agad lamang tinatapon. Layunin din nito na maipaliwanag ang benepisyo ng pagkakaroon
ng pasilidad sa bawat lugar na maaring pag imbakan ng balik-materyales o lugar para i-proseso ang mga ito.
PAGBABALIK GUNITA
Gawain 1
Suriin at tingnan ang mga sumusunod na larawan. Itala kung anong katawagan sa mga uri ng BUTONES na ipinakikita ng
bawat larawan.

_______________________ _________________ ____________

(1 minuto ang agwat ng oras na itinakda ng guro para makapagsagot ang mga mag-aaral sa bahaging ito)
(Gawain 2)

A.Pagsunod sunurin ang mga hakbang sa Pagkakabit ng Two-Hole Button sa pamamagitan ng paglalagay ng numeron na 1-4
at paglalagay ng larawan sa tapat nito.

______Itusok ang karayom sa likuran ng tela at ilabas ito sa butas ng butones. Itusok uli ng paibaba katapat ng butas.

______Kumuha ng tela na may 3x3” ang sukat na pagkakabitan ng butones at lagyan ito ng marka. Kunin ang karayom at doblehin
ang sinulid na ipinasok. Ang haba ng sinulid mula sa dulo ng daliri ng kamay hanggang siko lamang at gupitin ito. 6 Lagyan ng buhol
ang dulo. Iikot ang dulong bahagi ng sinulid sa dulo ng karayom ng tatlong beses at hilahin pababa

______Pagkatapos, alisin ang aspile sa ibabaw ng butones. Paikutin ng dalawang beses sa ilalim ng butones ang sinulid at ibuhol
ito.

_______Lagyan ng aspile sa ilalim ng sinulid na nasa ibabaw ng butones upang hindi gaanong mahigpit. Ulit-ulitin ng

limang beses angpagtatahi sa mga butas ng butones

(3 minuto ang agwat ng oras na itinakda ng guro para makapagsagot ang mga mag-aaral sa bahaging ito)

Kung nakuha ninyo ang mga tamang sagot sa ating pagbabalik gunita, maari na tayong magsimula sa bagong
aralin
- At para naman sa iba na hindi nakakuha ng tamang sagot sa lahat, wag kayong mag-alala dahil ngayon mas
magkakaroon pa kayo ng karagdagang kaalaman tungkol sa ating bagong paksang aralin.

PAGGANYAK
Gawain 3
Alam mo ba na ang pag reresikla at tamang pag tatapon ng basura ay resposibilad ng bawat isa?
Tingnan ang larawan dahil ito ay may koneksyon sa ating aralin.

Tanong:
1. Ano ang pinahahayg ng larawan?
2. Sino sino ang mga taong tinutukoy sa pahayag na nasa larawan?
3. Ano ang kahalagahan ng pagkakabatid naten n gating tungkulin ukol sa basura?

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin nais kong ipakita sa inyo ang iba’t-ibang larawan ng mga gawang sining ng ating
kapwa Pilipino na may paksang Recycling at Basura. Tingnan ang Self Learning Activity Sheet No. 4
B. Developmental
(Pagpapaunlad)

(Gawain 4)

PAGHAHAWAN NG BALAKID
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon upang masugatan ang hinihingi ng bawat bilang.

Reuse Reduce Recycle Basura 3R’s


Nabubulok Hindi nabubulok Community Service
Compost pit Fertilizer Plastic Basurahan

_______1. Ito ay anumang uri ng bagay na maaaring hindi na kakaianganin at hindi na nararapat gamitin.
_______2. Ito ay uri ng basura na sa Ingles ay biodegradable, ito ay mga uri ng basura na nilalagay sa compost
pit at gingawang fertilizer.
_______3. Ang uri ng basura na sa Ingles ay non-biodegradale, nahahati ito sa tatlong klase ang Recyclable,
residual at special waste.
_______4. Ito ay isang hukay sa lupa kung saan itinatambak o inilalagay ang mga nabubulok na bagay.
_______5. Ito ay tumutukoy sa mga lumang gamit o basura na ginagawang bagong bagay na talaga naming
kapakipakinabang lalo na’t kung pwedeng pagkaperahan.
_______6. Ito ay tumutukoy sa paggamit muli sa ibang paraan ng mga bagay na itinuturing na basura na.
_______7. Ito ay pamamaraan ng pagbabawas ng mga bagay na pang isang gamit lang.
_______8. Ito ay pataba sa luba para sa mga pananim, maaring ito ay natural o gawang kemikal. Isa ang basurang
di nabu ulok sa mga sangkap na maaring gawin ang bagay na ito.
_______9. Ito ay binubuo ng Reuse, Reduce at Recycle na kinakailangang gawin ng lahat upang mapangalagaan
ang kalikasan.
_______10. Ito ay tapunan o lagayan ng mga basura at mga bagay na hindi na gagamitin pa.
_______11. Ito ay isang material na binubuo ng iba’t ibang mga sintetiko o semi-sentitikong mga organiko na
malalambot at maaring kortehin sa ibat ibang mga hugis.
_______12. Ito ay isang kawang gawa o trabaho na hindi kinakailangang bayaran na isinasagawa para sa
ikabubuti ng komunidad.

(5 minuto ang agwat ng oras na itinakda ng guro para makapagsagot ang mga mag-aaral sa bahaging ito)

Mga Uri ng Basura

Basura – ito ay anumang uri ng bagay na maaaring hindi na kakailanganin at hindi na nararapat gamitin.
BIODEGRADABLE o NABUBULOK – mga uri ng basura na nabubulok.
Ito ay ginagamit bilang fertilizer o pataba s lupa. Ang ilan sa mga halimbawa ng nabubulok na mga bagay ay ang
mga DAHON, BALAT NG PRUTAS,GULAY,TINIK NG ISDA ,TIRA-TIRANG PAGKAIN ,BALAT NG ITLOG AT DUMI
NG HAYUP.
NON-BIODEGRADABLE O DI- NABUBULOK – mga uri ng basura na mahirap matunaw o
madurog gaya ng DIAPERS, GOMA, GULONG, STYROPOR, MGA BAGAY NA BABASAGIN O SERAMIKS.

RECYCLABLE o NERERESEKLO – mga materyales na maaari pang gawing kapaki-pakinabang


na kagamitan upang magmukhang bago at orihinal HALIMBAWA: BOTELYANG PLASTIK, PAPEL, KARTON,
DYARYO, DAMIT, LATA, PLASTIK NA LALAGYAN, PABALAT NG KENDI AT SITSIRYA.

WASTONG PAGHIHIWALAY NG BASURA SA BAHAY


Mahalangang magkaroon tayo ng tamang sistema sa pagtatapon ng ating mga basura.
Dapat to ay nagsisimula sa ating mga tahanan. paghihiwalayin ang basurang NABUBULOK, DI-NABUBULOK AT
RECYCLABLE

Paano natin babawasan ang gating basura?


Ang solid waste management ay may programa para sa tamang paraan ng pagtatapon at pagiimbak ng mga
basura at mga gamit na hinde na pakikinabangan
Ang 3rs (reduce,reuse ang recycle)
Reduce –ang pagbawas sa dami ng basura sa sistematikong paraan ,pahalagahan ang gamit iwasan bumili ng
hinde kailangan ay pagkunsumo ng mga bagay na nakapagparami ng basura sa kapaligiran .
Reuse –paghahanap ng ibang paraan kung paano ang isang patapong bagay ay maaaring magamit muli at
mapakinabangan
Recycle-maging malikhain maaring gamitin, gumawa at bumili ng mga recycled na bagay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Suriin ang mga larawan sa ibaba at tukuyin kung anong uri ng basura ito sa
pamamagitan ng paglagay sa harap ng bawat larawan ng Nabubulok, Di-nabubulok at Nareresikla.
C. Engagement Pagsasanay
(Pakikipagpaliha
n

Gawain 5:
Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng isang lugar sa inyong bahay kung saan maari kang maglagay ng Basurahan na
may wastong at akmang Lalagyan ayon sa mga uri ng Basura.

Gawain 6

Sa tulong ng inyong mga magulang humanap ng isang bagay sa inyong tahanan na maari mong iresikla, gumawa
ng bagong anyo o bagay mula rito at kuhanan ng litrato kasama ka at ang niresiklang bagay na iyong ginawa.
Ipasa ito sa messenger sa Group Chat ng iyong klase.

(5 minuto ang agwat ng oras na itinakda ng guro para makapagsagot ang mga mag-aaral sa bahaging ito)

PAGPAPAHALAGA
“Basura ang Dahilan
ni I. M. Gonzales”
Paligid ay kanais-nais
Kapag ito ay malinis
Kaya kumuha ka ng walis
Upang basura ay maalis.
Tahanan at paaralan
Pati na rin sa lansangan
Hindi dapat na kalatan
Ito ay ating tahanan.
Mga kanal ay ingatan
Upang hindi mabarahan
Baradong kanal ang dahilan
Mga baha sa ating bayan.
Lagi sanang maalala
Saan man tayo magpunta
Sa pagtatapon ng basura
Kailangan ang disiplina.

1. Tungkol saan ang tulang binasa?


2. Ano ang kahalagahan ng pagpapanatiling malinis ang kapaligiran?
D. Assimilation Gawain 8: Basahin ang katanungan at isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
(Paglalapat) 1. Ano ang bumubuo sa 3R?
______________________________________________________________________________
2. Saan maaring gamitin ang compost pit?
______________________________________________________________________________
3. Bakit mahalaga ang matutunan ng isang tao ang wastong paghihiwalay ng basura at ang tamang pagtatapon ito?
______________________________________________________________________________

A. Umisip at gumuhit ng mga Uri ng basura at lagyan ito ng Label kung anong uri ng basura.

B. Gumuhit ng isang larawan sa isang short bond paper na magpapakita ng maaring paraan upang mabawasan ang
pagkonsumo ng basura.

Rubric sa Paggawa ng Likhang Sining


Pamantayan Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi nakasunod sa
pamantayang pamantayan subalit pamantayan
hinihingi (5) may ilang (2)
pagkukulang
(4)

Nakagagawa ng likhang
sinig na may kinalaman sa
tema.

Nakilala ang wastong at


akmang Uri ng basura

Naipamalas ko ang
kawilihan na may
pagmamalaki sa nagawa
kong larawan.

Kabuuang puntos 15/15 12/15 6/15

VI. PAGNINILAY
Magsulat ka sa iyong kwaderno ng iyong naramdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na promt:
Naunawaan ko na ______________________________________________
Nabatid ko na __________________________________________________
Naisasagawa ko na __________________________________________________
Prepared by:
Rechelle P. Capuno
BEED II
Checked by:

MARY GRACE M. ENDRIGA


Instructor

You might also like