You are on page 1of 3

Learning Area EPP-HOME ECONOMICS Grade Level 4

W5 Quarter Third Date Week 5

I. LESSON TITLE Paghihiwa-hiwalay ng basura sa bahay


II. MOST ESSENTIAL LEARNING
1.2 naisasagawa ang wastong paghihiwalay ng basura sa bahay EPPHE-0g-10
COMPETENCIES (MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang konsepto ng “gawaing pantahanan”
at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng sarili at tahanan.

Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4


Kagamitan ng Mag-aaral
(MELC EPP/TLE p.402, PIVOT 4A BOW p.274)

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction Day 1
Panimula Sa araling ito ay matututunan mo ang wastong paraan ng paghihiwahiwalay
ng mga basura. Mahalaga na matutunan mo ito upang makatulong ka na
mabawasan ang basura sa ating pamayanan. Maipakikita mo sa gawaing ito
ang iyong pagmamalasakit sa ating kalikasan gayundin ang pagiging isang
responsibleng mamamayan. Kung iyong napapansin unti unti nang binabawasan
ang paggamit ng plastic dahil ito ay mga basurang hindi nabubulok. Kailangan
mong matutunan ang paghihiwalay sa nabubulok sa hindi nabubulok na basura
upang ito ay maisagawa mo ng tama.

Wastong Paraan ng Paghihiwalay ng Basurang Nabubulok at Di-Nabubulok

1. Maglaan ng wastong lalagyan para dito.

2. Paghiwahiwalayin ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok. Ito


ang tinatawag na waste segregation.

3. Ang mga basurang di nabubulok ay maaaring gamitin muli o i recycle


ang iba naman ay maaaring pagkakitaan sa pamamagitan ng
pagbebenta katulad ng bote, papel, bakal at iba pa.

4. Ang mga basurang nabubulok ay maaaring ilagay sa compost pit.

5. Iwasan ang pagsusunog ng basura.

6. Siguraduhing may takip ang mga basurahan upang hindi ito


pamahayan ng mga langaw, ipis at iba pang insekto.

Link: https://www.youtube.com/watch?v=LxWoaZPbANo
https://images.app.goo.gl/fSgAPCYbi69RJzYPA

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Magtala ng mga sampung basura na


matatagpuan sa loob at labas ng inyong bahay. Tukuyin kung ito ay nabubulok o
di-nabubulok.

Nabubulok Di-nabubulok

B. Development Day 2
Pagpapaunlad Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sa
iyong sagutang papel isulat kung ano ang iyong nararapat gawin sa sitwasyon.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

1. Ang iyong kaibigan ay kumakain ng taho habang kayo ay magkausap.


Nang maubos na nya ang laman ng basong plastic ay inihagis niya ito
kung saan. Ano ang sasabihin mo sa iyong kaibigan?

2. Ang iyong nakababatang kapatid ay kumakain ng biskwit na pasalubong


ng inyong tatay. Nakita mo na isiniksik niya ang balat sa ilalim ng inyong
sofa. Ano ang nararapat mong gawin?

3. Naglagay ng dalawang basurahan ang iyong kuya. Ito ay para sa


basurang nabubulok at di-nabubulok. Nakita mo ang iyong bunsong
kapatid na nagtapon ng balat ng saging sa basurahan para sa di-
nabubulok. Ano ang sasabihin mo sa iyong bunsong kapatid?

C. Engagement Day 3
Pakikipagpalihan Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumuhit ng masayang mukha kung ang
pangungusap ay tama at malungkot na mukha naman kung mali.

1. Maaaring pagsamasamahin ang mga basura at sunugin sa harapan ng


bahay.

2. Baalutin ng lumang dyaryo ang basag na baso at ilagay sa tamang


basurahan.

3. Piliin ang mga basurang maaaring i-recycle.

4. Paghiwalayin ang basurang nabubulok sa di-nabubulok.

5. Gumawa ng compost pit para sa mga basurang di-nabubulok.

D. Assimilation Day 4
Paglalapat Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isagawa ang wastong pagtatapon ng basura sa
pamamagitan ng pagtukoy sa mga sumusunod na basura. Gumuhit ng dalawang
basurahan para sa nabubulok at di-nabubulok na basura. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

papel lata ng gatas boteng plastic tuyong dahon


balat ng sitsirya plastic basag na baso
lumang yero bituka ng isda balat ng saging

V. ASSESSMENT Day 5
(Learning Activity Sheets
for Enrichment, Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Magtala ng limang kahalagahan na naidudulot ng
Remediation or ng wastong pagsasagawa ng paghihiwahiwalay ng basura
.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Assessment to be given 1. _____________________________________________________________________
on Weeks 3 and 6)

2. _____________________________________________________________________

3. _____________________________________________________________________

4. _____________________________________________________________________

5. _____________________________________________________________________

VI. REFLECTION
Magsulat ka sa iyong sagutang papel ng iyong nararamdaman o realisasyon
gamit ang sumusunod na prompt

Nauunawaan ko na ___________________.

Nabatid ko na ________________________.

Kailangan ko pang matuto nang higit pa tungkol sa __________________________.

Prepared by: MELISA O. SILLOS Checked by: ERLITO B. ORLINGA


Jose Rizal Memorial School EPS – SDO Calamaba City
JOEL D. SALAZAR
EPS – CSDO Dasmariñas City

You might also like