You are on page 1of 4

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region X
Division of Bukidnon
District of MARAMAG I
CAMP ONE ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA MTB-MLE 2


I. LAYUNIN
a) Natutukoy ang iba‟t ibang paraan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan
sa pamayanan at bansa sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura.
b) Nalalaman ang kaibahan ng nabubulok at di-nabubulok.
c) Nasasabi ang kahalagahan ng maayos, malinis at ligtas na bahay at bakuran.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: PAGHIHIWALAY NG BASURA
Sanggunian: MTB-MLE 2 pahina 85-89
Kagamitan: Larawan, IM’S
Integrasyon: FILIPINO, ENGLISH, ART, VALUES
Estratehiya: Collaborative, Guided Approach, Interactive Instruction

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati at Panalangin
2. Pagganyak

Tayo ay mag-awit!
(Himig : Maliit na gagamba)
Maliliit na basura
Ilagay sa bulsa
Pag-uwi ng bahay
Itapon ng tama.

3. Paglalahad
Tukuyin at sabihin sa klase kung ano ang nasa larawan.
Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa paghihiwalay ng basura.

4. Pagtatalakay
Panuntunan sa paghihiwalay ng basura.

1.Maglaan ng wastong lalagyan para dito.

2. Paghiwa-hiwalayin ang mga basurang nabubulok at di nabubulok; tinatawag na Waste


Segregation.

3. Ang mga basurang di- nabubulok ay maaring gamitin muli o i-recycle. Ang iba naman ay
maaring pagkakitaan o ibenta katulad ng bote, lata, bakal at iba pa.

4. Ang mga basurang nabubulok ay maaring ilagay sa compost pit. Ito ay isang hukay kung
saan inilalagay ang mga basurang nabubulok upang gawing compost o pataba.
Pagsasanay:

Tukuyin: Nabubulok o Di-nabubulok

5. Paglalapat
Pangkatang Gawain:

Itaas ang masayang mukha kung sang-ayon ka sa sinasabi ng

pangungusap at malungkot na mukha kung hindi.

1. Dapat itapon ang basura sa tamang lagayan.


2. Pabayaang mabulok ang basura kung hindi ito
makokolekta ng trak.
3. Dapat sunugin ang mga tuyong dahon at mga
papel
4. Ilagay muna sa bulsa ang maliliit na basura at
itapon pag-uwi ng bahay.
5. Gamiting muli ang mga gamit na puwede pa.

6. Paglalahat
Ating Tandaan:
Ang wastong pagtatapon ng basura ay makatutulong upang
mapanatili ang kaayusan ng pamayanan.
7. Pagtataya

IV. Takdang Aralin

Gumawa ng karatola na nagpapakita ng tamang paghihiwalay o pagtatapon ng basura.

Inihanda ni:

APRIL RHOSE L. PESTOLANTE


Student Teacher

NORA HALAYAHAY
Cooperating Teacher

You might also like