You are on page 1of 6

UNANG MARKAHAN

MGA DIREKSYON
ST. THERESE AT ST. BERNADETTE
FILIPINO 3
Hulyo 27-30, 2016

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Pakikinig

 Naipamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa


napakinggan.

Pagsasalita

 Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag


ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

Pagsusulat

 Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na


pagsulat.

PAMANTAYAN SA PAG-GANAP

 Magiging isang munting mayor na magpapaliwanag sa iyong mga


kababayan sa kahalagahan ng pangangalaga sa ating kapaligiran.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

 Pagtukoy sa mga direksyon.

PANGUNAHING TANONG

 Ano-anong mumunting bagay ang magagawa ng mga tao, maging ng mga


batang katulad mo para makatulong sa pangangalaga ng kapaligiran?

PANGUNAHING PAGUNAWA

 Ang pagsasagawa ng 3R’s o Reduce, Reuse, Recycle ay makatutulong


nang malaki sa kapaligiran. Mababawasan nito ang mga basurang
itinatapon sa mga tambakan gayundin ang mga basurang maaring
magbara sa mga kanal o daluyang tubig at maging sanhi ng pagbara. At
hindi lang yan, maaaring ipagbili at kumita sa mga basurang puwede pang
i-recycle o gamiting muli.
Filipino 3
Hulyo 27-30 2016

I. Mga Layunin:
 Matukoy ang halos kaparehong kahulugan ng mga salita;
 Matukoy ang mga direksyon;
 Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapaligiran.
 Matukoy ang klaster o kambal-katinig sa mga hiram na salita.

II. ARALIN:
Paksa: Mga Direksyon
Materyales: aklat, chalk
Reference: Pinagyamang Pluma 3
Katangian na napapaunlad: Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapaligiran.
Estratehiya sa Pagtuturo
 Diskusyon
 Recitation
 Group Activity
 Pagsusulat ng Journal

III. PARAAN NG PAGTUTURO


 Dasal
 Pagbati
 Pagganyak

Magpapakita ng isang larawan ang guro ng isang umaagos na


kanal. Guguhit ang ma estudyante ng mga basura sa gitna ng kanal
na haharang sa pagdaloy ng tubig.

Mga tanong:

 Ano kaya ang mangyayari kapag naharangan ng inilagay mong


basura ang kanal?
 Ano ang dapat mong gawin para hindi mangyari ang isinagot
nyo sa unang bilang?
 Pagsasanay sa Nalalaman
Payabungin Natin
A. Pagbibigay ng kapalit na salita upang maipakita ang bahagyang
pagkakaiba ng kahulugan ng salita.
Panuto: Bigyan ng kapalit na salitang may halos kaparehong kahulugan ang
mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap. Pumili ng tamang sagot sa
kahon at saka isulat ang titik nito sa patlang.

a. maglinis c. nalaman e. tumayo


b. marumi d. dadalhin ng tubig

__________1. Makalat ang loob ng silid ni Isko.

__________2. Sinabihan siya ni Nanay na magligpit sa kanyang silid.

__________3. Akala niya ay aanurin ang mga basurang itinapon niya.

__________4. Tumuntong si Isko sa silya para makaiwas sa baha.

__________5. Mahalagang aral ang nadiskubre ng batang si Isko.

B. Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang pahayag ayon sa kahulugan


nito. Gawing gabay ang mga salitang nakasalungguhit. Isulat ang titik
T kung TAMA at ang titik M kung MALI.
.
_____1. Kapag ba nalulungkot ang isang tao ay natutuwa siya?
_____2. Kapag ba lumulutang ang isang bagay ay pumapaibabaw ito sa
tubig?
_____3. Ang sigaw ba ay malakas?
_____4. Kapag ba nagmulat ng mata ang isang tao ay pumikit siya?
_____5. Ang bulong ba ay mahina lang?

A. Mga gawain
Babasahin ng mahina ang kwentong pinamagatang “NANAGINIP SI
ISKO”.

B. Analysis:
1. Anong uri ng bata si Isko?
2. Ano-anong katangian niya ang ikinalulungkot ng kanyang ina?
3. Saan niya itinapon ang mga basurang tinanggal niya sa
kanyang kuwarto? Bakit doon niya inilagay ang mga ito?
4. Kung ikaw si Isko, itatapon mo rin ba ang mga basura sa kung
saan-saan? Bakit oo o bakit hindi?
5. Bakit natakot ang nagsisigaw si Isko?
6. Sa iyong palagay, ano kaya ang magababago kay Isko
pagkatapos niyang managinip?
7. Paano mo maipapakitang ikaw ay isang mabuting anak?
C. Abstraksyon:
Bawat grupo ay magbibigay ng ibubunga kung si Isko ay:

Unang grupo: Si isko ay matutuong magligpit sa kanyang


kwarto.

Ikalawang grupo: Si Isko ay tutulong sa mga gawaing-bahay


kahit hindi inuutusan ng Nanay.

Ikatlong grupo: Si isko ay magiging masipag sa pag-aaral.

Ika-apat na grupo: Si Isko ay hindi na magtatapon ng basura sa


kanal na nasa likod-bahay.

Ika-limang group: Si Isko ay magtatanim ng puno at halaman sa


kanilang bakuran.

D. Aplikasyon:

Ano-anong mumunting bagay ang magagawa ng mga tao, maging


ng mga batang katulad mo para makatulong sa pangangalaga ng
kapaligiran?

E. Generalisasyon:

Tatalakayin ng guro ang mga “Klaster o kambal-katinig.”

IV. PAGTATAYA:

A. Panuto: Bumuo ng salitang may klaster o kambal katinig sa


pamamagitan ng pagsasama ng isa pang pantig katinig sa
pamamagitan ng pagsasama ng isa pang pantig sa unang pantig na ay
klaster. Pumili ng pantig sa kahon.

1. gri ____ 6. kli ____ do


baho so
2. pla ___ po 7. gra ___
tis
3. prin ___ sipe 8. pru ____ ma
4. pres ___ to 9. prak ____ tas
5. tra ___ ko 10. bra ____
B. Panuto: Basahin at pantigin ang nakasalungguhit na salitang may
klaster sa bawat bilang. Pagkatapos ay kilalanin kung ang pantig na
may klaster sa salita ay may anyong PKK, KKPK, KPKK, KKPKK. Ang
una ay ginawa na para sa iyo.

Pagpapantig Anyo

Pagpapantig

premyo KKPK 1. Isang premyo ang ibinigay ni Nanay kay Isko.

2. Magandang tsinelas ang kanyang natanggap.

3. Pinakain din siya ni Nanay sa restawran bilang blo-owt.

4. Ngayon, kakaunti na lang ang basurang itinatapon nila


kapag dumaraann ang trak.

5. Naipagbibili nila ang ibang basura tulad ng mga lumang


kard.

6. Hindi na rin sila nagtatapon ng plastik.

7. Iniipon din nila ang mga lumang plorera para maipagbili.

8. Inilalagay nila ang mga ito sa isang lumang dram.

9. Ang mga sirang gamit tulad ng lumang plantsa ay


naipagbibili rin.

10. O bata, gayahin mo si Isko. Gumawa ka rin ng sarili


mong plano ng kabutihan sa kalikasan.

V. TAKDANG ARALIN:

A. Panuto: Hanapin at isulat ang salitang may klaster o kambal-katinig na


ginamit sa pangungusap.

____________1. Isang araw ng Sabado, walang klase kaya naglinis ng bahay si Isko.

____________2. Inuna niyang linisin ang kanyang kuwartong may nagkalat na dyaket
at polo.

____________3. Kahit masakit na ang kanyang braso ay tuloy pa rin siya sa paglilinis.

____________4. Tuwang-tuwa si Nanay sa natapos na trabaho ng anak.

____________5. Naisip niyang bigyan ng regalo ang masipag na anak kaya’t isang
bagong trumpo ang binili niya para kay Isko.
B. Paggamit ng salitang may klaster sa makabulihang pangungusap.
Bumuo ng makabuluhang pangungusap tungkol sa pamilya ni Isko
gamit ang mga salitang may klaster.
1. blusa
2. dram
3. tsamporado
4. gripo
5. plato

C. Isipin mong ikaw ang munting mayor ng inyong bayan. Pakiusapan mo


ang iyong mga kabababayang gumawa ng paraan para mabawasan
ang itinatapong basura sa pamamagitan ng pagsasagawa ng 3R’s o
Reduce, Reuse, Recycle. Ipaliwanag mo rin kung bakit mahalaga ito
para sa kanila at sa kalikasan. Gumamit ka ang mga klaster sa iyong
gagawin ayon sa pangangailangan.

VI. PANAPOS:

Isulat sa papel ang mensahe tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran.

“Ingatan ang kapaligiran. Makabubuti ito sa bayan.”

You might also like