You are on page 1of 4

SEMI-DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO III

I. Layunin

Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:


a. nakikilala ang mga salitang klaster
b. napagsasama ang mga katinig at patinig upang makabuo ng salitang klaster
c. nakabubuo ng mga salitang klaster at nagagamit sa mga pangungusap.

II. Nilalaman
Paksa: Pagbuo ng Salitang Klaster
Stratehiya: Kolaborasyon at Kooperasyon
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Larawan
Sanggunian: TG Filipino3 p.236, MELC F3KP-IVh-j-II; Q.4, W1

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
“Magsitayo ang lahat at tayo ay manalangin”
Panginoon maraming salamat po sa araw na ito, patawarin niyo po kami sa
aming nagawan kasal-anan sa isip at sa gawa.
Amen!
2. Pagbati
“Magandang umaga sa lahat”
Bago kayo umupo, ayusin muna ang inyong upuan at manatiling tahimik.

3. Pagtala ng liban sa klase


“Meron bang lumiban sa klase nating ngayon?”
Mahusay! Maganda ang pinapakita ninyo na kayo ay masisipag pumasok at
handing matuto. At dahil diyan tapikin mo ang katabi mo at sabihin mong “Masaya
ako at ikaw ay naririto”

4. Pamamahala sa silid aralan


“Sa ating klase mayroon tayong mga alintuntunin na dapat ninyong sundin sa klase!

▪ Umupo ng maayos
▪ Tumahimik
▪ Makinig ng mabuti
▪ Ipataas ang kanang kamay kong may katanungan o nais
sumagot
B. Balik aral

Bago tayo magsimula sa bagong talakayin natin ngayon. Naalalala niyo ba ang
huli nating tinalakay? Ano ba ang huling paksang tinalakay natin?

C. Pagganyak

Panuto: Isulat sa patlang ang nawawalang kambal-katinig.

1. 2. 3.

okolate am umpeta

D. Paglalahad

Sa hapon na ito, ang paksa na ating tatalakayin ay tungkol sa Klaster o


Kambal- Katinig.

F. Pagtatalakay

Ang pinagsasamang kambal- katinig o klaster ay mga salitang mayroong


magkadikit o magkasama sa iisang pantig na kapwa binibigkas. Ang klaster ay
maaaring matagpuan sa unahan, gitna at hulihan ng isang pantig.

Halimbawa:

Salitang Klaster
bl,gr, pl, ts, br
May laso ang blusa ni Aida. (Blusa)
Ang maitim na grasa ay nakadikit sa kanyang damit (grasa)
Makintab ang plato ni lola (Plato)
Malaki ang braso ni Enzo (Braso)

May salitang may salungguhit


Pla-sa – Plasa Pru-tas – Prutas Gri-po – Gripo
Bra-so – Braso Blu-sa – Blusa

Iba pang halimbawa ng kambal katinig na nakikita sa gitna.


Empleyado Entablado Kwago
Kontrabida Eroplano Prito

Halimbawa ng kambal katinig na nakikita sa hulihan


Kard Nars Relaks Indeks

F. Pagsasanay

Panuto: Maghanap ng mga salitang may tunog na klaster na nasa talaan. Bigkasin
at gamitin ito sa pangungusap.
1. /dy/ 4. /kl/
2. /br/ 5. /pl/
3. /gr/

G. Paglalapat

Panuto: Tukuyin ang wastong angkop na klaster sa pangungusap. Isulat sa papel


ang inyong sagot.

1. Matatamis ang mga (Prutas, gripo) na dala ni lola mula sa probinsya.


Sagot: Prutas

2. Sa (Kuwintas, plasa) gaganapin ang pagtitipon ng mga publiko.


Sagot: Plasa

3. Nagmula sa (Braso, gripo) ang tubig na inihalo sa tinola.


Sagot: Gripo

4. Tumanggap nh regaling (Kwintas, plasa) si Aya galing sa tatay niya.


Sagot: Kwintas

5. Sa araw-araw na pagbabarbel ni Kiko tumigas na ang kanyang (Blusa, Braso).


Sagot: Braso.

H. Paglalahat

 Tandaan, na ang Klaster o kambal katinig ay mga salitang mayroong


magkadikit na dalawang magkaibang katinig na matatagpuan sa isang
pantig.
 Magbigay nga kayo ng halimbawa?

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot sa inyong sagutang papel.

Ang Plato ni nanay


Sa aming tahanan iyong pagmasdan, mga gamit sa kusina na minana pa mula kay
lola. Nariyan ang baso, tinidor, at kutsara, subalit may napansin akong kakaiba ni
nanay ay alagang-alaga niya itong plato ni Lola Daria. Hinuhugasan ng husto sa
tubig mula sa gripo at talagang sinisiguro Plato’y hindi mabaho.

1. Sino ang may plato?


a. Si Tatay
b. Si Nanay
c. Si ate
2. Saan ito makikita?
a. Sa sala
b. Sa Kuwarto
c. Sa kusina
3. Ano ang pamagat ng tula?
a. Ang plato ni Nanay
b. Ang Blusa ni Nanay
c. Ang tsinelas ni Tatay
4. Bakit kaya alagang-alaga ni nana yang plato?
a. Dahil mamahalin ito
b. Dahil minana pa niya ito mula kay lola Daria
c. Dahil wala na siyang pambili ng bagong plato.
5. Anong mga salitang klaster ang iyong nabasa mula sa tula?
a. Plato, Gripo
b. Blusa, plorera
c. Bloke, Grasa

V. Takdang Aralin

Panuto: Bilugan ang klaster sa bawat pangungusap.


1. Ang kwago ay nakadapo sa sanga ng punong manga.
2. Mahilig sa prutas at itlog ang mga anak ni nanay rosa.
3. Ang mga bata ay naglalaro ng trumpo.
4. Bumili si nanay ng bagong platp kahapon.
5. Pinahiram ni Christopher ang krayola kay arniel.

Inihanda ni:
Marivel S. Acope
Student Teacher

Observed and checked by: _________________

You might also like