You are on page 1of 3

SEMI-DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA MTB-MLE I

I. Layunin

Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:


a. natutukoy ang mga direksyon na magkikita sa mapa mula sa tahanan patungong
paaralan
b. napapahalagahan ang direksyon ng mapa upang Malaman ang daan patungo sa
pupuntahan
c. nakagagawa ng payak na mapa mula sa tahanan patungo sa paaralan

II. Nilalaman
Paksa: Paggawa ng payak na mapa mula sa tahanan patungo sa paaralan
Stratehiya: Kolaborasyon at Kooperasyon
Kagamitan: Larawan, worksheet
Sanggunian: https://youtu.be/AvsMKIt7txo?feature=shared

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
“Magsitayo ang lahat at tayo ay manalangin”
Panginoon maraming salamat po sa araw na ito, patawarin niyo po kami sa
aming nagawan kasal-anan sa isip at sa gawa.
Amen!
2. Pagbati
“Magandang umaga sa lahat”
Bago kayo umupo, ayusin muna ang inyong upuan at manatiling tahimik.

3. Pagtala ng liban sa klase


“Meron bang lumiban sa klase nating ngayon?”
Mahusay! Maganda ang pinapakita ninyo na kayo ay masisipag pumasok at
handing matuto. At dahil diyan tapikin mo ang katabi mo at sabihin mong “Masaya
ako at ikaw ay naririto”

4. Pamamahala sa silid aralan


“Sa ating klase mayroon tayong mga alintuntunin na dapat ninyong sundin sa klase!

▪ Umupo ng maayos
▪ Tumahimik
▪ Makinig ng mabuti
▪ Ipataas ang kanang kamay kong may katanungan o nais
sumagot
B. Balik aral

Bago tayo magsimula sa bagong talakayin natin ngayon. Naalalala niyo ba ang
huli nating tinalakay? Ano ba ang huling paksang tinalakay natin?
 Kahalagahan ng istruktura.
 Ano ang mga nakikita niyong istruktura na madadaanan niyo patungong
paaralan?

C. Pagganyak

Panuto: Suriin ang mga larawan.

Anong Lugar o gusali ang makikita niyo sa tinutukoy na direksyon?

D. Paglalahad

Sa umagang ito, ang paksa na ating tatalakayin ay tungkol sa

E. Pagtatalakay

 Ang guro ay nagpapakita ng larawan ng direksyon na may Timog, hilaga,


silangan, kanluran

 Ngayon acting aalamin ang pangunahing direksyon mula sa tahanan


patungo sa inyong pupuntahan o paaralan.
 Paano mo mailalatawan ang inyong dinaraanan mula sa tahanan
patungo sa paaralan sa pamamagitan ng mapa?
 Ano ang mapa?
- Ang mapa ay Isang larawang kumakatawan sa kinalalagayan Ng
mga bagay o Lugar.
 Ang mapa ba ay nakakatulong?

F. Pagsasanay

(Ang guro ay magbibigay ng gawaing pangkat at ihahanda ang kagamitan


kagaya ng gunting at pandikit at ibibigay ang worksheet sa kanila)

G. Paglalahat

 Tandaan natin na ang mapa ay isang larawang kumakatawan sa


kinalalagayan ng mga bagay o Lugar.
 Ang mga direksyon na makikita sa mapa ay Timog, hilaga, silangan at
kanluran.

IV. Pagtataya

Panuto: Gumawa ng mapa mula sa tahanan patungo sa paaralan.

V. Takdang Aralin

 Ilista ang mga nakikita niyo o nadadaanan na istruktura patungo sa inyong


tahanan.
Inihanda ni:
Marivel S. Acope
Student Teacher

Observed and checked by: ________________


Cooperating Teacher (ESP 1

You might also like