You are on page 1of 7

Semi- Detalyadong Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao V

I. Layunin
Pagkatapos ng 40 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakakagawa ng isang proyekto gamit ang iba’t ibang multimedia
at technology tools sa pagpapaunlad ng mga batas sa kalusugan
at kapayapaan. (EsP5PPP-IIIg-h-31)
b. naipapaliwanag ang kahalagahan ng nasyonalismo sa isang
bansa sa pamamagitan ng oral recitation
c. naipapakita ang pagmamahal sa tradisyon, wika at kapwa sa
pamamagitan ng pangkatang pagsasadula.

II. Paksang Aralin


Paksa:
Integrasyon: ICT (Technology/ Digital Tools)
Estratehiya: Kolaborasyon at Kooperasyon
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Laptop, at T.V.
Sanggunian: https://depedtambayan.net/grade-5-edukasyon-sa-pagpapakatao-
modyul-paglikha-ng-proyekto-gamit-ang-ibat-ibang-multimedia-at-technology-
tool/

III. Pamamaraan

A. Panimulang gawain
1. Panalangin
“Magsitayo ang lahat at tayo’y manalangin”
Panginoon maraming salamat po sa araw na ito, patawarin niyo po kami sa aming
nagawan kasal-anan sa isip at sa gawa.
Amen!
2. Pagbati
“Magandang umaga sa lahat”
Bago kayo umupo, ayusin muna ang inyong upuan at manatiling tahimik.

3. Pagtala ng liban sa klase


“Meron bang lumiban sa klase nating ngayon?”
Mahusay! Maganda ang pinapakita ninyo na kayo ay masisipag pumasok at handing
matuto.
At dahil diyan tapikin mo ang katabi mo at sabihin mong “Masaya ako at ikaw ay
naririto”
4. Pamamahala sa silid aralan
“Sa ating klase mayroon tayong mga alintuntunin na dapat ninyong sundin sa klase!
▪ Umupo ng maayos
▪ Tumahimik
▪ Makinig ng mabuti
▪ Ipataas ang kanang kamay kong may katanungan o nais
sumagot

B. BALIK-ARAL
Paksa: Pangangampanya sa Pagpapatupad ng batas

- Ano ang napag-aralan noong nakaraang linggo?


- Ano ang mga batas na pinapatupad sa ating kapaligiran?
- Ano ang dapat natin gawin para tayo ay maging ligtas at may
kapayapaan sa ating bansa?

C. PANGGANYAK
Panuto: Punan ng tamang salita mula sa kahon ang bawat patlang upang mabuo ang
isang mahalagang kaisipan.

Impormasyon Technology Tools Proyekto

Multimedia Partisipasyon

Sa panahong tinatawag na , nagiging mahalaga ang kakayahan at


talento ng bawat indibidwal. Ang teknolohiya ay tunay na nakapag-aambag sa
mabilisang pagpapabatid ng mga . Sa tulong ng multimedia at iba’t-ibang
,gaya ng kompyuter, internet, cellphone, camera at marami pang iba,
maaari tayong makapag ambag sa isang makabuluhang at mapalaganap
ang pagpapatupad nito sa ating kapwa. Dahil din sa mga ito, mapapataas natin ang
at interaksiyon ng mga tao sa mga bagay na dapat ginagawa natin para sa ating
bansa kasabay ng makabagong teknolohiya.

C. Paglalahad/Talakayan
(Suriin natin kong ano ang mga larawan na ipapakita ko)
- Sa palagay niyo ano ang tawag sa larawang ito?
- Makakatulong ba ito sa pagpapatupad ng mga batas?

 Malaki ang naging kontribusyon ng multimedia sa kasalukuyan. Sa lahat


ng ating gawain, teknolohiya ang ating ginagamit upang mapabilis ang
ating gawain at nagkakaroon tayo ng komunikasyon sa iba’t-ibang panig
ng mundo gamit ang teknolohiya.
 Napakahalagang malaman din natin ang iba’t ibang multimedia at
technology tools na maaari mong magamit upang lalong mapadali at
mapaganda ang iyong proyekto para sa pagpapatupad ng batas sa
kalusugan at kapayapaan.

Audio Ang pamahalaan at iba’t ibang organisasyon ay


naglunsad ng Telemedicine Service Hotline at
“Bayanihan E-Konsulta” kung saan maaaring tumawag
ang mga pasyente na nakakaranas ng mga sintomas ng
Covid-19 o nasa proseso na ng pagpapagaling mula dito,
sa halip na pisikal na pumunta sa mga hospital.

Pinagkunan:https://caro.doh.gov.ph/paano-pangalagaan-ang-
isang-taong-may-mild-o-moderatesymptoms-ng-covid-19/?
fbclid=IwAR0AF7sji54gHDmQNHEumo7ReUpTip18lVRRS2-
E7S8GVDcR0ggV4Bd2Q0
Graphics Nagsimula ang unti-unting pagbabakuna kontra Covid-19
sa mga mamamayan sa iba't ibang parte ng bansa.
Maaaring gumamit ng graphs upang maipakita ang
bahagdan ng populasyon na nakatanggap na ng bakuna,
mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang bakuna at ang
pagpapatupad ng mga panuntunang pangkalusugan.

Pinagkunan: https://caro.doh.gov.ph/bida-bakunation/

Video Nagkaroon ng pagsasabatas ng Republic Act No. 11469


o kilala sa “Bayanihan to Heal as One Act” upang
maging tugon sa Covid-19. Sa paggamit ng video,
maiisa-isa ang mga nilalaman ng batas na ito.

Pinagkunan: https://www.youtube.com/watch?v=Fjy6tFvEDTM

Animation Pagdedeklara ng lockdown sa buong bansa upang


mapanatili ang kaligtasan ng mamamayan mula sa banta
ng Covid-19. Maipapakita sa pamamagitan ng animation
ang mga paraan na maaaring gawin upang mapanatiling
malusog ang pangangatawan at malinis na kapaligiran.

Pinagkunan: https://www.youtube.com/watch?v=1qVxTcaN1RM
Text Ipinatupad ang contact tracing sa bawat lugar gamit ang
Contact Tracing sheet information sheet na sinusulatan o sinasagutan online
bago makapasok sa isang lugar o gusali. Ito ay
ginagawa upang malaman ang mga taong
nakasalamuha ng pasyenteng may Covid-19.

Pinagkunan: https://doh.gov.ph/sites/default/files/health-update/dm2020-
0189.pdf

Digital Contact Tracing Form

Website o App: https://www.staysafe.ph/

D. Pagsasanay
Panuto: Tukuyin ang mga salitang inilalarawan sa bawat pangungusap. Isaayos ang
mga titik sa ibaba ng bawat bilang upang mabuo ang salita. Isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay isa sa pinakamahalaga at pinaka karaniwang uri ng technology at


multimedia tool.
XETT

2. Ito ay tumutukoy sa mga gumagalaw na larawan na sinasamahan ng mga


tunog tulad ng nakikita sa telebisyon.
DIOEV

3. Ito ay ginagamit upang ipaliwanag o ituro ang mahalagang konsepto o


impormasyon nang mabilis at maayos.

CSRGAHPI

4. Ito ay proseso kung saan ang mga magkakasunod na larawan ay maaaring


ipalabas na tila gumagalaw.
NNMAIIOAT

5. Ito ay pinagsamang mga tunog tulad ng musika, dayalogo, sound effects at


talumpati na maaaring gamitin kasama ng iba pang uri ng technology at
multimedia tools.
UAIDO

E. Paglalahat
“Ano ang kahalagahan ng nasyonalismo sa isang bansa?
“Ano ang inyong natutunan sa ating tinalakay ngayong araw?

IV. Pagtataya
Panuto: Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang PNP kung ang bawat
pahayag o pangyayari ay totoong nagbigay daan sa pag usbong ng Nasyonalismong
Pilipino sa Pilipino at HPNP naman kung hindi.
1. Mga hindi kanais nais na pagbabagong ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas.
2. Pagiging patas og pantay na ipinakita ng mga espanyol sa pagbibigay desisyon.
3. Pagbibigay ng labis sa mga gawaing pampamahalaan sa mga Pilipino.
4. Maling pamamalakad ng mga pinunong Espanyol sa ating bansa.
5. Pagiging mabait at mapagmahal na ipinakita ng mga Espanyol sa mga
sinaunang Pilipino.

Panuto: Isulat ang Nasyonalismo kung ang bawat sitwasyon o gawain ay nagpapakita
ng pagmamahal sa bansa at Di- Nasyonalismo naman kung hindi.
1. Pagtatanggol ng mga sundalong Pilipino sa kalayaan ng bansa sa panahon ng
digmaan.
2. Pagpapahalaga ng produktong gawa sa ibang bansa kaysa sa produktong
gawaang Pilipino.
3. Pakikipaglaban ng mga Pulis sa pagsugpo ng droga na sumira sa kinabukasan
ng maraming kabataan.
4. Pagbibigay serbisyo ng mga frontliner sa kabila ng panganib na dulot ng COVID
19 pandemya
5. Pagsunod sa mga kagustuhan mo na alam na ito ay labag sa batas o sa
ordinaryong ipinatupad ng ating bansa.

V. Takdang-Aralin
Panuto: Magsaliksik tungkol sa epekto ng nasyonalismo sa pag unlad ng isang bansa.
Inihanda ni:
Marivel S. Acope
Student Teacher

Observed and Checked by: _________________

You might also like