You are on page 1of 13

Photo by Thought Catalog from

Unsplash

Module 1 Media Literacy at ang Covid-19 Infodemic

Sa module na ito susuriin ng mga estudyante kung ano ang ‘media literacy’ at ang kahalagahan nito
ngayong lumalaganap online ang ‘infodemic’ o mga fake news na may kaugnayan sa Coronavirus
(Covid-19).

Matapos ang module na ito, ang mga estudyante ay:

(a) Bigyang kahulugan ang ‘media literacy’;


(b) Suriin kung kabilang ang sarili sa mga ‘media literate’ na tao;
(c) Mag-replek kung bakit mahalagang linangin ang media literacy skills lalong-lalo na ngayong
panahon ng pandemya; at
(d) Alamin ang mga fake news na kumakalat ngayong Corona virus infodemic.

Nilalaman
Panoorin ang ‘Introduction to Media Literacy’ mula sa YouTube channel ng Crash
Dip
Course.

Basahin: (a) ‘What is media literacy, and why is it important?’ mula sa


commonsensemedia.org, (b) ‘Media and Information Literacy: A human rights-
Deepen based approach in developing countries’ mula kay Dennis Reineck at Jan Lublinski,
(c) The media and the literacies: media literacy, information literacy, digital literacy
mula sa sagepub.com, (d) Public health and media literacy mula sa medialit.org.
Do
Panoorin: Vic Berger Presents: TV Pastor Jim Bakker Really Wants You to Think He

1
Can Cure Coronavirus mula sa Youtube channel na VICE News, at sagutin ang
sumusunod:

a. Sino ang TV Pastor na si Jim Bakker?


b. Ano ang mga teknik na ginawa ng nya at ng kanyang team upang
maniwala ka sa kanila?
c. Ano ang magiging reaksyon ng iba’t-ibang klase ng manonood o audience
sa video na ito?
d. Anong mga mensahe ang binigyan ng emphasis at isinali sa video? Ano ang
mga hindi isinali o hindi binanggit?
e. Ano ang motibasyon ni Bakker at ng kanyang team sa paggawa ng video
na iyong napanood?

Sagutin: Anong mga klaseng fake news ang kumakalat ngayon online patungkol sa
Discern
coronavirus? Bakit mahalagang matutunan ang media literacy ngayong panahong ito?

Dip Introduction to Media Literacy

2
Panoring ang
kabuuan dito.

Mahahalagang Puntos

1. Media ay plural term ng salitang medium. Ang medium ay ang paraan upang
ang isang mensahe ay maihayag. Ang mga libro, magazines, music video,
snapchat stories, breaking news notifications at iba pa ay mga halimbawa ng
media/ medium.

Ang media ay isang umbrella term na tumutukoy sa iba't ibang mekanismo na


nagpapakalat ng impormasyon, miski pa ito ay gamit ang telebisyon, radyo,
internet, print at iba pa.

2. Sapagkat ang karaniwang tao ay ginagamit ang malaking bahagi ng kanilang


araw kasama ang media ay nararapat lamang na maging bihasa sa media
literacy skills. Narito ang depinisyon ng media literacy: the ability to access
(pagkuha), analyze (pagsuri), evaluate (pagkilatis), create (paggawa) and act
(pagkilos) using all forms of communication.

3. Media messages vs media effect. Ang media messages ay ang mga bagay na
inilagay at isinali ng media producers bilang content o mensahe nais nilang
iparating sa kanilang audience. Samantala ang media effects ay ang
impluwensya ng mensaheng ito sa mga nakatanggap nito.

3
4. Ipinakita ni Stuart Hall ang kaugnayan ng media message at media effect sa
kanyang teoryang encoding-decoding. Ayon sa kanya, bago idistribute ang
media ay kailangang i-encode ang mensahe gamit ang mga codes at lenggwahe
na sa tinggin nya ay mauunawaan ng makakatanggap nito. Bilang mga
recepients, ang trabaho natin ay i-decode ang mensahe na ito gamit ang ating
mga kaalaman at karanasan nila upang maunawaan ito.

Ngunit tandaan na dahil gumagamit ang mga producers ng codes at convention


sa paglikha ng media maaring mayroong mga parte ng mensahe na hindi natin
mauunawaan o maging lost in translation ika nga. Isipin mo na para itong isang
komedyante na nag deliver ng isang joke. Gumamit sya ng facial expressions,
gestures, build up at punchline para maparating ang kanyang nakakatawang
mensahe, kaya lamang hindi lahat ng nakarinig ng joke ay makaka-gets nito.

5. Ang teoryang ito ay taliwas sa teoryang textual determinism kung saan


tinuturing na ang isang mensahe ay mauunawaan ng lubusan ng mga nakukuha
nito nang walang mintis.

6. Ang teoryang encoding at decoding ay dapat gumabay sa atin bilang mga


media consumers na maging mapanuri at mapagmatyag sa mga mensaheng
natatanggap natin kapag tayo ay nanood, nakikinig, at nakababasa ng media.
Tunay na dapat linangin ang media literacy lalo't ngayong panahon na talamak
ang fake news at cybercrimes sa social media.

Deepen What is media literacy, and why is it important?

4
Larawan ni @coolmilo
mula sa Unsplash.

Basahin ang kabuuan


dito.

Mahahalagang Puntos

1. Ang literacy ay ang kakayanan ng isang taong bumasa at sumulat. Bago


matututo ang isang batang bumasa kailangan nya munang makilala ang mga
letra at ang tamang pagbigkas ng mga pantig. Kung baga, may mga codes at
conventions na dapat aralin upang mabasa mo ang mga sulatin pinababasa sa
kanya. Dagdag pa dito, dapat maunawaan ng mambabasa ang ibig sabihin ng
mga salita at parilala. Pagkatapos nito, ang mga mambabasa ay magkaroon ng
kakayanang magsulat na sa pagdaan ng panahon ay maaring mas malinang.

2. Ang media literacy naman ay kakayanang tukuyin ang iba't ibang uri ng media
at unawain ang mensaheng ibibinibigay nila. Ang mga kabataan ngayon ay
nakakakita ng sankaterbang bilang ng impormasyon sa ibat ibang sources
kumpara sa naranasaan ng magulang nila noong kanilang kabataan. May mga
text messages, memes, viral videos, social media, video games, advertising, at
iba pa. Ngunit lahat ng ito ay may pagkakatulad: may (mga) taong gumawa
nito, at may intensyon sila o dahilan kung bakit. Upang mas maging matalino
ang mga kabataan sa pag-kilatis ng media ay kailangan nilang maintindihan
ang codes and conventions sa pag-gawa nito, pati narin ang epekto nito sa
nakakanood.

5
3. Upang maging media literate ang isang tao, maaring gawin ang simpleng
exercise na ito. Sagutin lamang ang limang tanong na ito kapag nagcoconsume
ka ng isang media:
(a) Sino ang gumawa nito? Isa ba itong kompanya? Isang tao? Komedyante ba
sya? Kilalang tao ba ang author or creator ng content na ito? Bakit mo
naisip ito?

(b) Bakit nya ito ginawa? Ito ba ay gaya ng isang news story na gustong
maglahad ng impormasyon? Ito ba ay ginawa para hikayatin ka para
maniwala (i.e. opinion essay) o gusto nitong bilhin mo ang isang bagay
(advertisment)? O baka naman nais lamang nitong mang aliw o
magpatawa? (i.e. meme) Bakit mo naisip ito?

(c) Para kanino ang mensahe? Para sa mga bata o sa mga grown ups? Sa mga
lalaki? O babae? Bakit mo naisip ito?

(d) Anong mga teknik ang ginamit para mas mukhang kapanipaniwala at
credible ang mensahe? Nagpakita ba ito ng statistics mula sa mga sources
na reputable? Naglalaman ba ito ng mga qoutes mula sa mga eksperto? Ang
nagsasalaysay ba ay may boses na authoritative o tunog-dapat-sundin?
Mayroon bang pnakitang ebidensya para suportahan ang mga sinabing
statements? Bakit mo naisip ito?

(e) Aling mga detalye ang isinali o alin ang hindi binanggit? Kung dalawang
magkaibang paniniwala ang pinaguusapan, balanse bang ipinakita ang
parehong panig? O kailangan mo ba ng mas marami pang imoormasyon
para mas maunawaan ang mensahe? Bakit mo naisip ito?

(f) Ano ang naramdamam mo matapos martanggap ang mensahe ng media?


Sa tinggin mo, ganito din ang mararamdaman ng iba? Bakit mo naisip ito?

Deepen Media and Information Literacy: A human rights-based approach in developing

6
countries

Basahin ang
kabuuan dito.

Larawan ni
@juliusdrost
mula sa
Unsplash.

Mahahalagang puntos

1. Ang paggaral ng MIL ay kakabit ng pangunahing karapatan ng tao na magkaroon


ng kalayaan sa impormasyon, paghahayag, at edukasyon. Nakalulungkot na sa
ibang bansa ang kalayaan ito ay nalalabag. Ang mga mamamayan nila ay walang
paraan upang makakakuha ng impormasyon at malayang makapagsabi ng kanilang
saloobin. Bukod dito mababa din ang kalidad ng edukaasyon. Ang mga media
outlets ay karaniwang nakararanas ng pababawal, panunupig, at iba pang uri ng
pag-uusig na lumilimita sa kanila upang malayang makapaghayag ng balita.
Samantalang ang iba naman ay nagpapabayad o kaya ay may kinikilinagan.

2. Bagamat maraming bagong oportunidad ang binibigay ng mga new media, gaya ng
Internet, madami pa ding walang malayang access dito dahil sa restriksyon ng
pamahalaan o kaya ay dahil sa kontrol ng commercial at media industries.

3. Samantalang ang mga mayroon namang access sa new media na ito ay nabibitag

7
naman sa mga 'dark sides' i.e. social media addiction, cyberbullying nito. Bukod
dito, nagiging passive consumer lamang ng entertainment ang mga ito, imbes na
aktibong makisali sa pagpapadaloy ng impormasyon.

4. Mayroong pitong dimensions ang MIL, ito ang sumusunod,

a. Accessing media and information (Pagkuha). Kasali dito ang technical skills
upang mahanap at makuha ang nais na impormasyon.
b. Using media and information (Pag gamit). Pag decode o pagintindi ng
mensahe ng media at pag gamit ng natutunan sa tunay na buhay.
c. Evaluating media and info (Pagkilatis). Paghuhusga kung ang nakuhang
impormasyon ay tama, kumpleto at walang kinikilingan.
d. Creating media and info (Paggawa). Paggawa ng media.
e. Participating in media (Pakikisali). Kaalaman kung saan at paano
makipagtalastasan sa creator ng media, pati narin sa mga taong nakakababasa
nito.
f. Knowing how media work (Kaalaman). Kaalaman kung ano ang proseso sa pag
gawa ng media at paano ito makaaapekto sa madla.
g. Demanding media quality and rights (Kalidad at karapatan). Paghingi ng media
na may sustansya at dekalidad.

8
Deepen The media and the literacies: media literacy, information literacy, digital literacy

Larawan ni
@charissek mula
sa Unsplash.

Basahin ang
kabuuan dito.

Mahahalagang Puntos

1. Base sa pormal na depinisyon ng dalawa, importanteng aspeto ng media at


information literacy ay kakayanang pagpili at pagkilatis ng sources of content.
Dapat ang taong media at information literate ay kayang husgahan kung ang
impormasyong nakuha ay tama o credible, printed man ito o digital. Kaya din
nitong tukuyin kung ano ang layunin ng mga advertisement na pinapanood - ito ba
ay naglalayong magbigay impormasyon o kaya nanghihikayat na bilhin ang
produkto nila.
2. Ang kakayanang suriin kung kailangan ba ng isang tao ang impormasyon o hindi,
pati narin ang kaalaman sa paghahanap nito (gaya ng paggamit ng library card
catalog o search engines) ay tradisyonal na katangian ng isang information literate.
3. Samantalang ang kakayanang bumuo o gumawa ng isang media o content gaya
ng podcast, vlog at iba pa upang maibahagi ang mga natutunang mensahe mula sa
mga sources na access na media ay karaniwang katangian ng isang media literate
person.
4. Sa haba ba naman ng oras ng media exposure lalong lalo na ang kabataan,
nararapat lamang na pagaralan ang media literacy. Ngunit bukod dito ay ang mas
9
malaki pa nitong papel sa lipunan. Ang kalayaan sa impormasyon ay importante
upang mapanatili ang demokrasya, maging bukas sa ibang kultura at maging
aktibong bahagi ng lipunan ang mga mamamayan. Ginagamit nadin ng mga
kabataan ang entertainment media gaya ng televesion, internet, popular music,
movies, at video games upang makikaibigan o makipagsocialize, kaya naman
masasabing importante parte na ito ng kanilang buhay. Isa pa bilang mga digital
natives ay hindi lamang sila consumer ngunit producers din ng media.

Deepen Public Health and Media Literacy

10
Larawan ni
@oria_hector
mula sa
Unsplash.

Basahin ang
kabuuan dito.

Mahahalagang Puntos

1. Sa paglobo ng mga image enhancement apps at patuloy na portrayal ng mga lead


actors at actresses bilang mga taong may perfect physique, ay nagkakaroon ang
ang mga kabataang nanonood sa kanila ng body issues na maaring magdulot ng
depression, eating disorders, self esteem prooblems, at steriod use (sa kalalakihan).
Ang media education ay makakatulong upang magkaroon ng self confidence at
healthy eating attitude ang mga female media viewers, samantalang magkakaroon
ng agam agam sa pag gamit ng steriod at mga paggamit o paginom ng mga
mapanganib na supplement ang mga kalalakihan.

2. Inuugnay din ang labis na exposure ng mga kabataan sa karahasaan at iba pang
acts of violence sa television sa kanilang maling konsepto sa karahasan. Dahil
kanonood ng mga ganitong content ay nagiging manhid na sila sa mga epekto ng
violence, at tinuturing na nilang normal na makipagbasag ulo kapag nakaharap ng
ka-argumento. Maaring matutunan sa media education ang pagkakaiba ng real life

11
at media portrayal ng sensitibong content gaya ng violence at sex.

3. Madaming pag aaral na nakita na ang pagkakaroon ng media literacy sa health


curriculum ng mga estudyante ay nagpapataas ng kakayanan nilang iwasan ang
mga nakakaakit na mensahe patungkol sa paginom ng alkohol, pagamit ng droga,
at pagsisigarilyo. Sa kaso ng smoking, napatataas din ng mga pelikula at
advertisement na naglalaman ng mga karakter na nagyoyosi ang tsansa na gawin
din ito ng mga kabataang nanonood.

4. Siksikan sa air time ang mga commercials na nangungumbinsing bilhin ng mga


kabataan ang mga junk foods o yaong nga pagkaing mataas ang sugar, saturated
fat, at sodium. Milyon milyon din ang gastos ng mga fast food chain sa mga product
promotion na nag target market ay mga bata. Inuugnay ito sa mga lumalalang kaso
ng obesity at poor nutrition. Ngunit sa pamamagitan ng media literacy ay
magkakaroon ng kaalaman ang mga bata kung paano minamarket sa publiko ang
mga ganitong unhealthy food, at ang epekto ay pagkakaroon nila ng informed
decision para mas piliin ang mga masustansyang pagkain.

Iba pang sources


COV-Ed: Myth busters! COVID-19 Edition
12
Coronavirus disease (COVID-19) advice for the public: Myth busters

P.S.: Ang module na ito inihanda ng mga kaguruan ng Immaculate Conception College of Balayan, Inc. para sa pag-
aaral ng kanilang mga estudyante lamang. Ang pangongopya, pag-imprenta, at distribusyon nito ay hindi
pinahihintulutan kung walang nakasulat na pahintulot ng mga may akda. #ICCEdukalidad

13

You might also like