You are on page 1of 19

5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Proyekto Ko, Multimedia at
Teknolohiya Ang Gamit Ko
Alamin

Nakagamit ka na ba ng iba’t ibang multimedia at technology


tools sa iyong mga proyekto? Nais mo ba itong malaman?
Handa ka na ba?

Sa modyul na ito ay matutuhan mo ang paggamit ng iba’t


ibang multimedia at technology tools upang lalong mapadali
ang paggawa ng maayos na proyekto sa pagpapatupad ng mga
batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan at kapayapaan.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matututunan mo


ang:

Nakagagawa ng isang proyekto gamit ang iba’t ibang


multimedia at technology tools sa pagpapatupad ng mga
batas sa kalinisan, kalusugan at kapayapaan (EsP5PPP-IIIg-h-
31)
Subukin

Bago tayo mag-umpisa nais ko munang malaman ang iyong


kaalaman tungkol sa iba’t ibang multimedia at technology
tools na maaaring gamitin sa paggawa ng isang proyekto.

Tukuyin ang mga salitang inilalarawan sa bawat


pangungusap. Isaayos ang mga titik sa ibaba ng bawat bilang
upang mabuo ang salita. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
1.
R Y A O Y D

Uri ng babasahin na kung saan nakapaloob dito ang iba’t


ibang pangyayari o kaganapan sa ating bansa, maging ito
man ay sa pulitika, showbiz, paghahanap ng trabaho,
anunsyo, mapaglilibangan at ulat panahon.
2.
P L O N L C E H E

Isang bagay na kasama sa pang araw-araw na pamumuhay na


ginagamit upang magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao
lalo na sa mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng tawag at
text.
3. ODRYA

Dito napakikinggan ang mga kaganapang napapanahon na


nangyayari sa ating bansa sa pang araw-araw na pamumuhay.
4. ESNEOBYTIL

Napapanood ang mga programang nagbibigay aliw,


karunungan at impormasyon sa mga pangyayaring nagaganap
sa pang araw-araw na pamumuhay.
5. E N E N T I T R

Isang sistemang pinakikinabangan ng buong mundo sa


pamamagitan ng pagkonek sa mga kompyuter at iba pang
gadgets na ginagamitan ng kable upang ang mga
impormasyon ay maipaabot at malaman ng mga tao.

Aralin Proyekto Ko, Multimedia at

1 Teknolohiya Ang Gamit Ko

Napakahalagang malaman ng isang batang tulad mo ang iba’t


ibang multimedia at technology tools na maaari mong
magamit upang lalong mapadali at mapaganda ang iyong
proyekto para sa pagpapatupad ng batas sa kalinisan,
kalusugan at kapayapaan. Dapat lamang na malaman mo ang
tamang paggamit nito kung kaya’t kailangan mo ang gabay
ng iyong magulang o iba pang miyembro ng iyong pamilya.
Balikan

Alam kong nais mo nang mag-umpisa sa modyul na ito.


Subalit, nais ko munang malaman kung ikaw ba ay may
natutuhan sa nagdaang aralin. Halina at sagutan natin ito.
Kasama mo ako.

Basahin ang mga sumusunod na batas sa ibaba. Tukuyin


kung ito ay Pangkalinisan, Pangkaligtasan, Pangkalusugan,
Pangkapayapaan o Pangkalikasan. Isulat sa bawat hanay
kung saan dapat nakapaloob ang bawat batas. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

1. Kampanya Laban sa Illegal Logging.


2. Pagbabawal sa Canteen ng Paaralan na magbenta ng junk
food.
3. Pagbabantay nang 24 oras sa barangay.
4. Tapat Ko, Linis Ko
5. Clean Air Act
6. One Million Voices for Peace
7. Bantay Bata 163
8. Save the Forest
9. Samahan ng mga Nanay sa Wastong Nutrisyon
ng mga Sanggol. 10. Child Protection Program

Pangkalinisan
Pangkaligtasan Pangkalusugan Pangkapayapaan
Pangkalikasan
Tuklasin

Kung nagawa mo ang balik-aral nang buong husay, alam kong


handa ka na sa iyong bagong aralin. Tiyak kong matutuwa ka
sa aking inihanda para sa iyo. Tara na’t atin nang umpisahan
ang iyong aralin.

Multimedia at Technology Tools, Mahalaga Ba?


Ni Luzviminda T. Marcelo

Sa pang araw-araw na pamumuhay sa mundong


ibabaw
Makikita mga mag-aaral, subsob sa pag-aaral
Kahali-halina kung sila’y ating pagmasdan
Di matatawaran sakripisyong kanilang iniaalay.

Kayraming mga bagay kanilang dapat tapusin


Kasama mga proyektong sobrang dami pa man din
Paano nga ba lahat ng ito’y kanilang kakayanin
Kung buong araw nila’y kulang na kulang pa rin.

Mabuti na lang imbensyo’y napagtagumpayan


Iba’t ibang teknolohiya at multimediang kay inam
Dyaryo, cellphone, radyo, telebisyon at internet
man
Mga kagamitang sadyang kagila-gilalas.

Sa mga mag-aaral tunay na kaydaling intindihin


Lalo na mga proyektong sa batas ay sangkot din
Kalinisan at kaligtasan dapat nating alamin
Kasama ang kalusugan, kapayapaa’y paunlarin.
Suriin

Napakahusay! Sadyang ako’y nagagalak sa iyong ginawang


pagbigkas sa aking tulang inihanda. Hindi ako nagkamali na
kayang-kaya mo ito.

Ngayon, bilang pag-unawa sa tulang iyong binasa, sagutin mo


ang mga sumusunod na tanong.

1. Tungkol saan ang binasang tula?


2. Ano raw ang kinakaharap na suliranin na dapat tapusin ng
mga mag-aaral?
3. Ibigay ang mga bagay na nakatutulong upang mapadali
ang paggawa nila ng proyekto.
4. Ano ang tawag sa mga bagay na ito?
5. Saan may kaugnayan ang proyektong nabanggit sa tula?
6. Sa iyong palagay, malaki ba ang naitutulong ng iba’t
ibang multimedia at technology tools?

Pagyamanin

Basahin at intindihing mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba


na may kaugnayan sa paggawa ng proyekto gamit ang iba’t
ibang multimedia at technology tools sa pagpapatupad ng
mga batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan at kapayapaan.
Piliin ang titik ng iyong sagot at isulat sa iyong sagutang
papel. Ipaliwanag ito ayon sa iyong pagkakaunawa.

1. Naatasan ka ng inyong guro na gumawa ng proyekto


tungkol sa nagdaang aralin tungkol sa pagpapatupad ng
batas gamit ang iba’t ibang multimedia at technology
tools. Nagkataong hindi ka marunong gumamit nito
dahil wala naman kayong gadget sa bahay. Ano ang
gagawin mo?
a. Lalapit ako sa isang kamag-aral na may computer
sa bahay at magpapatulong ako kung paano ito
gamitin upang magawa ang proyekto.
b. Kukulitin ang magulang ko na bumili ng computer
upang magawa ang aking proyekto at sasabihing
hindi ko na itutuloy ang pag-aaral kung hindi ako
mabibilhan.
c. Hindi na lang ako gagawa at sasabihin ko na lang sa
aking guro na wala akong magamit na gadget sa
bahay.

2. Abala ka sa paggawa ng iyong proyekto sa asignaturang


Filipino. Lumapit ang isa mong kaklase at
nagpapatulong na turuan mo siya sa paggamit ng
computer dahil wala silang gadget sa bahay. Alam mo
ang sitwasyon nila sa buhay kaya alam mong nagsasabi
siya ng totoo sa iyo. Ano ang gagawin mo?

a. Hindi mo siya papansinin dahil abala ka rin sa


paggawa ng iyong proyekto at ayaw mong mahuli
ka sa pagpapasa sa inyong guro.
b. Tutulungan mo siya dahil naintindihan mo ang
kalagayan ng kaniyang pamilya na hindi nila
kayang makabili ng computer at alam mong
gustong-gusto niyang matuto sa paggamit nito.
c. Pauuwiin mo siya at sasabihang magpabili sa
kaniyang magulang
upang may magamit siya dahil nakaabang pa ang
iyong kapatid na kasunod na gagamit nito.
Isaisip

Tukuyin ang mga pinahuhulaang salita sa ibaba. Gawing


gabay ang mga kahulugang nakatala. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

Pababa:
1. Kagamitang pinaaandar ng koryente at puwedeng
iprograma. Mayroon itong CPU at isang anyo ng
memorya na siyang pangunahing kailangan upang
magamit ito.
5. Uri ng babasahin na kung saan nakapaloob dito ang iba’t
ibang pangyayari o kaganapan sa ating bansa, maging
ito man ay sa pulitika, showbiz, paghahanap ng trabaho,
anunsyo, mapaglilibangan at ulat-panahon.
6. Isang sistema na ang nakikinabang ay ang buong mundo
sa pamamagitan ng pagkonek sa mga kompyuter at iba
pang gadgets na ginagamitan ng kable upang ang mga
impormasyon ay maipaabot at malaman ng mga tao.

Pahalang:

2. Isang gawain na ibinibigay ng guro sa isang mag-aaral o


pangkat ng mag-aaral upang malaman kung
naintindihan ang nagdaang aralin.
3. Ito ay isang imbensyon na ginagamitan ng iba’t ibang
gadgets na dumadaan sa iba’t ibang proseso upang
maging kapaki-pakinabang sa pang araw-araw na gawain.
4. Dito napakikinggan ang mga kaganapang napapanahon
na nangyayari sa ating bansa sa pang araw-araw na
pamumuhay.
Tayahin

Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap


at MALI naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

1. Agad na sumunod si Ben nang malaman ang mga batas


na nagbabawal sa paglabas ng mga batang labinlimang
taong gulang pababa nang mapanood niya ito sa
telebisyon.
2. Hindi mo ginawa ang iyong proyektong mangalap ng
mga batas pangkalusugan dahil wala kayong internet.
3. Tinulungan mo si Analie dahil naintindihan mo ang
kalagayan ng kaniyang pamilya na hindi nila kayang
makabili ng computer at alam mong gustong-gusto
niyang matuto sa paggamit nito para sa kaniyang
proyekto.
4. Hindi mo pinansin si Mabel na gustong makigamit ng
iyong computer dahil abala ka rin sa paggawa ng iyong
proyekto at ayaw mong mahuli ka sa pagpapasa sa
inyong guro.
5. Lumapit si Mila sa isang kamag-aral na may computer sa
bahay at magpapatulong siya kung paano ito gamitin
upang magawa ang proyektong may kinalaman sa batas
ng pangangalaga sa kalinisan ng kanilang barangay.
6. Hindi ka na lang kumibo at gumawa ka na lang ng paraan
ng sabihing hindi ka maibibili ng gadget ng iyong
magulang na gagamitin mo sa iyong proyekto.
7. Ipinagwalang bahala ni Kriezel ang proyektong ibinigay ng
kaniyang guro dahil hindi siya marunong gumamit ng
gadget kahit gusto siyang tulungan ng kaniyang kapatid.
8. Isa sa mga pinag-aralan ninyo sa inyong aralin ay ang mga
batas pangkalusugan. Agad mo itong sinaliksik gamit ang
cellphone na hiniram mo sa iyong kuya.
9. Nakita mong nahihirapan ang iyong kaklase kung paano
ang gagawin niya upang matapos ang kaniyang proyekto
sa pagsasaliksik ng mga batas
pangkapayapaan at alam mo ang gagawin ngunit hindi mo
siya ginabayan.
10. May proyekto ang mga kabataan sa inyong lugar na
gumawa ng slogan para makaiwas sa peligrong dulot ng
COVID-19 na makikita sa Facebook. Hindi ka sumali dito
dahil mas gusto mo pa ang maglaro ng games sa
cellphone.
Susi sa Pagwawasto

mali .10
mali .9
tama .8 batas .8
mali .7 telebisyon .7
tama .6 internet .6
tama .5 dyaryo .5
mali .4 radyo .4
tama .3 teknolohiya .3
mali .2 proyekto .2
tama .1 kompyuter .1

Tayahin Isaisip

depende sa sagot ng bata .6


kompyuter .10
depende sa sagot ng bata .5
cellphone .9
multimedia at technology tools .4
kapayapaan .8
depende sa sagot ng bata .3
kalusugan .7
proyekto .2
kaligatasan .6 technology tools pangkaligtasan .10
kalinisan .5 multimedia at .1 Pangkalusugan .9
batas .4 Pangkalikasan .8
proyekto .3 Suriin Pangkaligtasan .7
technology .2 Pangkapayapaan .6
multimedia .1 Pangkalusugan .5
internet .5 Pangkalinisan .4
.2 B.
telebisyon .4 Pangkaligtasan .3
.1 A
dyaryo .3 Pangkalusugan .2
cellphone .2 Pangkalikasan .1
Pagyamanin radyo .1
Balikan
Subukin

You might also like