You are on page 1of 17

RO_MIMAROPA_WS_Sining5_Q4

Sining 5
Ikaapat na Markahan
Unang Linggo

Aralin: Mga Kagamitan sa Paggawa ng 3 Dimensyonal Craft (Paper

Beads)
MELC: Natutukoy at naiisa-isa ang mga kagamitan sa paglikha ng
3 dimensyonal craft na paper beads. (A5EL-IVa)

Susing Konsepto

• Ang paggawa ng paper beads ay isang gawaing

nakalilibang na maaaring pagkakitaan kung
gagamitan ng kaalaman sa paglikha ng mga palamuti.
Ito ay nagmula pa sa bansang Inglatera na kung saan
ang mga kababaihan ay matiyagang nagbibilot ng
maliliit na papel upang makulayan at matuhog para
gawing palamuti sa katawan gayundin upang maging
palamuti sa bahay tulad ng kurtinang gawa sa
tinuhog na beads.
• Nangangailangan ng masusing at matiyagang
pagbibilot o pagrorolyo ng maliliit na papel upang
makalikha ng beads na kukulayan ng pintura at
didisenyuhan ayon sa nais.
• Maaaring tuhugin at gawing pulseras, kuwintas,
palawit sa hikaw at iba pang palamuti sa katawan at
bahay ang mga nagawang tinuhog na beads.

Palamuti na gawa sa paper beads

Mga Hakbang sa Paggawa ng Paper Beads:
1. Gumupit ng mga hugis tatsulok mula sa makukulay na
papel o lumang magasin na may
1” by 4” na tatsulok.
2. Lagyan ng glue o pandikit ang magkabilang dulo ng
tatsulok.
3. Ipulupot ang papel sa manipis na kahoy na dowel.
Panatilihin ang tatsulok sa gitna habang
ipinupulupot.
4. Higpitan ang pagpupulupot sa papel kung nais na
maging matibay ang beads. Itusok ang mga natapos
na beads sa floral foam para sa siguridad ng mga
ito.
5. Pahiran ng barnis ang beads gamit ang malambot
na brush ng pinta at patuyuin sa patpat na kahoy.
Kapag tuyo na ang mga beads ay handa na ito para
sa nais mong proyekto.
Gawain 1
Panuto: Pagtambalin ang Kolum A sa Kolum B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.

Kolum A Kolum B

_______1. papel a. para sa pagdidikit ng mga paper beads

_______2. lapis b. gamit para sa pagguhit sa korte ng papel

_______3. ruler c. gamit para sa paglalagay ng glue sa papel at

pagpapahid ng barnis

_______4. gunting d. para magkakulay at hindi kumapit ang dumi

_______5. mainipis na kahoy na dowel e. gamit para sa pagrorolyo ng papel

_______6. malambot na brush ng pinta f. gamit para sa paggupit ng mga papel

_______7. glue/pandikit g. gamit para sa pagsusukat

_______8. patpat na kahoy h. gamit para sa seguridad ng beads

_______9. floral foam i. magasin, art paper at colored paper

_______10. barnis j. gamit para sa pagpapatuyo ng beads pagkatapos

barnisan
Gawain 2
Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot mula sa kahon.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

manipis na kahoy na
dowel lapis malambot na brush ng pinta
kulay ruler pandikit

1. Ang ______________________ay ginagamit upang mairolyo

nang maayos ang papel.

2. Ang ______________________ay para sa paglalagay ng

glue sa papel.

3. Ginagamit ang ______________________sa pagsukat ng

papel.

4. Ang barnis ay ginagamit upang magkaroon ng

______________________at maiwasan ang pagkapit ng

dumi.

5. Ang malambot na brush ng pinta ay ginagamit para sa

pagpapahid ng ______________________.

Mga Gabay na Tanong:

1. Anong mga bagay sa iyong paligid ang maaari mong gamitin

sa paggawa ng paper beads?
________________________________________________________

2. Paano mo magagamit sa pang-araw-araw na buhay ang
iyong natutunan sa araling ito?
________________________________________________________
_______________________________________________________
________________________________________________________
______________________________________________________
________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, maaari bang pagkakitaan ang paggawa ng
mga paper beads? Ipaliwanag ang iyong sagot.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
______________________________________________________
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. i
2. b
3. g Gawain 2
4. f 1. manipis na kahoy na dowel
5. e 2. malambot na brush ng pinta
6. c 3. ruler
7. a 4. kulay
8. j 5. glue
9. h
10. d
RO_MIMAROPA_WS_Sining5_Q4

Sining 5
Ikaapat na Markahan
Ikalawang Linggo

Aralin: Mga Paraan sa Paggawa ng 3D Crafts (Paper Mache)

MELC: Natutukoy ang iba’t ibang paraan sa paggawa ng paper
mache jar (A5EL-IVb)

Susing Konsepto

• Ang paper mache ay salitang Pranses na ang ibig

sabihin ay nginuyang papel na gawa sa piraso ng mga
papel o durog na papel na binuo sa pamamagitan ng
glue, starch o pandikit.

• Ang Bayan ng Paete sa Laguna ay kilala sa taka o

paper mache na siyang pangunahing pinagkakakitaan
ng mga mamamayan dito pangalawa sa pag-uukit.

• May dalawang paraan sa paggawa ng taka o paper

mache. Una, ang paggamit ng dinurog na papel
matapos ibabad sa tubig. Ito ay hahaluan ng glue at
siyang gagawing taka. Ikalawang paraan ay ang
paggamit ng pinilas na mga papel at ididikit sa isang
molde. Matapos mabuo ang dibuho, tatanggalin ito
mula sa molde at ididikit upang makabuo ng isang
proyektong may katulad na hugis sa moldeng ginamit.

• Ang tamang hakbang at paraan ng paggawa ng taka o

paper mache ay dapat sundin upang makabuo ng
magandang obra.
Mga halimbawa na obra sa paggawa ng paper mache

Gawain 1
Panuto: Tama o Mali. Isulat sa patlang kung tama o mali ang
bawat pahayag tungkol sa paggawa ng paper
mache jar.

______________1. Ang paper mache ay ginawa mula sa papel na

inirolyo upang makabuo ng beads.
______________2. Sa paraang paggamit ng pinilas na papel,
mahalaga na magkaroon ng moldeng gawa sa
matigas na bagay tulad ng kahoy.
______________3. Isang teknik sa paggawa ng paper mache ay ang
paglalagay o pagpapahid ng padulas sa
molde tulad ng mantika o wax upang maging madali
ang pagtanggal ng taka o paper mache.
______________4. Gumamit ng magandang uri ng pandikit upang
maging matibay ang ginawang taka o
paper mache.
______________5. Mahalagang hilaw ang gagamiting pandikit sa
paggawa ng paper mache o taka.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa
paggawa ng paper mache jar sa pamamagitan ng paglalagay
ng bilang 1-7. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_______ Patuyuin sa sikat ng araw ang paper mache jar at
tanggalin sa molde.
_______ Pahiran ng pandikit ang pinilas na papel at idikit sa
molde.
_______ Ihanda ang mga kagamitan sa paggawa ng paper mache.
_______ Kapag tuyo na ang paper mache jar, pakikinisin ito gamit
ang liha.
_______ Ipagpatuloy ang pagdikit ng mga pinilas na papel
hanggang sa makuha ang hugis ng molde.
_______ Pahiran ng mantika o wax ang molde.
_______ Pakuluan ang pinaghalong harina at tubig hanggang ito
ay lumapot. Palamigin at gamitin bilang
pandikit.

Mga Gabay na Tanong:

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga pamamaraan sa

paggawa ng paper mache?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Paano mo magagamit ang kaalaman at kasanayan sa

paggawa ng paper mache jar upang mapabuti ang iyong
kabuhayan?
___________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Paano mo palalawigin ang kaalaman tungkol sa

paggawa ng paper mache upang maging inspirasyon at
mabuting halimbawa sa kapwa Pilipino?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________________________________________
*Magpatulong sa nakatatanda kung nais subukan ang paggawa ng paper mache jar.
RO_MIMAROPA_WS_Sining5_Q4
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1: Gawain 2:
6
1. Mali 4
2. Tama 1
3. Tama 7
4. Tama 5
5. Mali 3
2
RO_MIMAROPA_WS_Sining5_Q4

Sining 5
Ikaapat na Markahan
Ikatlong Linggo

Aralin: Posibleng Gamit ng 3- Dimensional Crafts

MELC: Natatalakay ang Posibleng Gamit ng 3- Dimensional Crafts. (A5EL-IVc)

Susing Konsepto

• Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay masasalamin sa iba’t ibang gawang sining na

likha sa iba’t ibang lugar sa bansa.

• Halimbawa na lamang sa Bayan ng Paete sa Lalawigan ng Laguna kung saan isa sa

pangunahing hanapbuhay nila ay paggawa ng Paper
Mache o taka. Marami sa mga Paeteños ang umunlad
ang pamumuhay at naitaguyod ang pamilya dahil sa
hanapbuhay na ito.
• Ang 3-Dimensional craft ay likhang sining na
maaaring malayang makatayo, may taas at lapad at
may anyong pangharap, tagiliran at likuran.
Kinakailangang may sapat na balanse ang 3-D craft.
• Ang mga kasanayan at kaalaman sa paggawa ng mga
likhang sining tulad ng Mobile Art, Paper Mache at
Paper Beads ay maaaring mapakinabagan ng pamilya.
Ang mga obrang palamuti sa katawan at kapaligiran ay
maaaring ibenta upang mapagkakitaan.
• Ang Mobile Art ay isang uri ng kenetikong eskultura o
gumagalaw na likhang sining na kung saan ang mga
bagay ay isinasabit gamit ang tali, kawad, at kabilya
upang malayang makagalaw o makaikot. Ginagamit
itong pandekorasyon sa pinto ng tahanan at maging sa
paaralan o palamuti sa kuna ng sanggol.
• Ang Paper Mache ay likhang sining na gawa sa piraso
ng mga papel o dinurog na papel na binuo sa
pamamagitan ng glue, starch o pandikit. Ginagamit
ito upang makabuo ng taniman ng halaman, replika
ng hayop, laruang kabayo o kaya naman kahon na
maaring sisidlan ng maliliit na kagamitan sa tahanan
o sa paaralan.

Paper Mache- Likhang Sining na gawa sa dinurog na papel.

• Ang Paper Beads ay likhang sining na ginagamitan ng

mga pinulupot na papel na may iba’t ibang hugis.
Maaaring gamiting hikaw, kuwintas o pulseras na
higit na magpapatingkad sa kasuotan o kaya naman
ay kurtina sa tahanan at paaralan.

Palamuti at Dekorasyon na gawa sa Paper beads

Gawain 1
Panuto: Palawakin ang kaalaman sa mga gamit ng likhang
sining sa pamamagitan ng pagpupuno ng salita sa tamang
kolum. Piliin ang angkop na sagot sa loob ng kahon.

kuwintas laruang kabayo paso

kurtina replika ng hayop pulseras
sisidlang palamuti sa kuna
kahon hikaw ng sanggol
palamuti sa pinto na
may disenyo

Mobile Art Paper Mache Paper Beads

Mga Gabay na Tanong:

1. Paano mo mapahahalagahan ang nagawang likhang

sining tulad ng Mobile Art, Paper Mache at Paper beads?
_______________________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, bakit kailangan ang pagiging malikhain at

mapamaraan sa paggawa o pagbuo ng likhang sining?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3. Paano mo mapakikinabangan ang iyong natutunan sa

paglikha ng 3- Dimensional Crafts?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
RO_MIMAROPA_WS_Si
ning5_Q4
Susi sa
Pagwawasto
Gawain 1

Mobile Paper Paper

art mache beads
palamuti
sa paso kurtina
pinto na
may laruang kwintas
disenyo kabayo hikaw
replica ng pulseras
palamuti
sa hayop
kuna ng sisidlang
sanggol kahon
Mga Gabay na Tanong
Maaaring magkakaiba – iba ang sagot ng mga bata.
RO_MIMAROPA_WS_Sining5_Q4

Sining 5
Ikaapat na Markahan
Ikaapat na Linggo

Aralin: Paggamit ng Kaalaman sa Kulay, Hugis, at Balanse sa

Paggawa ng Mobile Art.
MELC: Nagpapakita ng kasiningan sa paggawa ng mga
mobiles na may iba’t ibang kulay at hugis. (A5PL-IVe)

Susing Konsepto

• Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay masasalamin sa

iba’t ibang gawang sining na matatagpuan sa iba’t ibang
lugar sa bansa.
• Ang mga Pilipino ay likas na mahusay sa sining tulad
ng paggamit ng kulay, hugis at espasyo.
• Ang mga disenyong nalilikha ay nagpapakita ng iba’t
ibang katangian ng mga Pilipino at sumasalamin sa
kultura ng lipunang kanilang ginagalawan.
• Ang wastong kaalaman sa pagpili ng kulay, hugis at
disenyo ay makatutulong upang makabuo ng orihinal at
kahanga-hangang sariling likhang-sining.
• Ang paggawa ng gumagalaw na sining ay isang paraan
upang maipakita ang pagkamalikhain ng isang tao.
• Karaniwang nabibili sa mga art store, decor shop, at
tindahan ng gamit pansanggol ang mobile art.
• Ang mobile art ay isang uri ng kenetikong eskultura na
kung saan ang mga bagay ay isinasabit gamit ang mga
tali, kawad, at kabilya upang malayang makagalaw o
makaikot. Ginagamit itong pandekorasyon sa pinto ng
tahanan at maging sa paaralan o palamuti sa kuna ng
sanggol.
Gawain 1: “Isagawa mo”
Panuto: Gumawa ng makabuluhang mobile art gamit ang mga
kagamitan at hakbang sa pagsasagawa nito.

Mga kagamitan:
• Lumang sanga ng kahoy na maaaring napulot sa hardin o
kahuyan
• Lumang laso o yarn, kawad at sinulid o tali
• Mga nakolektang lumang bagay (mga butones, lumang susi,
maliit na bote at iba pa)
• Gunting
• Glue (pandikit)

Mga hakbang sa paggawa:

1. Ihanda at linisin ang mga nakolektang bagay. Maari itong
hugasan at patuyuin, punasan ng basahan, o linisin gamit
ang lumang brush.
2. Ayusin ang mga bagay na isasabit sa mobile art.
3. Isa –isang talian at isabit sa lumang sanga ang mga
nakolektang bagay. Lagyan ng wastong pagitan, at
magkakaibang haba ang mga isasabit na bagay upang
magkaroon ng pagkakaibang lalim sa paningin ang mobile
art.
4. Isaalang-alang ang pagkakatabi ng mga makinis at
magaspang na bagay pati na rin ang maliit at malaking bagay
upang magkaroon ng magandang kabuuan.
5. Isabit ang nagawang mobile art sa maaliwas na lugar.
Siguraduhing ito ay balanse at umiikot.

Lagyan ng tsek (√) ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa

sa buong aralin.
RUBRIK PARA SA MOBILE ART
Nakasunod
sa Nakasunod sa
Hindi
pamantayan pamantayan nakasuno
subalit may d sa
Mga Sukatan nang higit sa iilang pamanta
yan
inaasahan pagkukulang

5 3 2
1.Naipakita ang kaalaman sa
pagkilala sa mga
kagamitan sa paggawa ng
mobile art
2.Naisagawa ng buong sigla ang
awput
3.Naipamalas ang wastong
pag-uugali at
kawilihan sa pagsasagawa ng
gawain
4.Nakasunod sa pamantayang
itinakda

Gawain 2: “Buoin mo”

Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng jumbled letters sa loob ng
panaklong.

1. (molbie tar) ay isang uri ng 3D art na gumagalaw o kenetikong

eskultura.
2. Karaniwang mabibili ang mga mobile art sa (tar tesor).
3. Malayang makagagalaw o makaiikot ang isang mobile art
sa tulong ng (wkaad).
4. Maaaring gamiting (rasonyaked) sa tahanan o sa paaralan
ang mobile art
5. Ang paggawa ng gumagalaw na (isngin) ay nagpapakita ng
pagkamalikhain ng
isang tao.
Mga Gabay na Tanong:

1. Ano - ano pa ang mga posibleng praktikal at malikhaing

gamit ng mobile art maliban sa mga natalakay na?
________________________________________________________________________________

2. Gamit ang iyong malikhaing imahinasyon, paano mo

gagawing mas makabuluhan ang iyong proyektong mobile
art?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

3. Maliban sa mga kagamitang binanggit sa araling ito, ano -

ano pa ang maaaring gamitin sa paggawa ng kakaibang
mobile art?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4. Paano mo magagamit sa iyong pang araw-araw na buhay ang

iyong natutunan sa araling ito?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
RO_MIMAROPA_WS_Sining5_Q4

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1: Isagawa mo
Nakagagawa ng malikhaing mobile art sa tulong ng rubric na
inihanda.

Gawain 2: Buoin mo
1. Mobile art
2. art store
3. kawad
4. dekorasyon
5. sining

You might also like