You are on page 1of 16

Filipino Week 9

Ano ang mga ginagawa ng mga


tao na nasa larawan?
Itala ang iyong mga ginagawa
sa :
Bakit mo ginagawa ang mga
ito?
May mga tungkuling na dapat
gampanan sa paaralan, tahanan, at
pamayanan.
Ang sumusunod ay tungkulin sa tahanan:
sumunod sa utos ng mga magulang, iayos at
iligpit ang mga laruan pagkatapos maglaro;
magpaalam sa magulang kung aalis; tumulong
sa mga gawaing-bahay; at igalang ang mga
magulang at kasama sa bahay.
Tungkulin ng mga bata sa paaralan na:
sumunod at makinig sa guro, gumawa ng
takdang-aralin, sumunod sa mga batas at
alituntunin sa paaralan katulad ng
pagsusuot ng uniporme, paggalang sa
watawat at pagpasok sa tamang oras.
May mga tungkulin din sa
pamayanan. Ang mga ito ay
pagsunod sa batas trapiko, pakikiisa
sa mga proyekto ng pamayanan,
pagpapanatiling malinis sa lugar, at
pakikipagkasundo sa mga
kapitbahay.
Mahalagang isagawa ang mga
nabanggit na mga tungkulin para sa
ikabubuti ng mga bata. Lalaki silang
maayos, may respeto at may
pagmamahal sa sarili, sa magulang
at sa kanilang bayan.
Batay sa binasa,ano
ang ibig sabihin ng
tungkulin?
Saan-saan may
tungkulin na
dapat gampanan
ang bawat isa?
Anu-ano ang tungkulin sa
bahay?

Paaralan? Pamayanan?
Ano ang kabutihang dulot sa pagtupad ng mga
tungkulin?
Ano ang mangyayari kung hindi naman
tutuparin ang mga tungkulin?
Tumawag ng ilang bata upang
magbahagi ng isang naobserbahang
pangyayari sa
tahanan/paaralan/pamayanan na may
kinalaman sa pagsunod sa isang
tuntunin. Ano ang dapat tandaan kung
magsasalaysay ng isang pangyayari?
Ano ang dapat gawin kung magmamasid
ng isang pangyayari upang iulat?
Sabayan ang awitin

bawat_bata.mp4
Pangkat 1
Isulat ang karapatan na nasa lyrics ng
awitin.
Pangkat 2
Isasadula ang karapatan na nasa awitin.

Pangkat 3
Iuulat sa klase ang kanilang naobserbahan
sa ginawa ng una at ikalawang pangkat .
Ano ang dapat tandaan sa pag-
uulat ng isang pangyayaring
naobserbahan?
Papikitin ang mga bata.
Ipaisip sa kanila ang mga pangyayaring
naobserbahan sa kanilang paglalakad o
habang patungo sila sa paaralan. Ipamulat
ang mga mata. Tumawag ng ilang bata
upang magsalaysay ng kanilang
naobserbahan.

You might also like