You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO III

I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naibibigay ang kasingkahulugan ng mga matatalinhagang salita at gamitin sa


pangungusap.
2. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa kwento sa kwento.
3. Naibabahagi ang magagandang aral asal.

II.Nilalaman

A.Paksa: “Aralin 8: Duke Briseo: Amang Mapagmahal”

B. Kagamitang Panturo: Kagamitang biswal

C.Sanggunian: Florante at Laura (pahina 33-34)

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain

1. Panalangin
 _____, pangunahan mo ang gating panalangin sa araw na ito.
2. Pagbati
 Magandang araw sa ating lahat!
3. Pagsasaayos ng silid
 Bago kayo tuluyang maupo,pulutin ninyo ang mga piraso ng kalat
sa inyong harapan at sa ilalim ng inyong mga upuan,at ilinya ng
maayos ang inyong mga upuan.
4. Pagtatala ng liban
 (Tatawagin ng guro ang class monitor)
 ____, may liban ba sa araw na ito?
5. Balik-aral

 Anong paksa ang ating tinalakay kahapon?


 Sino ang mga tauhan sa kwento?
 Anong aral mayroon ang kwento?
B.Motibasyon

 (Tatawag ang guro ng tatlong mag-aaral sa kalse.)


 (Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng sulatang papel at doon isususlat nila
ang naiisip nilang salita na may kaugnayan sa salitang “ama” at ito ay bibigyang
paliwanag.)
 Sa inyong palagay,ano ang kaugnayan nito sa ating tatalakayin sa araw na ito?
 Mahusay!

IV. Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang mga kasingkahulugan ng mga matatalinhagang salita.

1. Huminto – Tumigil
2. Nakagapos – Nakatali
3. Ginugunita – Inaalala
4. Ipinapaslang – Ipinapatay
5. Sumalit – Pumalit

V. Paglalahad

A.Talakayan

 (Tatawagin ng guro ang mga piling mag-aaral upang ilahad ang kwento.)
 Ibuod ninyo ang kwento.

B.Pagtatalakay sa Aralin

 Sino-sino ang mga nabanggit na tauhan sa araling ito?


 Sino ang lalaking nakagapos sa puno?
 Anong ginawa ni Adolfo sa ama ng lalaking nakagapos?
 May nakapangahas bang maglibing sa bangkay ni Duke Briseo?

C.Pangkatang Gawain

Panuto: Hatiin ang klase sa tatlong grupo. Ibigay ang kani-kanilang naatas na gawain.

Pangkat I

Gumawa ng maikling dula-dulaan tungkol sa pamilyang may mabuting ama.


Pangkat II

Gumawa ng maikling dula-dulaan tungkol sa pamilyang may masamang ama.

Pangkat III

Pagkumparahin ang pagkakaiba ng may mabuti at masamang ama sa pamilya.

VI.Pagpapahalaga

 Sa ating tinalakay ngayong araw, anong aral ang inyong natutunan?


 Ano pa?

VII.Pagtataya(Ebalwasyon)

Panuto: Iguhit ang kung tama ang pahayag at iguhit ang kung mali ang
pahayag.

1. Si Duke Briseo ang amang mapagmahal ni Florante.


2. Si Adolfo ang lalaking nakagapos sa puno.
3. Ang gerero ay may masamang balak sa lalaking nakagapos sa puno.
4. Ang nasa isip ng ama ay tanging kapakanan ng kanyang anak.
5. Si Adolfo ang nagpapaslang kay Duke Briseo.

VIII.Takdang Aralin

Basahin at pag-aralan ang aralin 9: Paghihimutok ng Gerero mula pahina tatlongpu’t


anim hanggang tatlongpu’t siyam.

You might also like