You are on page 1of 3

Banghay Aralin

Sa

FILIPINO IV

I. LAYUNIN: Nasasagot ang mga tanong sa napakinggang kuwento.


II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: Pagsagot sa mga tanong tungkol sa naoakinggang kuwento.
B. Sanggunian:Yaman ng Lahi (Patnubay ng Guro) pah. 253-254, Yaman ng
Lahi (Kagamitan ng Mag-aaral), pah. 154
C. Kagamitan: Powerpoint presentation, manila paper, kopya ng kuwento
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a) Paghahawan ng mga balakid
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral.
Ano ang kahulugan ng nakakahiligan?
Alin sa mga putaheng ito ang kaya mong lutuin?

Adobong manok
Sarciadong isda
Tinolang manok
Mechado
Pinakbet
Afritada

b) Pagganyak
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral, at hayaan ang mga bata
na sumagot.
Nakaranas ka na bang magluto?
Ano ang pagkaing naluto mo na?
Paano mo ito niluto?
B. Panlinang na Gawain
a) Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Ano kaya ang sikretong rekado sa ating kuwento ngayong hapon?
b) Paglalahad ng bagong aralin
Tingnan ang pabalat ng inyong libro.
Ano ang masasabi niyo sa larawan na nasa libro?
Buksan ang libro sa iba’t-ibang pahina. Ano ang mga napapansin
niyo?
c) Pagtatalakay
Magbabasa ang guro ng isang kuwento. Bibigyan niya ang bawat
mag-aaral ng kopya sa kuwentong babasahin. Ang guro ang
magbabasa ng kuwento at ang mga bata ay magbabasa gamit
lamang ang mga mata.
Babasahin ng guro ang kuwentong “Ang Sikretong Rekado”

Pagkatapos basahin ang kuwento, balikan ang mga hula ng mga


mag-aaral tungkol sa kung ano ang sikretong rekado.

C. Pagsasagawa ng Gawain
a) Pangkatang gawain
Magbibigay ang guro ng gawain sa mga bata. Mahahati ang klase
sa tatlong grupo.

-Unang Pangkat:
Buuin ang larawan. Ipaliwanag kung anong pangyayari ang nasa
larawan base sa kuwentong binasa. (nabangga ang jeep)
-Pangalawang Pangkat:
Buuin ang larawan. Sinu-sino ang nasa lawaran? (Teo at ang
kanyan ama)
-Ikatlong Grupo:
Buuin ang larawan. Ano ang mga sangkap sa niluto ni Teo?
(Pinakbet)
D. Pangwakas na Gawain
a) Paglalahat
Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?
Ano ang nangyari sa kuwento?
Bakit masaya si Teo?
Bakit siya pinayagang magluto?
Paano naghanda si Teo sa pinapagawa sa kanya ni Mang Ador?
Ano ang kanyang iluluto?
Anu-ano ang mga sangkap sa niluto ni Teo?
Ano ang sinabing sikreto ni Mang Ador kay Teo?
b) Paglalapat
Kayo ba ay tumutulong sa inyong mga magulang pag sila ay
nagluluto?
Ano ang paborito niyong putahe?
Gaano kahalaga sa inyo ang niluto o nilulutong putahe ng inyong
magulang sa inyo?
IV. PAGTATAYA
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong?
1. May nakalagay bang rekado sa loob ng banga?
2. Ano ang nakasulat sa maliit na papel sa nasa loob ng banga?
3. Ano ang nangyari kay Mang Ador?
4. Ano ang niluto ni Mateo?
5. Sinu-sino ang mga nagbigay ng pagkain kila Mang Ador at Teo?

V. TAKDANG ARALIN
Mag-research ng mga putaheng pinoy. At isulat sa kuwaderno kung ano-
ano ang mga sangkap.

You might also like