You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 2/ Panitikan ng Pilipinas

I. LAYUNIN – pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang


a. natutukoy ang mga karakter sa alamat na binasa
b. nakapagbibigay ng magandang aral sa alamat na binasa

II. PAKSANG ARALIN


a. Deskripsyon:
1. Kasanayan: Pagtukoy ng mga karakter sa alamat na binasa.
Pagbigay ng magandang aral mula sa alamat na binasa.
2. Nilalaman: Alamat ng Bulacan

b. Kagamitan: Mga ibat ibang larawan ng kwento.

III. PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagganyak
Ipakita ang larawang ng lalawigan ng Bulacan at Bulak.
Itanong: Ano ang koneksyon ng dalawang larawan?

b. Paglalahad
Ngayon araw, mayroon akong kwento para sa inyo. Gusto niyo bang malaman ang
kwento?

(basahin ang kwento)

c. Pagtalakay
Tungkol saan ang kwento?
Saan nangaling ang pangalan ng Bulcan
(isulat sa papel ang sagot)

d. Paglalahat
Ano ang tawag sa lalawigan na sumasakop sa bayan ng Angat?

IV. EVALUATION
Sagutin ang mga sumusunod na tanong nagaling sa alamat na binasa:

1. Bakit hindi mataniman ng babae ang malawak na lupain?


2. Balit hindi makain ang bunga ng puno na tumubo?
3. Anong bagay ang hinahanap ng lalaki upang magawa niyang pansapin sa upuan?

V. TAKDANG ARALIN
Humanap ng larawan ng mga pangunahing produkto ng Bulacan at ibahagi sa klase.
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 2/ Panitikan ng Pilipinas

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng kalase ang mga magaaral ay inaasahang:
a. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay
b. Nakapagbibigay ng magandang aral mula sa maikling kwentong binasa

II. PAKSANG ARALIN


a. Nilalaman – Bakit may Pulang Palong ang mga Tandang
b. Kagamitan - Ibat ibang larawang ng karakter sa kwento

III. PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng mga lumiban
b. Pag ganyak
Pagpapakita ng larawan ng ibat ibang klase ng manok.
c. Paglalahad
(Pagbasa ng kwento kung bakit may pulang palong ang mga tandang)
d. Pagtatalakay sa nilalaman ng kwento
Tatalakayin ang aral na maaring makuha sa kwento
e. Pagpapahalaga
Ano- ano ang mga aral na maaring iugnay sa tunay na buhay?

IV. EVALUATION
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Ano ang pangalan ng anak ng salamangkero?
Ano ang pangalan ng salamangkero?
Ano ang kulay ng suklay ni Pedrito?

V. TAKDANG ARALIN
Magbigay ng 5 halimbawa ng gawaing bahay na nakatutulong sa inyong magulang.
1.
2.
3.
4.
5.

You might also like