You are on page 1of 2

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon IX, Lungsod ng Zamboanga


MATAAS NA PAARALAN NG LUNGSOD NG ZAMBOANGA
Kalye Don Alfaro, Tetuan, Lungsod ng Zamboanga

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

Ika-14 ng Nobyembre, 2018

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa pagbasa ng mitolohiya.

B. Pamantayang Pagganap
Naipamamalas ang pag-unawa sa nabasang teksto gamit ang iba’t ibang kakayahang MI.

C. Kasanayang Pampagkatuto
1. Nauunawaan ang kahulugan ng mitolohiya hango sa nabasang teksto.
2. Naipamamalas ang pag-unawa sa nabasang teksto gamit ang iba’t ibang kakayahang MI.
3. Nabibigyang halaga ang kultura/kaugalian na naipakita sa akda.

II. NILALAMAN

A. SANGGUNIAN
a. Filipino 10 – Panitikang Pandaigdig (Liongo – Mitolohiya) pah. 245-246

B. IBA PANG SANGGUNIAN


a. https://www.youtube.com/watch?v=VAqOxM8qeOo.

C. PAGSASANIB
a. ESP at Araling Panlipunan

III. PAMAMARAAN
A. PAGSISIMULA NG BAGONG ARALIN
 Magpapakita ang guro ng video clip mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=VAqOxM8qeOo.
 Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral:
 Hango sa video na nakita, anong lugar o bansa ang isinasalamin nito?
 Kilalanin natin ang makulay na kultura ng mga taga-Kenya sa pamamagitan ng pagbasa ng isang
akdang pampanitikan mula sa ditto.

B. PAGHAHABI NG LAYUNIN
 Ipapaskil ng guro ang mga inaasahang layunin para sa araw na ito.
1. Nauunawaan ang kahulugan ng mitolohiya hango sa nabasang teksto.
2. Naipamamalas ang pag-unawa sa nabasang teksto gamit ang iba’t ibang kakayahang MI.
(MI: Paglalapat ng awit, Pagguhit, Pagsulat).
3. Nabibigyang halaga ang kultura/kaugalian na naipakita sa akda.

C. PAGTALAKAY SA BAGONG KONSEPTO at PAGSASANAY NG BAGONG KASANAYAN


 Babasahin ang akdang “Liongo”.

 Magkakaroon ng talakayan tungkol sa nabasa:


 Ano ang suliranin ng tauhan?
 Makatuwiran ba ang kaniyang naging desisyon? Patunayan.
 Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Liongo? Ipaliwanag.
 Sa inyong palagay ano-anong kultura ng bansang Kenya ang sumasalamin sa akda?
 Anong mahahalagang aral ang nais nitong ipabatid mula sa iyong binasang akda?

 Mga Karagdagang Impormasyon na ibabahagi sa talakayan:


 Ang mitolohiya ay mga kwentong-bayan na naglalahad tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, at
mga kakaibang nilalang.

D. PAGLINANG SA KABIHASAAN (Formative Assessment)


 Magsasagawa ng pangkatang gawain gamit ang Differentiated Strategy.
 Ang bawat gawain ay maglalayon na higit pang mapaigting ang pag-unawa sa nabasang teksto.
 Pangkat 1 at 3 : Bumuo ng isang awitin na maglalarawan sa katangian ni Liongo.
 Pangkat 2 at 4 : Gumuhit ng isang timeline na siyang pagpamamalas ng pagkakasunod-sunod ng
mga mga pangyayari.
 Pangkat 3 at 6 : Mag-isip at bumuo ng alternatibong wakas ng kwento.

 Pagkatapos ng presentasyon, magbibigay ang guro ng pangkalahatang puna.

E. PAGLALAHAT NG ARALIN
 Indibidwal na gawain.
 Maglalaan ng guro ng isang LEAF-let. Isusulat ng mga mag-aaral ang mga natutuhan sa araw na
ito.
 Ibabahagi rin sa papel ang mga kultura/kaugalian na natutunan mula sa nabasang teksto.

F. PAGTATAYA NG ARALIN
I. Unawain ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
(5 puntos)

_____ 1. Ang bansang Kenya ay matatagpuan sa kontinenteng?


a. Asya b. Latin America c. Europe d. Africa
_____ 2. Ang mitolohiya ay maaaring patungkol sa mga sumusunod na pagpipilian maliban
sa ______________.
a. diyos b. diyosa c. bayani d. anito
_____ 3. Ang pangunahing tauhan sa kwentong binasa ay si ___________________.
a. Ahmad b. Liongo c. Mbwasho d. Ungwana
_____ 4. Sino ang pumaslang kay Liongo?
a. Ang kaniyang ina
b. Ang kaniyang asawa
c. Ang kaniyang anak
d. Ang kaniyang kapatid
_____ 5. Ano ang ipinagkaloob ng hari kay Liongo?
a. ang buong kaharian
b. anak nito
c. maraming kayamanan
d. kapangyarihan

II. Ibahagi ang mga natatanging katangian ni Liongo na iyong pinakanagustuhan. Ipaliwanag kung
bakit mo ito nagustuhan, (5 puntos).

G. KASUNDUAN
 Maghanap ng quotes na salin mula sa Ingles, ibabahagi ito sa klase sa susunod na pagkikita.

IV. PUNA

You might also like