You are on page 1of 4

SAPINOSO,RONNEL O.

BSED 4-1 FILIPINO MAJOR


BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
(Panitikan)

Ika-14 ng Oktubre, ,2021


I.Layunin
Pagkatapos ng apatnapu’t limang monitor(45) ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.Nakikilala ang mga tauhan sa akdang “Mensahe ng Butil ng kape” na isinalin sa
Filipino ni Willita A. Enrijo.
2.Naipapakita ang pagiging matatag at positibong pag-iisip sa kabila ng mga
pinagdaraanang suliranin sa buhay.
3.Nakapagsasadula ng kaugnay na pangyayari sa kuwento na mismong naranasan sa
totoong buhay.
II.Paksang-Aralin
A.Paksa: Mensahe ng Butil ng kape isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
B.Sanggunian: Aklat para sa mag-aaral sa Filipino 10-Panitikang Pandaigdig,pahina 50-
51
C.Kagamitang Panturo: Mga larawan,tsart,sipi ng aralin at kartolina
III.Pamamaraan
A.Pang araw-araw na Gawain
1.Pagbati ng Guro
2.Pagsasaayos ng silid-aralan
3.Pagtatala ng liban sa klase

B.Pagganyak
(Isa-isang ipapakita ng guro ang mga larawan na kaniyang hawak.Mula rito ay tatawag
siya ng ilang mag-aaral upang idikit o ilagay ang mga ito sa tsart.Matapos nito ay
magbibigay siya ng tanong sa klase.)
Mga gabay na tanong:
1.Ano-ano ang inyong nakikita sa larawan?
2.Sa inyong palagay kung magiging katulad kayo ng isa sa tatlong iyan,alin kayo diyan
at bakit?
C.Paglalahad
Ngayon,marahil kayo’y nagtataka kung bakit ang mga larawang iyan ang aking
ipinakita.Ito ay sapagkat ang bawat nasa larawan ay may kinalaman sa ating
tatalakayin ngayong araw na may pamagat na ”Mensahe ng Butil ng Kape”salin sa
Filipino ni Willita A. Enrijo.Subalit bago tayo magpatuloy tayo muna ay magpayaman ng
talasalitaan.
D.Talasalitaan
Panuto: Piliin mula sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng salita sa bawat bilang.

Naghuhukay Inihalo Itanim/Alalahanin

Nagrereklamo. Naguguluhan

1.Nagbubungkal=
2.Ngmamaktol=
3.Inilahok=
4.Nagugulumihanan=
5.Ikintal=
Sagot :
1.Naghuhukay 2.Nagrereklamo 3.Inihalo 4.Naguguluhan 5.Itanim/Alalahanin
(Gamitin ang mga salitang ito sa pangungusap)

E.Pagtalakay/Talakayan
(Magbibigay ng sipi ang guro, sa loob ng sampung minuto ay tahimik na magbabasa
ang klase.Matapos basahin ang kuwento ay magtatanong ang guro.)

1.Sino-Sino ang mga tauhan sa kuwento?


2.Paano inilarawan ng ama sa kaniyang anak ang mga tauhan na sina carrot,itlog at
kape bago at matapos ilagay sa kumukulong tubig?
3.Kung ihahalintulad ninyo ang inyong mga sarili sa tatlo sino kayo at bakit?
4.Minsan ba sa iyong buhay ay naging tulad ka ng kape na sumisimbolo sa pagiging
matatag nang ikaw ay malagay sa isang suliranin?o naging katulad ka rin nina carrot at
itlog na naging mahina at walang paninindigan?
5.Ao ang aral na makukuha sa kuwento?
F.Pagpapahalaga
(Magkakaroon ng pangkatang gawain.Hahatiin sa tatlong grupo ang klase.Bubunot ang
bawat pinuno ng pangkat mula sa nakarolyong kapirasong papel na naglalaman ng
tatlong karakter sa kuwento na sina carrot,itlog at kape.Mula sa nabunot ng bawat
pangkat ay magsasagawa sila ng maikling dula tampok ang mga katangiang tinataglay
ng kanilang napili.
Pamantayan sa Pagmamarka. Bahagdan
Pagkamalikhain. 30%
Kaayusan ng mga ideya. 30%
Kaugnayan sa paksa. 20%
Kalinawan at kakintalan 20%

Kabuuan: 100%
G.Paglalapat
1.Kung dumating ka sa puntong nalagay ka sa matinding pagsubok ng iyong buhay,
paano mo ito haharapin?
2.Kaya mo rin bang maging tulad ng butil ng kape na sumisimbolo sa katatagan ng loob
sa sandaling ikaw ay may kinaharap na suliranin?Magpapadala ka ba sa agos o hihinto
na lamang?
3.Bilang isang mag-aaral maraming pagkakataon na haharap kayo sa iba’t-ibang
problema, paano ninyo ito nilulutas?
H.Ebalwasyon

Panuto: Sumulat ng isang karanasan sa buhay na nagpapakita ng katatagan ng iyong


loob sa pagharap sa hamon ng buhay.Gawin ito sa isang malinis na papel.

IV.Takdang-Aralin
Basahin ang isang parabula na pinamagatang “Ang Tusong Katiwala”parabula mula sa
Syria.Ihanda ang sarili sa mga maaaring itanong ng guro.
Sanggunian:Aklat para sa mag-aaral sa Filipino-10-Panitikang Pandaigdig

You might also like