You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO IV

I. Layunin.

Sa pagtatapos ng aralin, ang maga mag-aaral ay inaasahang:

A. Natutukoy ang gamit ng pang-abay.

B. Makapagbibigay ng pangungusap na ginagamitan ng pang-abay.

C. Natutukoy ang mga urri ng pang-abay.

II. Paksang-Aralin: Gamit ng Pang Abay

Kagamitan: Laptop, Visual Aids, Powerpoint Presentation, Tape, Telebisyon

Sanggunian: Grade 4 Learning Materials

III. Pamamaraan.

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral ng isang “magandang araw”

3. Pagtatala ng lumiban

B. Pagganyak.

Ilarawan mo!

creativemarket.com

Magpapakita ang guro ng larawan sa harap ng klase. Magtatawag ang guro ng

mag-aaral upang ilarawan ang kanilang nakikita.

C. Pagtalakay

1) Pagbabasa ng Maikling Kuwento

 Tatawag ng mag-aaral na gaganap sa karakter ni Ted at Tatay sa kuwento na ibibigay ng guro.


2) Pagtalakay sa Nilalaman ng Maikling Kuwento

 Dito tatalakayin ang mga tanong kaugnay sa kuwentong binasa

3) Pagtatalakay sa Pang-Abay

- Kahulugan ng Pang-Abay

- Halimbawa ng pangungusap na ginagamitan ng pang-abay.

- Mga Uri ng Pang-abay (Panlunan, Pamanahon, Pamaraan)

D. Pagpapahalaga

Tanong: Bakit tayo gumagamit ng pang-abay?

E. Paglalahat

1) Ano ang pang-abay?

2) Ano-ano ang mga uri ng pang-abay?

3) Magbigay ng mga pangungusap gamit ang pang-abay

F. Paglalapat

Magpapakita ang guro ng mga larawan na mayroong pangungusap, tutukuyin ng mga mag-
aaral kung saan ang pang-abay na ginamit at kung anong uri ng pang-abay ito.

IV. Pagtataya

Panuto: Iguhit ang kung ang salitang may salungguhit ay pang-abay na pamaraan,
kung pang-abay na panlunan, kung pang-abay na pamanahon.

1. Mabagal na sumunod si Mary sa kaniyang kapatid.

2. Nagkita sa simbahan ang magkakaibigan.

3. Si Marie ay umuwi na sa kanilang lugar kahapon.

4. Sa susunod na buwan ay babalik na sa trabaho niya ang tatay.

5. Pabulong na nag-uusap ang magkakapatid upang hindi magising ang ina.

V. Takdang-Aralin

Panuto: Sa isang buong papel, sumulat ng limang pangungusap gamit ang pang-abay na

pamamaraan, pang-abay na panlunan at pang-abay na pamanahon.

Inihanda ni:

JULIET M. LEYTE
MT-I

You might also like