Professional Documents
Culture Documents
Pagtataya
Panuto:Punan ng tamang salita ang bawat patlang
upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
1.Isang aliping Griyego na nagngangalang Livius
Andronicus ,nagsalin ng Odyssey ni Homer.
2.Sina Naevius at Ennius ay gumawa ng mga pagsasalin
sa Latin ng mga dulang Griyego.
3.Ayon kay savory may mga pangkat ng mga iskolar na
nagsalin sa wikang Arabic sa mga
isinulat nina Aristotle,Plato,Galen at Hippocrates.
4.Noong 1200 A.D. ay lumabas ang naging dakilang salin
ng Liber Gestorum Barlaam et Josaphat
ang orihinal na teksto nito ay nakasulat sa Griyego.
5.Noong 1603 ay lumabas ang salin ni John Florio sa
_Essay ni Montaige,isang babasahing
itinuturing na kasinghusay ng Plutarch ni North.
6.Ang “Essay on the Principles of Translation” ni
Alexander Tyler ,binigyang diin ditto ang panuntunan ng
pagsasalin.
7.Dahil sa paniniwala ni John Dryden_na ang pagsasalin
ay isang sining, kung kaya binigyan niya ito ng masusing
pag-aaral.
8.Sa ikalabindalawang siglo rin nagsimula ang pagsasalin
ng Bibliya.
9.Dumating ang panahon na nawalan ng sigla ang isang
pangkat ng iskolar na tagasalin ,dahil napabaling ang
kanilang kawilihan sa pagsulat ng pampilosopiyang
artikulo.
10.Ang pinakamabuting salin sa Bibliya ay salin ni Haring
James