You are on page 1of 1

Ano na ba ang nangyayari sa West Philippine Sea?

Bangkang Gem Ver binangga ng mga Chinese


Noong 2019, nangingisda ang mga Filipino sa Recto Bank. Ang Recto Bank
ay isang anyong tubig na matatagpuan sa West Philippine Sea. Habang sila
ay nangingisda, bigla na lamang silang binangga ng mga Chinese na
nakasakay sa isang mas malaking bangka. Iniwan sila ng mga Chinese sa
gitna ng dagat pagkatapos noon. Naghintay sila ng ilang oras para ma-
rescue.

Ang makikita sa larawan ay ang sirang bangka na Gem Ver.

Chinese artificial islands sa West Philippine Sea


Patuloy ang pagpunta at pagdami ng mga Chinese
na barko at military ships sa West Philippine Sea.
Bukod dito, patuloy din ang pagtatayo ng mga
artificial islands sa ating teritoryo.

Ang West Philippine Sea ay puno ng resources. Ang


resources na ito ay kayamanan ng Filipinas at
nakatutulong sa hanapbuhay ng mga Filipinong
nakatira malapit doon. Mayaman din ang West
Philippine Sea sa marine life tulad ng corals at iba't
ibang klase ng isda.

Kung patuloy ang pagtatayo ng artificial islands,


masisira ang natural na tirahan ng mga hayop sa
dagat, mauubos ang ating resources at
mawawalan ng hanapbuhay ang mga Filipino.

You might also like