You are on page 1of 1

Ang papel ng Industriyang Marino sa Pambansang

Industriya at Ekonomiya

Ang pagiging marino ay isang propesyon na importante sa pag-unlad ng ekonomiya at


lipunan. Isa itong propesyon na nagbibigay ng oportunidad sa mga marino na maglakbay sa
buong mundo at magkaroon ng mataas na sahod na magbibigay sa kanila ng pera para
magkaroon ng magandang kabuhayan at kinabukasan para sa kanila at sa kanilang pamilya.
Ngunit sa kabila ng magandang sahod at pagkakataon na maglakbay sa iba’t ibang lugar sa
mundo pagiging malayo sa pamilya ang kapalit ng propesyon ng mga marino. Ang pagiging
malayo sa pamilya buhat ng paglalakbay sa barko papuntang ibang bansa. Ang propesyong
Marino ay may malaking ambag sa pag unlad ng industriya at ekonomiya. Ito ang nagbibigay
daan sa mga produkto galing sa ibang bansa papunta sa bansa natin. Ang mga barkong
naglalaman ng mga produkto at mga kayamanan na galing sa ibang bansa na pinapadala sa
ibang banasa upang ibenta. Nagdudulot ito ng magandang kalakaran sa industriya at pag
unlad ng bansa. Kung walang mga marino, walang magdadala ng mga produkto mula sa
isang lugar papunta sa iba. Walang barkong mag-eexport o import ng mga produkto na
kailangan ng mga konsyumer o mamamayan ng isang ekonomiya. Ang industriyang marino
ang umaambag ng malaki sa pangdaigdigang kalakaran, ang pagaangkat ng mga produkto at
pagpapadala nito sa mga barko papuntang ibang bansa ay nagpapatunay na isa itong
importanteng aspekto ng pag-unlad ng bansa.

You might also like