You are on page 1of 23

FT 606 - Pahambing na Pag-aaral sa Iba’t Ibang

Wika sa Pilipinas

GLOSARYO NG MGA LEKSIKON O KATAWAGAN

SA LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD SA HANAPBUHAY NG PORTMAN, BOATMAN


AT CREW SA STA. ROSA FERRY AND STA.ROSA FERRY EXPRESS

IPINASA NI: Benjamin Eyas Ochea


(MAG-AARAL)

IPINASA KAY: Dr. Arnel T. Noval


(GURO)
GLOSARYO NG MGA LEKSIKON O KATAWAGAN SA LINGGWISTIKONG
KOMUNIDAD SA HANAPBUHAY NG PORTMAN, BOATMAN AT CREW SA STA.
ROSA FERRY AND STA.ROSA FERRY EXPRESS

I. LAYUNIN

Nilalayon sa papel na ito na mailahad ang mga leksikon ng linggwistikong


komunidad sa paghahanapbuhay ng portman, boatman at crew sa Sta. Rosa Ferry and
Sta. Rosa Ferry Express. Ninais na matamo ang paglalahad sa limampung (50) leksikong
nakalap na may kinalaman sa kagamitan at proseso sa paghahanapbuhay. Layon din sa
papel na masuri mula sa nalikom na limampung salita ang pagbibigay nito sa salin sa
Filipino, bahagi ng pananalita, at ang kahulugan nito na ayon sa kung paano ito ginamit
na konteksto sa naturang hanapbuhay. Bilang karagdagan, tunguhin din nito na
makaambag sa lipunan sa pamamagitan nang paggawa ng isang glosaryong papel bilang
isang gawaing pampagkatuto na maaaring magamit ng mga tao sa isla ng Olango, mag-
aaral, guro at maging sa komunidad ng Lapu-Lapu na mabigyang pagpapahalaga ang
mga leksikong ito na maipreserba at maituro sa susunod na henerasyon.

II. INTRODUKSYON

Ang bansang Pilipinas ay nahahati sa maraming kapuluan at binubuo ng mga


rehiyon na may iba’t ibang wikang ginagamit. Sinasabing ang bawat rehiyon ay may
natatanging wika at nakaimpluwensiya ito sa kulturang kinabibilangan ng isang lugar.
Nabubuhay at nabigyan ng pagkakakilanlan ang isang tao dahil sa kultura nitong
pinagmulan at nakakasabay sa hamon ng buhay dahil sa wikang ginagamit. Ayon nga kay
(Almario, 2013), napalaki ng ginagampanan ng wika at kultura sa pang-araw-araw na
buhay ng mga tao. Ito ang nagsisilbing batas ng mga tao na bahagi na sa pamumuhay
nila. Ibig sabihin lamang nito kakambal ng isang kultura ang wika sapagkat nagkakaroon
ang isang tao na makibaka at makisalamuha dahil sa ugnayan nito sa wika kaya ito
nagkakaunawaan. Ayon naman kay (Salazar, 1996) na kung ang kultura ay ang kabuuan
ng isip, damdamin, gawi, kaalaman at karanasan na nagtatakdang maangkin ang
kakanyahan ng isang kalipunan ng tao, ang wika ay di lamang daluyan kundi, higit pa rito,
tagapagpahayag at impukan-imbakan ng alinmang kultura.
Ang wika ay malawak ang kahulugan at ito ay lundayan ng komunikasyon upang
makausad ang tao sa paghahanapbuhay. Ang wika kasi ay dinamiko at natatangi. Ito ang
nagsilbing hamon upang suriin ang mga leksikon o katawagan sa linggwistiko nitong
komunidad sa paghahanapbuhay ng Boatman, Portman at Crew sa Sta. Rosa Ferry and
Sta. Rosa Ferry Express. Ayon kay (Gumperz,1968) na ang isang lingguwistikong
komunidad ay isang lipon ng mga taong may iisang kalipunan ng mga verbal na simbolo
ngunit maaari din namang may pagkakaiba sa wikang ginagamit ngunit regular at madalas
na nag-uugnayan sa isa’t-isa. Ibig sabihin na nagkakaroon ng panibagong konteksto ang
isang salita kung paano ito ginamit at binigyan ng pagpapakahulugan sa isang partikular
na komunidad. Masasabing sa iba’t ibang klase ng komunidad nagkakaroon ito ng mga
salitang sila lamang ang nagkakaunawaan. May mga permanenteng wika, may mga kusa
namang nawawala sa sirkulasyon sa pagdaan ng panahon. Magkakaiba man, ang
mahalaga ay ang dulot nitong pinagbuting pagkakaunawaan at pagkakaintindihan ng
bawat tao or grupo ng tao na gumagamit nito.

Piniling pag-aralan ang hanapbuhay ng Pamamangka ng mga Portman, Boatman


at Crew sa Sta. Rosa Ferry and Sta. Rosa Ferry Express sa Isla ng Olango kung saan
ang mananaliksik ay nagmula at namulat sa ganda ng kalikasan. Bilang pagpapahalaga
din ito sa isang napakahalagang uri ng pamumuhay mayroon ang Isla sapagkat hindi
magiging magaan ang takbo ng pamumuhay ng mga taong naninirahan sa Isla kung wala
ang mga taong buong araw na nagseserbisyo upang maihatid sa siyudad ng Lapu-Lapu
o vice versa ang mga pasahero. Maipakita din ang mga tampok na mga leksikong
mayroon ito at mabigyan ito ng pagpapahalaga sa komunidad sa pamamagitan ng
pagpepreserba at magamit sa pagtuturo kung kinakailangan. Ang pag-aaral na ito ay
naganap sa Isla ng Olango partikular sa Barangay Sta. Rosa na siyang lungsod ng Isla.
Binubuo ito ng labing-isa na Barangay nariyan ang Baring, Tingo Caw-oy, Talima, Sta.
Rosa (kung saan setting ng pag-aaral), San Vicente, Tungasan, Sabang, at tatlong maliliit
na isla o satellite islets, nariyan ang Caubian, Caohagan, at Pangan-an. Ang Isla ng
Olango ay may kabuuang lawak ng lupain na humigit-kumulang 1,030 ektarya (2,500
ektarya). Ang reef flat-lagoon na nakapalibot sa isla ng Olango ay itinuturing na isa sa
pinakamalawak na reef area sa Central Visayas. Isang kabuuang 4,482 ektarya (11,080
ektarya) ng malawak na mabuhangin na dalampasigan, mabatong baybayin, inshore flat,
seagrass bed, coral reef, mangrove forest, mudflats, at salt marsh grass ang nakapalibot
sa Olango at sa mga satellite islet nito. Nahahati ito sa ilalim ng hurisdiksyon ng lungsod
ng Lapu-Lapu. Ito ay nasa 5 kilometro (3.1 mi) silangan ng Mactan at isang pangunahing
destinasyon ng turista sa Cebu. Kilala ito sa wildlife sanctuary nito. Ang buong lugar ay
ang unang idineklarang Ramsar Wetland Site sa Pilipinas, na kinilala noong 1994. Ang
mga tradisyunal na hanapbuhay ng mga residente ay pangingisda at mga aktibidad na
nauugnay sa baybayin tulad ng shellcraft, pagpapatakbo ng bangka, at pagsasaka ng
seaweed. Ang iba pang pinagmumulan ng kita ay kinabibilangan ng mga pag-aalaga ng
hayop, maliit na negosyo (sari-sari store) at kamakailan, iba't ibang uri ng trabaho mula
sa mga aktibidad sa turismo. Kaya hindi maitatanggi na ang mga leksikong nagagamit ng
mga Boatman, Portman, at Crew sa Sta. Rosa Ferry and Sta. Rosa Ferry Express ay nasa
salitang Ingles pagdating sa kagamitan. Hiniram na lamang ito sa wikang banyaga
sapagkat wala itong makikitang salita na panumbas sa una nitong wika. Malaki ding
impluwensiya ang mga turistang dumarayo sa isla na madalas ang sinasalita ay
pinaghalong bisaya at Ingles, kaya naiimpluwensiyahan din nito ang mga salita sa
pamamangka partikular sa mga kagamitan nito na makikita sa ferryboat at prosesong
ginagawa ng mga boatman, portman at crew sa pagseserbisyo.

Naisasagawa ang proseso kung paano ang daloy ng pamamangka ng boatman,


portman, at crew ang kanilang pagseserbisyo sa mga pasahero sa Isla ng Olango.

Proseso sa Pagbiyahe:

1. Mupalit una ang pasahero ug tiket sa ticketbooth kung musakay ni sa ferryboat.


Ang atong ticket sir kay mabayran ug triyenta (30) pesos para sa mga nag-edad
ug kinse hangtud singkwenta y nieve, biyente kuatro (24) pesos para sa mga nag-
edad ug onse pataas na nag-eskwela ug katung mga senior citizen basta naa lang
silay maipakita nga ID sa ilang eskwelahan ug senior citizen ID sir, ug kinse (15)
pesos sa mga nag-edad ug tres hangtud diyes.

(Bibili muna ang isang pasahero ng tiket sa ticket booth kung saan ito ay
nagkakahalaga sa tatlumpung piso (30) para sa mga 15 hanggang 59 na taong
gulang, dalawampu’t-apat para sa mga 11 na taong gulang na nag-aaral pa at
iyong mga senior citizen basta may maipapakita lamang ito na ID sa kanilang
paaralan at senior citizen ID, at labing-limang piso (15) naman para sa mga 3
hanggang 10 na taong gulang.)

2. Inig human sa pagpalit ug tiket. Pwede na sir makasakay sa ferryboat ang


pasahero. Una kini makasakay kay mulabang ni siya sa atung gitawag na damyo
sa ferryboat na ang crew maoy mukolekta sa gipalit nga tiket kada usa. Sa
paglabang sa damyo sir, kay naa ray boatman mag-atang para mu-agak sa
pasahero para sad dili ni mahug bitaw sa dagat. Kasagaran gibuhat ni sa mga
boatman samot katung pasahero sir na senior citizen, mga mabdos, mga bata ug
katung mga pasahero nga nay daghan nga gamit gibitbit.

(Pagkatapos makabili ng tiket. Maaari na itong makasakay sa ferryboat ang


pasahero. Bago ito makasakay, kinakailangan muna nitong makatawid sa
hagdanan o damyo sa ferryboat na may crew na nag-aabang upang kumolekta sa
mga tiket ng pasahero bawat isa. Sa pagtawid naman, mayroong boatman ang
nag-aabang sa pagtawid upang hindi mahulog ang pasahero sa dagat. Ginagawa
ito madalas ang pagtulong ng boatman sa mga senior citizens, mga nagdadalang-
tao, mga bata at maging mga pasaherong may mabibigat na gamit.)

3. Usa pa di ay sir, katung mga pasahero bitaw na nay daghan na kargamento


pwede ra man sad sila manugo sa crew para sila na lang ang musakwat ug isakay
ni sa ferryboat. Mubayad ra ang pasahero sa mga crew ug depende sa ilang sabot
sir kung pila jud ang mabayad sa pasahero.

(Isa pa, iyong mga pasaherong may maraming gamit o kargamento maaaring
tumawag o mag-utos sa mga crew ng ferryboat upang ito na ang magbuhat sa
gamit. Babayaran ito ng pasahero depende sa napagkasunduang halaga sa
pagitan ng pasahero at crew.)

4. Kasagaran sa sistema jud sa ferryboat sir kay dili man jud ni mularga kung wala
pa ni kaabot sa maximum capacity o sa gisunod na oras niini na mularga. Katung
mga pasahero na nagpaabot sir kay malingaw ra man sila while nagpaabot kay
naa ra man TV ang atung ferryboat atubangan niini para sad dili sila laayan ba.

(Kadalasan talaga sa sistema dito sa ferryboat bago ito bibiyahe ay tinitingnan nito
kung hindi pa ba ito nakaabot sa maximum capacity o sa oras nito na sinusunod
ng pagbibiyahe. Iyong mga pasahero na naghihintay, ay maaaring manood muna
ang mga ito ng movies sa telebisyon na nakadikit sa harapang pader ng ferryboat
upang sila ay malibang.)

5. Kung oras na gani na mubiyahe na jud ang ferryboat sir kay mutawag rana ang
portman sa cashier sa ticket booth gamit ang communication radio para sad
makahibaw sila ba kung wala na bay muapas ug sakay na pasahero. Kung
muingun gani na wala na, anha na tangtangon sa portman ang pisi na gihikot sa
semento sa pantalan ug birahun ang pisi sa boatman para ni isakay.

(Kung oras na upang bumiyahe ang ferryboat, tatawag ang portman sa kahera ng
ticket booth gamit ang communication radio upang malaman kung wala na bang
hahabol na pasahero upang sumakay. Kung tutugon ang kahera na wala na nga,
tatanggalin ng portman ang lubid na nakagapos sa pader ng pantalan at hihilahin
ito ng boatman upang maisakay.)

6. Sa part sad sa boatman sir na naas tumoy sa ferryboat, ilahang assignment na


sir ang pagbira sa angkla para makuha ug masakay ni. Dayun ang crew sir mao
sad nay musignal sa kapitan sa ferryboat para makabiyahe na jud.

(Ang gawain naman ng boatman na nasa dulong bahagi ng ferryboat, sila iyong
nakatuka upang hilahin ang angkla upang ito ay makuha at maisakay. Pagkatapos,
ang crew ang magbibigay hudyat sa kapitan ng ferryboat upang ganap nang
bumiyahe.)

Proseso sa Pagdaong:

1. Inig padung na dunggo ang ferryboat sir, wala ra may kalahian kung padung na
biyahe ang ferryboat sir. Basta inig padung na gani dunggo sa Angasil, pahinayan
dayun nas kapitan ang pagpadagan sa ferryboat.

(Kung malapit na ang pagdaong sa ferryboat, wala lamang itong kaibahan sa


proseso sa pagbiyahe. Kung malapit na nga sa pantalan ng Angasil, bahagyang
babagalan ng Kapitan ang pagpapatakbo sa ferryboat.)

2. Kung hapit na gani maabot sa pantalan sa Angasil sir, kay katung portman sa
Angasil kay mag-atang dayun na sila kay ang boatman nga anaa sa ferryboat ilaha
na ilabay ang pisi sa pantalan ug ilaha ning ihikot sa semento sa pantalan sa
Angasil.

(Kung dadaong na nga sa pantalan ng Angasil, iyong portman na nasa pantalan


ay hihintayin ang paghagis ng lubid mula sa boatman na nasa ferryboat upang ang
lubid na iyon ay itali sa semento sa pantalan ng Angasil.)
3. Dayun katung boatman naa sa pinakatumoy sa ferryboat sir kay ilabay dayun
tuh nila ang angkla sa dagat sakto ra sad mabana-bana bitaw na makadunggo ra
sa pantalan ang ferryboat sir. Maayu naman kaayu sila mu-estimate sa gilay-on.
Ang kaning paghikot sa pisi ug paglabay ug angkla sir kay mao ni siya ang
maghatag ug balanse sa ferryboat para bitaw dili mapalid sa hangin ug bawud.
Isteady ra ang iyang pagkahimutang sir ba.

(Pagkatapos, iyong boatman naman na nasa pinakadulong bahagi ng ferryboat ay


nakatuka sa paghagis naman ng angkla sa dagat, tinitiyempo na ang ferryboat ay
makakadaong sa pantalan. Iyong mga boatman na gumagawa nito ay naka-
estimate na sa layo kung kalian ito ihahagis. Ang pagtali sa lubid at paghagis sa
angkla, ito yung magbibigay balanse sa ferryboat upang hindi ito mahagip ng
hangip at alon. Ang pagkakalagay nito ay steady lamang.)

4. Kung okay na gani tanan, ang paghikot sa pisi ug paglabay sa angkla, ayha na
ipahimutang ang pagbutang sa damyo sir para makanaog ang mga pasahero sa
pantalan.

(Kapag okay na lahat, ang pagtali sa lubid at paghagis sa angkla, dito na ilalagay
ang damyo o hagdanan upang ang mga pasahero ay makatawid papuntang
pantalan.)

5. Katung mga pasahero na naay daghang karga o gamit sir, manawag o manugo
ra gehapon na siya sa mga crew sa ferryboat na maoy musakwat panaog. Dayun
ug wala nay pasahero anha nami manawat ug laing pasahero na pauli nasad sa
Olango.

(Iyong mga pasaherong may maraming kargamento o gamit, maaari itong tatawag
o mag-utos ulit sa crew ng ferryboat upang buhatin ito pababa. Kung tapos na
lahat, dito na maaaring sumakay ang pasaherong pauwi sa Isla ng Olango.)

Ang proseso ng pamamangka sa Isla ng Olango ay nagpapakita lamang sa


ugnayan ng kulturang kinabibilangan. Ang kulturang pagiging matatag at
pagkakaisa upang maisagawa ang tungkulin nitong makapaghatid ng buong
serbisyo sa mga pasahero mula sa Isla ng Olango at mga turistang dumadarayo
sa isla. Ang pagiging matulungin sa mga matatanda, mga nagdadalantao at mga
mga bata sa pagtawid sa damyo o hagdanan sa ferryboat ay isa sa makikitang
kultura ng pagiging Pilipino. Nagpapakita lamang ito na talagang likas pa rin sa
mga boatman ang pagiging matulungin sa kapwa. Hindi din maitatanggi na sa
kulturang mayroon ang naghahanapbuhay sa ferryboat umiiral din dito ang
pagkakaroon ng ugnayan sa wika sapagkat umiiral ang pagkakaintindihan sa
trabahong nabanggit ang paggamit ng iisang wika. Napapayaman ang salitang
umiikot sa kanilang trabaho sa pamamagitan ng paggamit nito. May mga salitang
iba ang pagkakahulugan ng karamihan sa kung ano ang gamit nito, ngunit sa
punto ng konteksto sa paggamit sa pamamangka kung paano ginamit ang isang
bagay ay nagkakaroon na ng ibang pagpapakahulugan. Gaya halimbawa ang
salitang gulong, na ginamit sa naturang paghahanapbuhay na kanilang ginamit
upang magbigay suporta sa damyo o hagdanan nang sa ganun makatawid nang
mabuti pababa ang mga pasahero. Nagpapakita lamang ito ng pagpapayaman sa
wika at binigyan ng ibang konteksto sa kung paano ito ginamit at maging
makabuluhan sa pagsasagawa sa trabaho.

Bilang kabuuan, ang kahalagahan sa pagsulat ng papel na ito ay mailahad din ang
prosesong mayroon sa Sta. Rosa Ferry at Sta. Rosa Ferry Express. Simula sa pagbili ng
tiket, pagtawid sa hagdanan o damyo, hanggang sa makasakay at maibiyahe sa lungsod
ng Lapu-Lapu o pabalik sa isla o vice versa. Maipakita rin ang kulturang Pilipino na
namayani sa mga nagsasagawa ng pamamangka tulad ng pagtulong sa matatanda, bata
at mga nagdadalan-tao sa pagtawid o ang pagbuhat sa mga kargamento ng mga
pasahero. Ang pagsasagawa sa ferryboat ay upang mabigyan ding pagpapahalaga ng
mga kabataan sa isla maging sa lungsod ng Lapu-Lapu na maipuso ang ganitong klase
na trabaho.

III. PARAAN SA PAGLIKOM NG MGA LEKSIKON/SALITA

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng Disenyong Palarawan/Deskriptibo. Layunin


ng disenyong ito na mailahad ang paglikom ng mga datos at maitampok ang salin nito sa
Filipino, matukoy ang Bahagi ng Pananalita at mabigyan ng kahulugan alinsunod sa kung
paano ito ginamit ng mga partisipante sa piniling pag-aaral. Sinuri ito upang maipakita sa
mambabasa ang katangian ng wikang ginamit.

Ang pag-aaral na ito ay dumaan sa masistematikong proseso kung saan pinili ng


mananaliksik ang partisipante ayon sa kriterya nito na (a) nagtatrabaho sa ganitong uri ng
hanapbuhay tatlong taon mahigit (b) at boluntaryong nakikilahok na walang
pagdadalawang-isip. Isinasagawa ang pananaliksik sa lugar ng pinagtatrabahuan ng mga
partisipante.

Tinatarget ng pag-aaral na ito ay mga:

a. Portman

b. Boatman

c. Crew

Ang mga kalahok sa pag-aaral ay naaayon sa kriterya ng mananaliksik:

(a) nagtatrabaho sa ganitong uri ng hanapbuhay tatlong taon mahigit (b) at


boluntaryong nakikilahok na walang pagdadalawang-isip. Isinasagawa ang pananaliksik
sa lugar ng pinagtrabahuan mga partisipante.

Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang paraan ng pakikipanayam.


Sa pamamagitan nito ay makakakuha ng mabisang impormasyon ang tagasaliksik at
masasagutan ang mga katanungan sa pag-aaral na ito. Ang mga katanungan ay open
ended question kaya malayang napapahayag ng partisipante ang nais nitong sabihin. Ang
tanong na ito ay tumatalakay sa kagamitan, proseso, at maging ang kultura nito sa
paghahanapbuhay. Ang nagiging panayam ay nakarekord sa selpon upang gabay na rin
ng mananaliksik sa pagkuha ng datos na kinakailangan.

Ang talatanungan ay binubuo ng dalawang seksyon ang propayl ng kalahok at ang


tanong. Ang propayl ng kalahok ay naglalaman ng kanilang pangalan, edad, at kasarian.
Ang tanong naman ay konektado lamang sa paksa ng pag-aaral.

Sa pinagmulan ng mga datos, pumili lamang ng tig-dalawang partisipante ang


mananaliksik. Dalawa sa Boatman, Portman at Crew ng Sta. Rosa Ferry. Sa ginawang
pag-aaral, naipabatid ang ginawang pananaliksik at paghingi ng pahintulot na rin sa
pakikipanayam. Siniguro ng mananaliksik na lahat ng datos na nakolekta ay pawang
confidential lamang, kaya nakatitiyak ang partisipante na hindi ito magbibigay ng anumang
problema. Ang pakikipanayam ay nakarekord sa cp na audio tayp. Lahat ng datos na
nakalap ay iaanalisa at itatala ayon sa mga leksikong naibigay ng mga partisipante. Ang
nairekord na audio tayp ay binura pagkatapos makuha ang hinihinging datos ng pag-aaral
bilang pagtanaw na rin ng utang ng loob sa partisipante at privacy.
Sa nakolekta na mga leksikon mula sa mga partisipante ay dito na sisimulan ang
pagbuo ng talahanayan na nagkakategorya sa pagtatala, pagbibigay ng pagsasalin sa
Filipino, pagtukoy saang bahagi ito ng pananalita at pagpapakahulugan nito sa mga salita.
DOCUMENTATIONS
TALAHANAYAN NG MGA LEKSIKON (50 NA SALITA)

MGA LEKSIKON / SALIN SA BAHAGI NG KAHULUGAN


SALITA (50 FILIPINO PANANALITA
SALITA)

Angkla Angkla Pangngalan Ito ay isang aparato, na karaniwang


gawa sa metal na may matutulis sa
magkabilang bahagi at ang nasa
gitna nito ay nakatali ng lubid.
Ginagamit ito bilang pagbibigay
suporta sa sasakyang-pandagat
upang mabalanse sa
pagkakalagay sa pagdaong.
Ginagawa ito ng boatman sa
pamamagitan ng paghagis sa
dagat tuwing malapit na itong
dadaong sa port.

Basurahan Basurahan Pangngalan Ito ay isang lalagyan na gawa sa


plastik na may takip na kung saan
dito inilalagay ang basura tulad ng
mga plastiks, mga tirang pagkain at
iba pa na mula sa mga pasahero,
boatman at crew ng sasakyang-
pandagat.

Battery Baterya Pangngalan


Ito ay isang aparato na gumagawa
ng mga electron sa pamamagitan
ng mga reaksiyong
electrochemical, at naglalaman ng
mga positibong (+) at negatibong (-
) na mga terminal. Ito ay ginagamit
sa makina ng sasakyang-pandagat
o ferryboat upang makapagbigay
enerhiya.

Bintana Bintana Pangngalan Bahagi ng sasakyang-pandagat


upang makalanghap ng simoy ng
hangin ang mga pasahero.

Communication Radio sa Pangngalan Ito ay kulay itim na kahawig ng


Radio Komunikasyon isang selpon na makapal ang
ginamit sa pagkakayari. Ginagamit
ito madalas sa pagitan ng crew at
kapitan sa pakikipag-usap kung ito
ay may nais sabihin o iutos.

Damyo Hagdanan Pangngalan Ito ay yari sa isang tabla na


makapal na ginagawang hagdanan
upang makatawid ang pasahero sa
pagsakay ng sasakyang-pandagat
o ferryboat.

Dinamo Tagabuo Pangngalan Ito ay isang de-kuryenteng


generator na lumilikha ng direktang
kasalukuyang gamit ang isang
commutator. Ito ang sumusuplay
ng enerhiya sa inverter.

Emergency Lights Ilaw ng Pangngalan Ito ay isang battery-backed lighting


Emerhensiya device na awtomatikong bumukas
kapag ang sasakyang-pandagat o
ferryboat ay nawalan ng kuryente.
Ito rin ay ginagamit bilang paalala o
hudyat kung saan nagpapahiwatig
ng pangangailangan ng tulong.

Engine Room Kuwarto ng Pangngalan Ito ay ang compartment na kung


makina saan matatagpuan ang makina na
makikita sa ilalim na bahagi ng
sasakyang pandagat o ferryboat.

Ferryboat Sasakyang- Pangngalan Ito ay isang sasakyang-pandagat


pandagat na naghahatid ng mga pasahero at
kalakal, lalo na sa medyo maikling
distansya at bilang isang regular na
serbisyo. Bumibiyahe ang
sasakyang-pandagat na ito mula sa
Isla ng Olango patungong Angasil
(vice versa).

Fire Extinguisher Fire Extinguisher Pangngalan Ito ay isang portable na aparato na


naglalabas ng jet ng tubig, foam,
gas, o iba pang materyal upang
mapatay ang apoy. Ginagamit ito
upang mapigilan ang pagkakaroon
ng sunog sa bangka o ferryboat.

Gasolina Gasolina Pangngalan Ito ay isang transparent, petroleum


na likido na pangunahing ginagamit
sa karamihan ng mga makinang
panloob. Ginagamit ito upang ang
makina sa bangka o ferryboat ay
umandar.

Hirominta Kasangkapan Pangngalan Ito ay ang mga kagamitan sa


pagkukumpuni sa bangka o
ferryboat kung ito ay may sira o
hindi kaya may depekto sa makina.

Katig Magkabilang Pangngalan Ito makikita sa magkabilang bahagi


bahagi ng ng sasakyang-pandagat na gawa
Bangka sa fiber glass. Ito ay nakatutulong
panlaban sa mga malalakas na
alon at nagbibigay balanse sa
bangka.

Koral Barandilya Pangngalan Ito ay gawa sa fiber glass na


makikita sa gilid ng sasakyang-
pandagat o ferryboat upang
maiwasan ang pagkahulog ng mga
pasahero.
Krudo Krudo Pangngalan Ito ay isang makapal na mataba o
mamantika na likido na
pangunahing kailangan ng makina
ng sasakyang-pandagat o
ferryboat at ginagamit din ito
pantanggal kalawang sa makina.

Kusina Kusina Pangngalan Dito nagluluto ang mga boatman,


portman at crew ng kanilang
pagkain. Ito ay madalas sa dulong
bahagi ng sasakyang-pandagat.

Ligid Gulong Pangngalan Ito isang pabilog na bagay na


umiikot sa isang ehe at nakapirmi
sa ibaba ng sasakyan o iba pang
bagay upang madali itong gumalaw
sa ibabaw ng lupa. Ito ay ginagamit
sa bangka bilang suporta sa
hagdanan o damyo sa pagtawid ng
mga pasahero.

Lingkuranan Upuan Pangngalan Ito ay gawa sa plastik. Nakahanay


ang mga upuang ito magkabilaan.
Upuan ito ng mga pasahero sa
bangka o ferryboat.

Makina Makina Pangngalan Ito ay isang aparatong gawa sa


metal at gumagamit ng mekanikal
na lakas at may tiyak na gawain
ang iba’t ibang bahagi. Ito ay
siyang pangunahing dahilan upang
ang sasakyang-pandagat o
ferryboat ay makabiyahe o
makatakbo.

Megaphone Megapon Pangngalan Ito ay isang malaking funnel-


shaped device para sa
pagpapalakas at pagdidirekta ng
boses. Ginagamit ito ng portman
bilang pantawag sa mga
pasaherong nasa malayo na
magmadali upang makahabol sa
pagsakay.
Navigation Lights Ilaw ng Pag- Pangngalan Ito ay isang hanay ng mga ilaw na
navigate ipinapakita ng bangka o ferryboat
sa gabi upang ipahiwatig ang
posisyon at oryentasyon nito, lalo
na tungkol sa iba pang mga
sasakyang-dagat. Nagagamit ng
kapitan bilang paalala sa mga
sasakyang-pandagat tulad ng
barko na bumibiyahe sa parehong
direksiyon.

Pagdawat Pagtulong Pandiwa Ginagawa ito ng mga crew at


boatman sa pagtulong na
makatawid ang mga pasahero sa
pamamagitan ng paghawak ng
kamay.

Pagdunggo Pagdaong Pandiwa Pagdaong sa Sta. Rosa Port to


Angasil Vice Versa sa pagbibiyahe.

Paghikot Pagtali Pandiwa Ginagawa ito ng mga portman sa


pagtatali ng lubid sa pader na nasa
port upang ang bangka na
nakadaong ay hindi madala ng
malakas na alon at magkaroon ng
balanse sa pagkakalagay nito.

Paghupay Palikuran Pangngalan Madalas na nasa dulong bahagi ng


sasakyang-pandagat at ginagamit
sa mga pasaherong iihi o dudumi.

Pagkarga Pagbuhat Pandiwa Madalas na ginagawa ng mga


boatman at crew sa mga
pasaherong may maraming gamit o
kargamento na nais isakay o ibaba
mula sa bangka o ferryboat.

Paglabay Paghagis Pandiwa Ginagawa ito ng mga boatman ang


paghagis ng angkla sa dagat
tuwing ang bangka ay dadaong. Ito
ay ginagawa upang makapagbigay
suporta sa malalakas na alon na
mapanatili ang balanse nito sa
kinalalagyan.

Paglinya Pagpila Pandiwa Ito ay madalas na nangyayari sa


pasahero na gustong makasakay.
Nakararanas ng pagpila ng mga
pasaherong tuwing may malaking
okasyon sa isla na ipagdiriwang o
di kaya ay limitado lamang ang
bumibiyahe na sasakyang-
pandagat dahil sa malalakas na
alon at pinapayagan lamang ay
yung malalaking sasakyan.

Pagpalit Pagbili Pandiwa Ito ay ang unang proseso upang


makasakay ang mga pasahero sa
bangka o ferryboat. Nabibili ito sa
ticket booth at ang bawat isang tiket
ay 30 pesos para sa mga
matatanda na 18 na gulang pataas
at 20 pesos para sa mga batang 15
na gulang pababa.

Pagsakay Pagsakay Pandiwa Ito ay ginagawa matapos makabili


ng tiket ang mga pasahero. Malimit
nagkakaroon din ng pagpila sa
pagsakay sa bangka tuwing may
okasyon sa Isla gaya halimbawa
tuwing papalapit ang pista, pasko,
bagong taon at iba pang
mahahalagang pagdiriwang.

Pala Tagabunsod Pangngalan Ito ay gawa sa metal. Makikita ito


sa ilalim na bahagi ng sasakyang-
pandagat na siyang nagbibigay ng
lakas o hina ng pagtakbo ng
sasakyan. Ito ay nakakabit sa
bahagi ng makina.

Passenger Passenger Pangngalan Ito ay talaan ng mga nakasampa sa


Manifest Manifest sasakyang-pandagat. Record ng
kanilang pasahero na nakalagay
ang kanilang pangalan, edad, lugar
ng kanilang tirahan, at numero ng
kanilang selpon.
Pilot House Bahay ng Kapitan Pangngalan Bahagi kung saan nakatambay ang
kapitan pagmamaneho ng bangka
o ferryboat.

Pintal Pintura Pangngalan Ito ay anumang may kulay na likido,


liquefiable, o solidong mastic na
komposisyon na, pagkatapos ilapat
sa isang substrate sa isang manipis
na layer, ay nagiging solid film.
Ginagamit ito sa pagpaganda ng
sasakyang-pandagat upang
maging kaaya-aya itong tingnan.

Pisi Lubid Pangngalan Ito ay isang grupo ng mga sinulid,


sapin, mga hibla o mga hibla na
pinipilipit o pinagsama-sama sa
mas malaki at mas matibay na
anyo. Ito ay ginagamit pangtali sa
angkla at bilang suporta upang ang
sasakyang-pandagat ay hindi
madala sa alon o ihip ng hangin.

Pito Sipol / Pito Pangngalan Ito ay isang instrumento na


gumagawa ng tunog mula sa isang
stream ng gas, pinakakaraniwang
hangin. Ito ay ginagamit sa mga
crew sa pagtawag sa portman
tuwing dadaong ang bangka o
ferryboat. Ginagamit din ito sa
paghingi ng tulong kung saka-
sakali may sakuna na darating.

Salbabida Salbabida Pangngalan Ito ay hugis bilog na kagamitang


lumulutang sa tubig at maaaring
kapitan o sakyan upang hindi
malunod.

Serbato Torotot / Serbato Pangngalan Ito ay isang aparato (tulad ng


clapper o kampana o busina) na
ginagamit upang gumawa ng
malakas na ingay. Ito ay ginagamit
ng portman madalas kung mayroon
pang humahabol na pasahero na
gustong makasakay. Nagbibigay
ito ng signal sa mga boatman sa
bangka.

Singsing sa Singsing ng Pangngalan Ito isang floating device na


kinabuhi buhay nagagamit sa emerhensiya o
pagsagip ng buhay kung saka-
sakali may malulunod. Ito ay
idinisenyo upang ihagis sa isang
tao sa tubig, upang magbigay ng
buoyancy at maiwasan ang
pagkalunod.

Sirena Sirena Pangngalan Ito ay isang device na kadalasang


pinapagana ng elektrikal para sa
paggawa ng tumatagos na tunog
ng babala Nagbibigay ito ng
paalala o hudyat sa pagdaong o
pag-alis ng sasakyang-pandagat.

Sticker Guide Paskil na Pangngalan Ito ay isang strip ng malagkit na


nagbibigay papel o plastik na may naka-print
patnubay na mensahe at idinisenyo upang
idikit. Makikita sa bangka o
ferryboat na pinaskil ito sa bubong
bilang paalala o patnubay para sa
mga pasaherong sumasakay.

Storage Room Imbakan Pangngalan Ito ay isang silid o espasyo para sa


pag-iimbak ng mga kalakal o
suplay ng mga boatman, crew at
portnan sa bangka. Imbakan din ito
ng mga gamit tulad ng life jacket na
sobra.

Suga Ilaw Pangngalan Ito ay isang electric lamp na


binubuo ng isang transparent o
translucent glass housing na
naglalaman ng wire filament
(karaniwan ay tungsten) na
naglalabas ng liwanag kapag
pinainit ng kuryente. Nagagamit
lamang ito tuwing gabi o
umaambon dahilan sa pagdilim ng
paligid.
Tambutso Tambutso Pangngalan Ito ay gawa sa metal at tawag sa
tubong nagpapalabas ng usok at
nagpapahina ng ingay mula sa
isang makina.

Ticket Tiket Pangngalan Ito ay isang piraso ng papel o maliit


na card na nagbibigay sa may
hawak ng isang tiyak na karapatan.
Ito ay hinahanap ng boatman sa
bangka sa mga pasaherong
sasakay.

Ticket Booth Kuwarto ng Pangngalan Ito ay isang lugar kung saan


Kahera ibinebenta ang mga tiket sa publiko
Dito bumibili ang mga pasahero ng
tiket sa pagsakay ng bangka o
ferryboat.

Trapal Lona Pangngalan Ito ay mahaba at makapal na


plastic na kung saan hinahabi ang
linen cloth. Ito ay na ginagamit
panangga sa ulan o init.

Tukon Katawan ng Pangngalan Ito ay ang katawan ng kawayan na


Kawayan mahaba. Ginagamit sa pagdaong
na sasakyang-pandagat at suporta
sa mga pasaherong tatawid sa
hagdanan upang makasakay o
makababa.

TV Telebisyon Pangngalan Ito ay isang piraso ng mga de-


koryenteng kagamitan na may
salamin na screen kung saan
maaari kang manood ng mga
programang may mga larawan at
tunog. Ito ay ginagamit na pang-
aliw o pang-alis antok ng mga
pasahero habang nasa biyahe.
IV. AMBAG SA INTELEKTWALISASYON NG WIKA AT SA
LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD
Ang mga nalikom na leksikong mayroon ang Boatman, Portman at Crew sa Sta.
Rosa Ferry and Sta. Rosa Ferry Express ay makakatulong na pagyamanin ang wikang
Filipino sapagkat ang mga salitang ginamit ay nasa unang wika o mother tongue na
Sinugbuanong Binisaya at isinalin sa salitang Filipino upang mas malinaw at maunawaan
nang nakararami. Ang mga salitang ito ay nabuo sa paggawa ng isang glosaryong papel
na maaaring magamit ng mga guro, mag-aaral sa pagtuturo at pagkatuto. Sa mga
leksikong nalikom ng mananaliksik ay makakatulong din ito upang mabigyan ng
pagpapahalaga na maipreserba ang kulturang mayroon sa pamamangka. Ang pag-aaral
na ito ay magsisilbing gabay at instrument na mas bigyang-diin na pag-aralan ang mga
natatanging hanapbuhay mayroon ang nasa lugar na kinabibilangan. Mabigyan ng
pagpupugay ang mga katawagang ito na mapabilang sa pagpapayaman ng wika at
kultura. Mithiing ang mga linggwistikong komunidad ay makilala at maipreserba upang
maibatid at maituro sa kasalukuyang panahon at sa susunod na henerasyon.

V. KONKLUSYON
Matapos mahimay-himay ng mananaliksik ang pagsusuri sa mga leksikong
ginamit sa napiling hanapbuhay napagtanto na kadalasan sa mga ito ay nasa wikang
Ingles. Napagtanto na karamihan sa mga salita na ito na may kinalaman sa mga
kagamitang ginagamit ay walang katumbas sa kanilang dayalekto at maging sa Wikang
Filipino, kaya hinayaang ang salitang Ingles ang ginamit sa pagbabatayan. Isa ding salik
kung bakit nagkakaroon ng panghihiram sa mga salitang Ingles ay dahil sa maraming
turista o dayuhan ang pumapasyal sa Isla ng Olango na malimit sa mga pasaherong ito
ang sinasalita sa pakikipag-usap ay may halong ingles at bisaya.

VI. SANGGUNIAN
Alcarez, C.V. et al. (2005). Komunikasyon Sa Akademikong Filipino. 776 Aurora Blvd.,
cor. Boston Street, Cubao, Quezon City, Metro Manila. Lorimar Publishing Co., Inc.
Peña, E.L. et al. (2017). Kanlungan 11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. 579 Ayala Blvd., Ermita, Manila Philippines. ELP Campus Journal
Printing
https://en.wikipedia.org/wiki/Olango_Island_Group

You might also like