You are on page 1of 39

MGA SASAKYAN SA

PILIPINAS
Iniulat ni: Hazel Anne Sobremonte
MGA SASAKYANG
PANLUPA
MGA SASAKYANG PANLUPA

K
A
L
E
S
A
KALESA
• Ang kalesa (mula sa Espanyol na calesa) ay isang sasakyang may gulong at
hinihila ng kabayo. Isa itong uri ng pampublikong transportasyong
ipinakilala ng mga Espanyol sa Pilipinas noong ika-18 siglo, at naging
popular lalo sa mga mariwasa, taong may katungkulan, at mangangalakal.
• Isang sasakyan itong nakabukas ang harapan, may maluwang na bintana
ang tatlong gilid, may malaking dalawang gulong, at may dalawang baras
para pagsingkawan ng kabayo. May tinatawag na karitela na may
dalawang hanay ng upuan at nakapagsasakay ng apat o mahigit na
pasahero. Nakaupo sa harapan ang kutsero, ang nagmamaneho ng
kabayo.
PANAHON NG MGA AMERIKANO
• Sa pagdating ng mga Amerikano, maraming mga
daan at tulay ang nilikha upang mapag-ugnay ang
mga bayan, lalawigan at pulo ng bansa. Binago at
ginawang mabilis ng mga Amerikano ang paraan ng
paglalakbay ng mga Pilipino kumpara sa panahon ng
mga Espanyol. Pinalaganap ang paggamit ng mga
tren, tranvia, kotse at bus.
• Noong 1917, ang Manila-Dagupan Railway na pagmamay-ari ng mga
Ingles ay binili ng pamahalaang Amerikano. Itinatag ito bilang Manila
Railroad Co. na kilala ngayon bilang Philippine National Railways (PNR).
Pinahaba at pinalawak nito ang mga riles ng tren hanggang La Union sa
hilaga at Albay sa timog. Nagkaroon din ng mga linya ng tren sa Cebu at
Panay. Sa kabuuan, tinatayang aabot sa 1,395 kilometrong riles ng tren
ang naitayo ng mga Amerikano sa ilalim ng kanilang pamamahala. Ang
pagtatayo ng mga linya ng tren ang nagpaunlad sa mga pook na
dinaraanan nito. Ito rin ang naging dahilan ng pagdami ng mga lungsod.
Gayundin ang pag-usbong ng Maynila bilang sentrong komersyal ng
bansa.
• Ipinakilala naman ng Manila Electric and Railroad Co. o MERALCO ang
de-kuryenteng tranvia. Ito ay kaiba sa tranvia na hila-hila ng mga
kabayo noong panahon ng mga Espanyol. Aabot sa 24 na katao ang
maisasakay ng isang tranvia. Masasabing ito ang unang mass
transport system sa Kamaynilaan dahil halos lahat ng bahagi ng
lungsod ang siniserbisyuhan nito.
• Dumating naman ang unang auto o kotse sa Maynila noong 1903. Isa
itong benzine-fueled French-made Brazier. Ang kotse ang
nangungunang transportasyon noong panahong iyon partikular na sa
mga maykaya sa buhay.
• Noong 1924, ipinakilala naman ng MERALCO sa Maynila ang mga Atlas-
General Electric trackless trolley bus. Ito ang nagpasimula ng bus
transport system sa bansa.
• Lumaganap naman ang mga autocalesa o mga de-metrong taxi noong
mga 1930s. Maaari itong magsakay ng apat hanggang anim na pasahero.
Bagamat mahal ang pasahe rito, ito ang naging pinakamainam at
pinakamabilis na pampublikong transportasyon noong panahong iyon.
Lumaganap din ang paggamit ng mga trak at motorsiklo sa paglalakbay.
Ang dyip pangmilitar naman ang sinasabing pinagmulan ng
pampasaherong dyipni na lumaganap pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
J
E
E
P
N
E
Y
• Sinasabing nagmula ang jeepney mula sa mga sasakyang pangmilitar
ng Estados Unidos o U. S.A. noong pagwawakas ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ang salitang “jeepney” ay pinagsama
umanong salita mula sa “jeep” at “jitney”, mga tanyag na salitang
“slang” noong panahong iyon. Ang terminong jitney ay tumutukoy
sa American taxicab, at ang “jeep” ay coined term para sa sasakyang
pangmilitar ng mga Amerikano. Samantala, may ilang mga
nagsasabing nagmula ang salitang jeepney sa salitang “jeep” at
“knee” bilang paglalarawan sa pagkakatapatan ng mga tuhod ng
mga nakasakay o pasahero dito.
• Ang Jeepney, ang pinakasikat na pampublikong sasakyan sa Pilipinas,
tulad ito ng mini-bus na trak na ginawa muli para magkaroon ito ng
dalawang pahabang upuan sa likod ng tsuper at sariling upuan ng tsuper
sa harap. Hindi man ito pinapatakbo bilang pampublikong sasakyan ng
gobyerno, ang mga Jeepney ay minamaneho ng mga pribadong may-ari
bilang transportasyon ng nakararami at sa murang halaga. Ang mga
Jeepney ay galing sa mga trak na naiwan ng mga Amerikanong mga Tropa
noong World War II. Ito ay mas maliit noon kumpara sa mga ginagamit
ngayon dahil ang mga taggagawa ay sinumulan ng gumawa ng sarili
nilang disenyo at mga gamit nito upang makamit ang mga nakaugalian at
ang pamantayan ng mga transportasyon ng gobyerno.
Unang Henerasyon ng Mga Jeepney – Ito ang mga nagawa sa
pamamagitan ng pag-iba ng mga lumang jeep, trak at mga
pickup, gamit ang mga lumang makina, na may mga upuan at
mahalagang pag-ayos, kaya ang mga jeepney ay nagagamit na
para sa pampumblikong transportasyon. Dahil sa nakaugalian
ng gobyerno , ang mga sasakyan na higit pa sa 15 taon ay
hindi na maaring gamitin at kadalasan sa mga naunang
henerasyon ng mga Jeepney ay nagsimula upang makita ang
katapusan ng kanilang gamit.
Pangalawang Henerasyon ng Mga Jeepney – Ito ay gawa mula
sa mga lumang pickup at jeep pero sinukat at kinondisyon
muli ang mga makina para sa mas mabuting pagganap at
makakasigurong maayos. Ang Pangalawang henerasyon ng
mga Jeep ay may kasama ring bagong kasangkapan tulad ng
air conditioning, mas malawak na upuan at centralised lock
para sa kaligtasan. Halos lahat ng mga Jeepney na ito ay
pinapatakbo ng diesel at ito ay kilala na mas naglalabas ng
maraming usok galing sa tambotso nito.
Pangatlong Henerasyon ng Mga Jeepney – gawa sa
mga bagong makina, ito ay naghahandog ng mas
mabuting mga kagamitan tulad ng malakas na air
conditioning at makina na sumusunod sa pamantayan
ng gobyerno ang Euro 4. Ito ay tulad ng isang mini-bus
na ang pintuan ay maaring nasa harap o likod.
Makabagong Mga Jeepney – Ito ay tulad rin sa pangatlong
henerasyon ng mga jeepney pero mas may dagdag itong
pamantayang nakasanayan ng gobyerno lalo na pagdating sa
kaligtasan, upuan at pagdagdag ng taas ng Jeepney,
teknolohiya sa pagkolekta ng pamasahe ng mga pasahero, Wi-
Fi at GPS. Ang mga ganitong Jeepney ay binubuo ng mga
kilalang tagagawa at ibinigay para sa pagdala ng mga
asosasyon para sa komersyal na gamit.
E-Jeepneys- Ang mga Jeepney na tumatakbo gamit
ang elektrisidad ay ipinapanukala na at isninaalang-
alang bilang sagot para sa greenhouse gas emissions
at pagprotesta sa presyo ng diesel sa Pilipinas, pero
hindi pa ito masyadong napapatupad dahil sa mataas
na presyo ng elektrisidad ng rehiyon.
T
R
I
S
I
K
A
D
HH
AA
BB
AA
L L
B
U
S
T
R
E
N
T
A
X
I
MGA SASAKYANG
PANTUBIG
MGA SASAKYANG DAGAT NG MGA NINUNO
PANAHON NG MGA AMERIKANO
Umunlad din ang transportasyong pandagat noong panahon ng
mga Amerikano. Ang mga mababagal na bangka, kaskos at batel
na ginagamit noong panahon ng mga Espanyol ay napalitan ng
mga mabibilis na bangkang de-motor, lantsa, steam tugboats at
mga inter-island steamer. Pinasimulan din sa panahong ito ang
paglalayag ng mga international steamships sa iba’t ibang panig
ng mundo. Dahil dito, dumami ang pagbukas ng mga daungan o
seaports sa bansa. Isa na rito ang Port of Manila na sinasabing
pinakamalaking daungan sa Asya noong panahong iyon.
MGA SASAKYANG
PANGHIMPAPAWID
Ipinakilala naman sa mga Pilipino sa unang pagkakataon ang eroplano noong
1911. Ito ay pinalipad ni ‘Lucky’ Baldwin bilang bahagi ng isang palatuntunan sa
Manila Carnival City. Noong 1930, sinimulan naman ng Philippine Aerial Taxi Co. o
PATCO ang unang komersyal na eroplano sa bansa. Dito unang naranasan ng mga
Pilipino na maglakbay sa pamamagitan ng himpapawid sa iba’t ibang bahagi ng
ating kapuluan. Sinundan naman ito ng pagtatag ng Iloilo-Negros Air Express Co. o
INAEC noong 1933. Sinasabing ang dalawang kompanyang ito ang naging
Philippine Airlines matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang paglapag
naman ng China Clipper ng Pan-American Airways sa Maynila noong Nobyembre
29, 1935 ang itinuturing na unang trans-Pacific air travel mula California, USA
hanggang Pilipinas. Ito rin ang nagpasimula sa internasyunal na paglalakbay ng
mga Pilipino sa pamamagitan ng mga eroplano.
Sa paglipas ng panahon, masasabi nating unti-unting
nagbabago at umuunlad ang sistema ng transportasyon sa
bansa. Mula sa isang simple,ito ay naging moderno at
sophistikado. Bagamat lagi itong pabagu-bago, dapat nating
tandaan na ang pagkakaroon ng isang malawak at mabilis na
sistema ng transportasyon ay isa sa mga salik na magbibigay-
daan sa minimithing pag-unlad ng isang bansa.

You might also like