You are on page 1of 1

KONSEPTO MILLENYA: Tahakin ang Himpapawid

Ni Ralph Vinzr D.C Agarcio (12-STEM ATAldaba)

Lansangang puno ng usok at init dulot ng buhol-buhol na trapiko ang isa mga suliranin na hinaharap ng
maraming Pilipino na nagdudulot ng pagkaaksaya ng oras. Ngunit mula sa adhikain ni Kyxz Mendiola,
isang Pilipinong imbentor, isinakatuparan niya ang pagreresolba sa problemang ito at gumawa ng isang
sasakyang panghimpapawid na kinilala bilang Koncepto Millenya.

Anim na taon mula nang simulan niya ang pagbuo sa sasakyan mula sa kanyang natatanging kaalaman sa
teknolohiya at makinarya na hinango sa multi-copter technology. Inspirasyon ni Mendiola ang mga
sports car na kanyang gusto noon pa man kaya halos magkapareho ang hitsura nito. Sa unang hakbang
ay bumuo muna siya ng isang modelo ng hoverboard na karaniwan na nakikita sa mga Sci-Fi Films na
naging matagumpay matapos umulit siya ng ilang daang beses dahil sa mga pagputok ng mga kable o
kaya’y short circuit. Nang maiayos niya ang hoverboard ay kanyang isinunod ang paglalagay ng 8
galamay nito o legs na susuporta upang makalipad ito. Binubuo ang isang leg ng 2 propeller o ang elesi
na nagpapanatili ng stability nito habang nasa himapapawid. Suportado rin ito ng 16 na computers na
siyang umaagapay sa pagkontrol ng direksiyon ng tinatahak ng Koncepto Millenya. Hindi tulad ng ibang
mekanismo, kahit na masira ang isa sa mga bahagi nito tulad ng propeller, magpapatuloy pa rin ito sa
paglipad. Ang kabuuang estruktura ay gawa sa carbon fiber at ang aircraft grade nito binubuo naman ng
aluminum.

Sa ngayon ay isang tao pa lamang ang maaaring makasakay dito at nasa 80 kg lamang ang kapasidad
nitong dalhin. Tulad ng mga e-tricycles, nire-recharge din ito sa loob ng dalawa’t kalahating oras. Nasa
katamtamang bilis itong 20-25 kph na tumatagal ng 15 minuto sa paglipad sa taas na 25 talampakan.

You might also like