You are on page 1of 2

Pagsusurbey:

Ang aming grupo ay naghanap ng iilang mga tao na maari naming matanong
tungkol sa solar panels at kung paano ito makakatulong sa aming unibersidad pati na din
sa ekonomiya. Sa aming perspektibo, ang paggamit ng solar panels sa De La Salle
University ay isang inobatibong proyekto kung saka-sakaling magawa ito. Sa laki ng
ating unibersidad, siguradong malaki din ang binabayaran nila para sa kuryente ng
unibersidad. Nakaisip ang grupo naming na solar panels na lamang ang gawing paraan
para malutas ang problema sa pagkokonserba ng kuryente.
Mayroon na din namang iilang pamamaraan kung paano tayo makakapagkonserba
ng kuryente o enerhiya. Isa na dito ang simpleng pag patay ng mga ilaw at ibang devices
na hindi ginagamit. Iilan na dito ang ilaw, pc, aircon, at iba pa. Ngunit, hindi naming
makitang sapat ang simpleng pag patay lamang ng ilaw at iba pang bagay na gumagamit
ng kuryente. Ang solar panel ay gumagawa ng enerhiya na isa sa pinaka malinis na
enerhiya na dumadaloy sa mundo natin ngayon. Ito pala ay nakakatulong din sa ating
pamumuhay dahil pwede na nating magamit ang sobrang pera sa ibang bagay gaya ng
pangedukasyon, pangospital, at iba pa. Ang ekonomiya natin ay makakabenepicio din sa
natuturing solar energy. Dahil kung bababa ang bayarin para sa kuryente, hindi malabong
tataas ang budget ng bansa para sa ibang bagay na mas pangangailangan ng mga tao sa
ating bansa. Nauuna na dito ang pagkain, mga bahay, at trabaho.
Nang kami ay nagtanong sa iilang mga estudyante ng Unibersidad ng De La Salle
at iba pang tao sa labas ng unibersidad, naisip naming kumuha ng mga pagtatanungan sa
edad na 16 hanggang 30 lamang. Ginawa naming ito para makita namin kung praktikal
ba o hindi ang paggawa ng solar panels sa aming unibersidad.
Ang unang tanong naming ay, “Ang solar panels ba ay makakatulong sa ating
unibersidad?” Madami ang nagsabi na hindi daw dahil dagdag lamang da ito sa
babayarang tuition fee. May mga iba din naman na nagsabing makakatulong itong mga
solar panels dahil sa tumataas na bayarin ng kuryente kada taon, makakatulong itong
makaipon o makabawas sa bayaring pangkuryente. Kami ay naniniwalang ito ay
makakatulong sa ating unibersidad, Pero sa huli, pagkatapos mabawi ang perang
iginastos sa solar panels, siguradong bababa ang aming mga tuition fee dahil magmumura
din ang singil sa kuryente ng aming unibersidad. Para mabawi ang ginastos sa paggawa
ng solar panels na ito.
Ang pangalawang tanong naming ay, “Paano ba gumagana ang solar panel?”
Karamihan ay nagsabi na kumukuha ito ng enerhiya galing sa araw. Ito ang tinatawag na
solar energy. Pumapasok da ito sa panels ng solar panels at nagiging stored energy o
renewable energy na nagsisilbing enerhiya para gumana o gumalaw ang isang bagay na
kailangan ng kuryente. Tama ito, nagiging renewable energy ang solar energy na
pumapasok sa solar panels at sa lakas ng enerhiyang ito. Kaya nitong magpaproseso ng
mga appliances at iba pang kagamitan.
Naniniwala kami na sa paggamit ng solar panels, siguradong malulutas ang
problema kung paano tayo makakapagkonserba ng enerhiya sa loob ng unibersdad.
Madami kaming nakuhang iba-ibang mga sagot galing sa iba’t ibang tao ngunit ang
lumalabas, ito talaga ay makakapag bigay tulong sa unibersidad pati na din sa
ekonomiya.

You might also like