You are on page 1of 2

ORIGINAL STATEMENT/S

"To be able to appreciate the value of things, we should first determine their struggles", that
means that by knowing the struggles of working student they will be so much appreciated by the
people. By knowing the struggles of working students, people will also be motivated to work
hard. Poverty is not a valid reason not to work hard. Poverty is not a hindrance to success.

REFERENCES (APA STYLE)

Author/s: Karikari, K.B

Year: 2018

Title: TWO IN ONE: STRUGGLES OF A WORKING STUDENT

Place:Retrievedofromohttps://www.researchgate.net/publication/
331815496_2in1strugglesofworkingstudents

SUMMARIZED, QUOTED, PARAPHRASED STATEMENTS

Ayon kay Karikari, K.B (2018) “Para mapahalagahan ang mga bagay, kailangan ay
unang matukoy ang kanilang ikinakaharap na problema” ibig sabihin ay sa pag-uunawa ng mga
ikinakaharap na problema ng mga working student ay malalaman at maiintindihan kung gaano
sila kahalaga. Sa pag-iintindi ng problemang ikinakaharap ng mga working students,
magkakaroon ang mga tao ng motibasyon para magsumikap. Ang kahirapan ay hindi hadlang
para maging matagumpay. Hindi biro na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Kahit na ito
ang pinakamahirap at pinakamatinding suliranin na iki akaharap ng mga working student ay
nasanay na sila dahil sa rason na makatulong sa magulang. Isa sa pinakamahalagang susi para
magtagumpay ang pag-aaral ngunit hindi ganoon kadali sa mga mag-aaral dahil kailangan nitong
ibuwis ang dugo’t pawis ng bawat working student. Sa panahon ngayon, lalo na sa mga
estudyante na nasa kolehiyo ay nakapokus sa pagtatrabaho upang maibigay ang kanilang
pangangailangan sa pag-aaral. Nakakatanggap ang mga working students ng suporta sa
pagtatrabaho. Dahil mas nakapokus ang mga working students sa pagtatrabaho ay nagbubunga
ito ng pagkakaroon ng mababang marka sa klase. Malaki ang epekto nito sa mga working
students sapagkat nagkakaproblema sila sa oras na gugugulin. Maikli lang ang kanilang oras sa
pag-aaral at isa sa dahilan nito ay ang problema kung bakit naiiwan at nahuhuli sila sa pagpapasa
ng mga gawain katulad ng takdang aralin at pagsusulit. Minsan ay hindi na rin sila
nakakapagpasa dahil sa kahirapan nila sa pagbabalanse ng oras. Maraming working student ay
hindi nakakatulog sa kadahilanang marami silang hahabuling gawain. At dahil sa hirap ng
kanilang idinadanas ay napipilitan ang karamihan sa mga working student na tumigil muna sa
pag-aaral. Ang kanilang rason ay kailangan muna makapagipon para matustusan ang
pangangailangan at makatulong sa pag-aaral.
ORIGINAL STATEMENT/S

The school should also be aware to the struggles of working students in their campus. Colleges
and university should encourage, reward, and support faculty members who consider
working students.

REFERENCES (APA STYLE)

Author/s: Umbach, P.

Year: 2018

Title: TWO IN ONE: STRUGGLES OF A WORKING STUDENT

Place:Retrievedofromohttps://www.researchgate.net/publication/
331815496_2in1strugglesofworkingstudents

SUMMARIZED, QUOTED, PARAPHRASED STATEMENTS

Ayon kay Umbach, P. (2018) Ang eskwelahan ay dapat magkaroon ng kamalayan sa


ikinakaharap na problema ng nga working students sa kanilang campus. Ang kolehiyo at
unibersidad ay dapat manghikayat, bigyan ng gantimpala at suporta ang miyembro ng faculty sa
pag-unawa at pag-intindi sa mga working studenys. Kapag alam ng unibersidad ang iba’t-ibang
problema na ikinakaharap ng mga working students ay posibleng mababawasan ang halaga ng
tuition. Umaasa sa kanilang trabaho ang mga mag-aaral para makayanan nilang suportahan ang
kanilang pag-aaral Higit na malaki ang bayarin sa kolehiyo kaya dapat nating intindihin ang
mga sinasapit ng mga working students. Hindi natin alam kung gaano kahirap ibalanse ang pag-
aarak at pagtatrabaho. Mahirap sa mga working students magkaroon ng mababang marka
sapagkat hindi nila ginusto na pumasok sa ganitong sitwasyon. Masaya sila na nakakatulong sa
magulang at sa kanilang sarili. Mas nakatuon sila sa pangangailangan pang pinansyal dahil sa
kahirapan. Sa kabila ng pagsisikap nila sa pagtatrabaho at presyur na natatanggap sa pag-aaral ay
nagagawa parin nilang hindi sumuko dahil alam naman natin na bawat isa sa atin ay may
pangarap. Ang pinakamalaking epekto nito sa mga working students ay ang kalusugan. Ito ay
mapanganib dahil karamihan sa mga working students ay ipinagwalang bahala ang kanilang
kalusugan. Maaaring makasama rin sa kalusugan ang pagkabalisa sa pag-aaral ng mga working
students. Nagkakaroon sila ng iba’t-ibang emosyon base sa kanilang kalagayan sa pag-aaral.

You might also like